PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Horrible painting found by junk dealer is a Picasso worth PHP338M

Misis ng junk dealer napangitan sa painting, pero iningatan pa rin.
by KC Cordero
Published Oct 4, 2024
The wife of the junk collector, and the painting
Nang iuwi ng junk dealer sa kanilang bahay ang nahalukay na painting ay napangitan ang kanyang misis at agad ipinapadispatsa iyon. Makalipas ang mahigit anim na dekada, natuklasang signature talaga ni Picasso ang nasa painting. (Photos courtesy of Andrea Lo Rosso)

Ang ama ni Andrea Lo Rosso na si Luigi ay isang junk dealer.

Residente ang kanilang pamilya ng Pompeii, Italy.

Sa artikulong lumabas sa news website na KGW8 nitong October 3, 2024, ibinahagi ni Andrea na ang trabaho ng kanyang ama ay mangolekta ng mga junk at ibinibenta ang mga iyon sa sobrang murang halaga.

Noong 1962, inupahan ang kanyang ama para linisin at idispatsa ang mga gamit sa isang lumang bahay sa Capri.

Habang nililinis nito ang cellar ng bahay, nakakita ito ng isang painting.

Portrait iyon ng isang babae sa canvas.

Nakarolyo pa ang canvas nang mahagilap ni Luigi.

May signature ng artist sa itaas ng bandang kaliwa ng painting, pero hindi umano iyon binigyang-pansin ni Luigi.

Framed Picasso painting
Kahit napapangitan ang misis ng junk dealer sa painting, ipina-frame pa rin nito iyon at ginawang display sa kanilang bahay. Photo: Andrea Lo Rosso
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Andrea, nang makita ng kanyang ama ang painting ay hindi pa siya ipinanganganak.

Ngayon ay 60 years old na siya.

Wala umanong kamalay-malay ang kanyang ama na ang painting ay likha ng sikat na Spanish artist na si Pablo Picasso.

Biro ni Andrea patungkol sa ama, “He wasn’t a very cultured person.”

Maging ang kanyang ina ay ayaw na ayaw sa painting at ayaw itong ingatan.

Madalas pintasan ng kanyang ina ang painting, “It was horrible.”

Gayunpaman, kahit napapangitan ang misis ni Luigi sa painting at gustong ipabenta agad iyon ay pinalagyan pa rin nito ng mumurahing frame.

Isinabit din iyon sa dingding ng kanilang bahay, at nanatili roon sa loob ng ilang dekada.

Read: Man buys PHP226K Taylor Swift-signed guitar, smashes with hammer

MALAKAS ANG KUTOB NA ORIGINAL PICASSO ANG PAINTING

Bata pa lang ay malaki na ang naging interes si Andrea sa painting.

Malakas ang kutob niya na totoong likha iyon ni Picasso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“While reading about Picasso’s works in the encyclopedia, I would look up at the painting and compare it to his signature.”

Samples of Picasso's signature
Ang samples ng signature ni Picasso. Photo: Screenshot at Pinterest

Kapag sinasabi niya kay Luigi na magkapareho ang signature ni Picasso na nasa encyclopedia at sa painting na nahalungkat nito, sasabihin lang sa kanya ng ama na hindi naman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi umano nakikita ni Luigi na magkapareho ang lagda sa painting at ang sample signatures ng Spanish artist.

Pero si Andrea ay kumbinsido na authentic Picasso painting ang nakasabit sa kanilang dingding.

“As I grew up, I kept wondering.”

Read: Stranger obtains fraudulent deed to dentist’s PHP232M property

HININGI ANG TULONG NG ART EXPERTS PARA MA-IDENTIFY ANG PAINTING

Makalipas pa ang maraming taon, nagdesisyon na si Andrea na ipa-verify ang signature sa painting.

Naghanap siya ng tulong mula sa mga art experts sa Italy.

Humingi rin siya ng guidance sa renowned Italian art detective na si Maurizio Seracini kung sino ang puwedeng magsuri sa painting.

Nakipag-ugnayan naman si Maurizio sa mga kakilala nito sa art circle.

Read: VIRAL: Fried chicken sandwich with claw, dare to try?

PAINTING, LIKHA NGA NI PICASSO

Ngayong 2024, makalipas ang ilang buwang pag-aanalisa sa painting, kinumpirma ng graphologist na si Cinzia Altieri, isang miyembro ng scientific committee ng Arcadia Foundation, na ang signature sa painting ay kay Picasso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Involved ang Arcadia Foundation sa valuations, restorations, and attributions of artworks.

Picasso's signature
Kinumpirma ng art experts sa Italy na pirma nga ni Picasso ang nasa painting. Photo: Screenshot at KGW8

Sinabi ni Cinzia sa pamilya ni Andrea na walang dudang pirma nga ni Picasso ang nasa painting,

Higit sa lahat, ang painting ay original Picasso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kung bakit may artwork ang Spanish painter sa Italy ay hindi nakapagtataka dahil si Picasso ay frequent visitor sa Capri.

Read: Giant baby doll in town plaza terrifies residents

PICASSO PAINTING NASA US$6 MILLION ANG HALAGA

Sa pagtataya ng mga art experts na sumuri sa painting, iginuhit ito ni Picasso sa pagitan ng 1930 at 1936.

Ang subject sa painting ay ang mistress ni Picasso, ang French photographer and painter na si Dora Maar.

Naghiwalay sina Picasso at Dora noong 1945.

Bago pumanaw si Picasso noong 1973, tinatayang nakalikha siya ng mahigit 14,000 piraso ng artworks.

Sa kasalukuyan, ang painting na nahalungkat ni Luigi ay nasa isang vault sa Milan.

Susuriin pa ito ng Picasso Foundation sa Malaga, Spain.

Ang naturang foundation ang tanging makapagdedeklara kung talagang authentic Picasso ang painting.

Read: Son sues mom for throwing away his manga comics collection

Bagaman at pumanaw na ang ama ni Andrea bago ma-authenticate ng Picasso Foundation ang nahalungkat nitong painting, ipinangako niya rito na hindi siya titigil hangga’t hindi nakukuha ang resulta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Andrea, curious siya kung ano ang magiging verdict ng Picasso Foundation.

Tinatayang nasa US$6 million ang halaga ng painting kung totoong likha ito ni Picasso.

Pero ordinaryong pamilya lang sila, at ang tanging layunin nila sa painting ay malaman ang katotohanan.

“We’re not interested in making money out of it.”

Mahal ang mga paintings ni Picasso dahil sa kanyang depth of creativity.

Sa hanay ng milyong painters sa mundo, kakaiba ang kanyang mga likha niya dahil sa taglay na cryptic message ng kanyang mga obra.

Read: Magazine posts obituary of a woman who is still alive

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang iuwi ng junk dealer sa kanilang bahay ang nahalukay na painting ay napangitan ang kanyang misis at agad ipinapadispatsa iyon. Makalipas ang mahigit anim na dekada, natuklasang signature talaga ni Picasso ang nasa painting. (Photos courtesy of Andrea Lo Rosso)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results