PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boost Noodle, an instant ramen with caffeine made for gamers

Handy, convenient to eat
by KC Cordero
Published Sep 30, 2024
Photo of Boost Noodle
Ang online gamers na ayaw paawat sa paglalaro ang target market ng Boost Noodle, pero puwede rin ito para sa ibang gutom na pero ayaw pang bitawan ang hawak na smartphone. Hindi na rin ito kailangang initin. Halaga ng bawa't pakete: 660 yen o PHP259.83. (Photos courtesy of Cool)

Inilunsad ng Nippon Ham, isang noodle company sa Japan, noong July 26, 2024 ang bagong produktong instant ramen na makakain sa pamamagitan lang ng paghigop sa pakete nito.

Ang bagong instant ramen ay tinawag na Boost Noodle—isang hearty pork ramen na idinisenyo para sa gamers na ayaw paawat sa kanilang paglalaro pero kailangang kumain.

Ang ramen na ito ay nakalagay sa convenient plastic pouch at puwedeng kainin nang walang utensils, kaya hindi rin matatapunan ng food ang expensive gaming gadgets.

Read: Student fails exam after meatball lands on laptop, logs her out

Packaging of Boost Noodle
Nakakabusog ang Boost Noodle, at nakakapagpalakas din ng energy. Photo: Screenshot at Cool
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Customer in restaurant finds rare pearl while eating mussels

Hihigupin na lang ang content na nasa pouch.

Gawa ito sa special type ng yam noodles, chashu pork, menma (fermented bamboo shoots), at pinaghalong pork stock and seafood broths.

Bawat pakete ay nagtataglay rin ng 35 milligrams ng caffeine.

Kumpara sa ibang instant noodles, hindi na ito kailangang iinit, o lagyan ng hot water.

Read: 8-year-old girl drives mom’s SUV to shop and have Frappuccino

BOOST NOODLE IDINISENYO PARA SA GAMERS

Ang idea para sa production ng Boost Noodle ay nai-pitch sa Nippon Ham ng isa nitong emplayado na mahilig maglaro ng video games nang mahabang oras.

Ayon sa nag-pitch, ang online gamers na ayaw paawat sa paglalaro pero kailangang kumain para manatiling energetic ay nangangailangan ng hearty alternative bukod sa protein bars at jerky strips.

Read: Crumbs, overweight cat, put on strict diet and exercise regimen

Gamer eating Boost Noodle
Kahit idinisenyo para sa gamers, puwede rin naman kahit kanino ang Boost Noodle. Photo: Screenshot at Cool
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wedding bouquet toss turns into wrestling match among ladies

Hindi kailangang mahal ang alternative na pagkain, at hindi kailangang matapunan o madumihan nito ang kanilang gadgets.

Bagaman at mukhang madali lang sa Nippon Ham ang makagawa ng ganitong klase ng produkto, inabot din ng dalawang taon ang product development ng Boost Noodle bago ito opisyal na naibenta sa merkado.

Read: 1975 10-centavo coin without mint mark now worth PHP28M

THREE MONTHS ANG EXPIRY NG BOOST NOODLE

Isa sa pinamakahirap na challenge sa Nippon Ham sa pagbuo ng Boost Noodle ay kung paano magagawan ng paraan na hindi magiging soggy o malata ang noodles kapag inihalo na sa tonkotsu o broth.

Nasolusyunan ito ng kumpanya sa pamamagitan ng paggamit ng noodles na yari sa konnyaku yams sa mas dense at semi-gelatin broth.

Read: Viral salad videos cause shortage of cucumber in Iceland

Noodles coming out from Boost Noodle packaging
Tiniyak ng manufacturer ng Boost Noodle na de-kalidad ang noodles ng ramen nito. Photo: Screenshot at Cool
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Cafe owner goes viral for looking incredibly young at 52

Ang pasteurized ramen ay hindi masisira o mapapanis kung ilalagak at a room temperature sa loob ng 90 days.

Bagaman at nakadisenyo ang Boost Noodle para sa gamers, mae-enjoy rin ito ng kahit sino na naghahanap ng nakabubusog na snack gamit lang ang isang kamay, lalo na ang mga palagamit ng kanilang smartphone kahit saan.

Kumpara sa ibang instant noodles, hindi na ito kailangang iinit, o lagyan ng hot water.

Ang presyo nito kada pakete ay 660 yen o PHP259.83.

Read: Hotdog eating contest champ wins PHP5.6M prize

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang online gamers na ayaw paawat sa paglalaro ang target market ng Boost Noodle, pero puwede rin ito para sa ibang gutom na pero ayaw pang bitawan ang hawak na smartphone. Hindi na rin ito kailangang initin. Halaga ng bawa't pakete: 660 yen o PHP259.83. (Photos courtesy of Cool)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results