Nagulat na lang ang mga residente ng Rochdale, Greater Manchester sa England nang ilagay ang isang giant baby doll sa kanilang town plaza.
Sa ulat ng Rochdale Online noong September 24, 2024, isinalarawan ng mga residente ang giant baby doll bilang “creepy.”
Read: Son sues mom for throwing away his manga comics collection

Read: Magazine posts obituary of a woman who is still alive
Tinawag itong Lilly, may taas na 27 feet.
Naigagalaw ang mga kamay at paa nito, at naibubuka at naisasara ang bibig.
Sa isang video na naka-upload sa Facebook page ng Rochdale Borough Council, makikita ang isang grupo ng mga batang estudyante na kinakantahan si Lilly ng “Twinkle, Twinkle Little Star.”
Read: World’s luckiest man Frane Selak escapes death 7X, wins lotto
BAKIT ITINAYO ANG GIANT BABY DOLL?
Ayon sa Facebook post, itinayo ang giant baby doll sa plaza bilang bahagi ng bagong kampanya para hikayatin ang mga batang estudyante na talakayin ang kahalagahan ng kapaligiran.
Madalas na may mga grupo ng mga estudyante na nakikipag-usap kay Lilly tungkol sa kanilang plano kung paano pangangalagaan ang mga hayop at ang kalikasan.
Magkakaroon din ito ng appearance sa gaganaping Wild Wanders event ngayong October 2024, kung saan ibabahagi ni Lilly ang mga ideas na nakuha niya sa mga bata.
May dress rehearsal din kung paano siya bibihisan matapos mabatikos ang council na hindi appropriate na mag-display ng “naked baby” sa town hall.
Read: TikToker who wedded solo dies after falling from building
OLDIES NATATAKOT SA GIANT BABY DOLL
Pero kung approachable sa mga bata si Lilly, iba ang epekto ng giant baby doll sa mga nakatatanda.
Kinatatakutan nila ito.
Ayon sa isang residenteng nakapanayam ng local media, kapag tinitingnan niya si Lily, kahit nakapikit ang mga mata nito ay natatakot na siya.
Lalo na umano pag nakadilat ito.
Read: Reddit user discovers old photos of Nora Aunor in old film camera

Read: Boy kidnapped in 1951 reunites with family after 70 years
May mga nagsabi rin na noon naman ay hindi kinailangan ng Rochdale ng ganitong pakulo para turuan ang mga bata kung paano mapapangalagaan ang kalikasan.
Puna rin ng mga ito, si Lilly ang pinakapangit na manikang nakita nila.
May naghalintulad din sa giant baby doll na parang nagmula ito sa 1990 science fiction comedy na Honey I Shrunk the Kids.
Read: Man's saliva matches DNA from a murder 36 years ago
Maging ang mga nagkokomento sa Facebook post ng Rochdale Borough Council ay natatakot kay Lilly.
Nagpapaalala umano ang giant baby doll sa animatronic puppet na namamahala sa Red Light, Green Light game ng Korean horror series na Squid Game.
Hindi pa malinaw kung hanggang kailan naka-display si Lilly sa town plaza, pero ang initial report ay tatagal ito hanggang October 29.
Read: The life of Lyn May, famous for “statuesque body, monstrous face”
