PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Stranger obtains fraudulent deed to dentist’s PHP232M property

And it's legal according to their state law.
by KC Cordero
Published Oct 3, 2024
The property
Nagsumite ang isang babae sa Register of Deeds ng legal documents at na-claim niya ang ownership sa property na milyun-milyon ang halaga. Nang maghabol ang dentista na siyang tunay na owner, kinailangan niyang dumaan sa magastos na proseso para mabawi ang ari-arian. (Photo courtesy of WRAL.com)

Nagulat na lang si Dr. Craig Adams, residente ng Alpine Creek Drive Homes sa Raleigh, North Carolina, USA, nang matuklasang hindi na niya pagmamay-ari ang 8,300-square-foot house and lot na matagal na niyang tinitirahan kasama ang kanyang misis.

Si Craig ay isang dentista.

Nalaman lang niya ito nang kausapin siya ng isang kapitbahay at itanong sa kanya kung naibenta na niya ang property.

The interior and exterior of the property
Ang loob at labas ng bahay ni Dr. Craig Adams. Photo: Screenshot at WRAL.com
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabihan umano ang kanyang kapitbahay ng Homeowners Association property management company na alamin nito kung si Craig pa ang may-ari ng bahay.

Sinabi rin nito sa kanya na isang babaeng nagngangalang Dawn Magnum ang nagpakilalang may-ari ng bahay at nagtanong pa ito sa HOA property management company kung ano ang gate access codes.

Hindi kasi basta-basta nakakapasok doon ang hindi homeowner.

Ipinakita pa raw ng naturang Dawn Magnum ang legal deed na nagsasaad na nasa pangalan nito ang property ni Craig.

Hindi makapaniwala so Craig na sa isang total stranger nakapangalan ang kanyang bahay kaya nag-imbestiga siya.

Lalong nagulat si Craig nang malamang legal na nakakuha ang babae ng dokumento sa Wake County Register of Deeds.

Ang mas shocking, ang nakuhang legal deed ng babae ay hindi na maaaring i-revoke.

Read: Widower refuses to give deceased wife's branded clothes to sister

LEGAL DEED NA IPINAGKALOOB NG REGISTER OF DEEDS SA BABAE, HINDI BASTA-BASTA MABABAWI

Nagkakahalaga ng US$4 million o PHP232 million ang property ni Craig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilista niya itong for sale, pero hindi pa nabebenta.

At ni hindi nakita kailan man si Dawn Magnum.

Nang lumaganap sa kanilang area ang tungkol sa kanyang sitwasyon, kinapanayam siya ng local media.

Pagbabahagi niya sa mga ito, idinulog na niya sa Register of Deeds ang kanyang problema.

Photo of the dentist
Si Dr. Craig Adams, ang totoong may-ari ng property. Photo: Screenshot at Microsoft Start
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ang sabi umano sa kanya ng ahensiya, wala itong magagawa para mabawi ang ibinigay na legal deed kay Dawn.

At dahil naka-file na ang property sa pangalan ng babae, ang magagawa na lang ni Craig ay kumuha ng private lawyer at magsampa ng kaso sa hukuman.

Nang lumapit umano siya sa isang abogado na expert sa ganitong kaso, para makuha ang serbisyo nito at makasuhan ang babae, kailangan niyang magbayad ng US$8,000 o PHP464,000.

Wala umano siyang hawak na ganoon kalaking halaga.

Read: Hand-soap maker wins case vs. global brand Carolina Herrera

BABAE INAKALANG ABANDONADO ANG PROPERTY

Ang hinala ni Craig ni Craig ay plano ni Dawn na mag-squat sa kanyang property.

At kapag inireklamo niya ito sa mga awtoridad, ipapakita nito ang legal deed para huwag itong ma-evict dahil may katibayan siyang nasa pangalan niya ang property.

Photo of the fraudster
Si Dawn Magnum, ang nagparehistro ng property ni Dr. Craig Adams. Photo: Screenshot at Microsoft Start
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makapanayam naman ng local media si Dawn, sinabi niyang nag-file lang siya ng paperwork para sa deed dahil ang akala niya ay abandonado na ang property ni Craig.

Ayon kasi sa kanilang state law, maaaring mag-claim ang kahit sino sa foreclosed properties.

Read: Beauty clinic scams young man to get boob job

REGISTER OF DEEDS, BAKIT HINDI NAG-IMBESTIGA?

Ang ikinadismaya ni Craig sa buong sitwasyon ay hindi man lang nag-abala ang local Register of Deeds na magsagawa ng kahit simpleng imbestigasyon bago nag-isyu ng deed para sa isang property na nagkakahalaga ng US4 million sa isang stranger.

Aniya sa isang panayam, “There was no inquiry about who owns the property.

“If there had been just this one simple check, my name would have popped up.

“There are no accountability measures. None.”

Mabuti na lang aniya at tinawagan ng kanilang HOA management property ang kanyang kapitbahay at naalerto siya.

Paalala niya sa ibang residente ng North Carolina, kahit sino pala ngayon ay puwedeng magpunta sa kanilang Register of Deeds at gumawa ng false claim sa property ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman wins lotto; big brother demands half of her prize

ANG PALIWANAG NG REGISTER OF DEEDS

Katwiran naman ng North Carolina Register of Deeds, wala itong pananagutan sa nangyari.

Ayon umano sa state law, ang staff ng Register of Deeds ay walang obligasyon para beripikahin ang legal sufficiency ng isang deed kapag ipinakita para iparehistro, pati na rin ang drafter na magmay-ari ng ipapalistang property.

Puwede umanong tanggihan na itala sa record ang document kung kahina-hinalang fraudulent iyon—pero sa kaso ng pagpaparehistro ni Dawn, walang nakitang rason para magsuspetsa ang Register of Deeds.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng ahensiya, “With more than 500 documents processed through the Wake County Register of Deeds office daily, it would be impossible to verify the legitimacy of each document or the credentials of each notary, nor does the Register of Deeds office have access to a database of commissioned North Carolina notaries to check against.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Register of Deeds staff are not attorneys and are explicitly barred from giving legal advice or from acting as an attorney in verifying a document.”

Sa kabila naman ng mahabang paliwanag ni Craig sa Register of Deeds na dinaya ni Dawn ang isinumiteng paperwork kaya nailagay sa pangalan nito ang kanyang property, sinabihan siya ng ahensiya na kailangan niyang patunayan iyon sa civil court.

At kung papaboran siya ng civil court, saka pa lang maisasaayos ang record ng kanyang property.

Read: Man kills neighbor over question about being single

BABAE SINAMPAHAN NG KASONG KRIMINAL

Hindi isinuko ni Craig ang laban.

Sinampahan niya ng “attempting to obtain property by false pretense” na isang kasong kriminal si Dawn, na nakadetine na ngayon sa Wake County Sheriff’s Department.

Kailangan nito ng US$150,000 o PHP8.7 million na pampiyansa para pansamantalang makalaya.

Nakatakda itong humarap sa korte sa October 8.

Nang makapanayam ng local media, sinabi ni Dawn na nagkaroon lang siya ng malaking pagkakamali sa pagpaparehistro sa property ni Craig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkamali umano siya ng akalang foreclosed na iyon.

Hindi umano niya tangkang mag-angkin ng pag-aari ng iba.

Naghahanap lang umano siya ng mga abandoned property para i-restore.

Inihinto na rin daw niya ang lahat ng paperwork nang ma-realize niyang ang bahay ni Craig ay hindi naman abandonado.

Gusto na rin daw niyang ibalik ang ownership kay Craig, pero hindi naman puwede batay sa umiiral na batas.

Read: YouTuber launches fake restaurant to prank influencers

Kahit mapatunayang guilty si Dawn sa kasong kriminal at makulong ito, hindi pa rin awtomatikong maibabalik kay Craig ang kanyang bahay.

Kailangan pa ring dumaan ng dentista sa magastos na proseso sa isang civil court para maitama ang record ng kanyang property.

In short, dapat pa rin niyang sampahan ng kasong sibil si Dawn.

Masaklap, pero kailangan niyang gumastos nang malaki para ayusin ang isang bagay na kung tutuusin ay hindi niya dapat ayusin.

Mula naman nang lumaganap ang tungkol sa nangyari kay Craig, inalerto na ng Registry of Deeds ang Tax Administration Office na huwag papayagang may magpabago ng tax information ng property ni Craig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung may magtangka man ay agad ipagbigay-alam sa pulisya.

Read: Father shoots judges after daughter fails to win beauty title

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsumite ang isang babae sa Register of Deeds ng legal documents at na-claim niya ang ownership sa property na milyun-milyon ang halaga. Nang maghabol ang dentista na siyang tunay na owner, kinailangan niyang dumaan sa magastos na proseso para mabawi ang ari-arian. (Photo courtesy of WRAL.com)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results