PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Couple found lost footage of their wedding after 57 years

“Absolutely amazing”
by KC Cordero
Published Oct 7, 2024
Screenshot of Bill and Aileen wedding footage
Naiwan nina Bill at Aileen Turnbull sa projector ang kopya ng kanilang wedding footage matapos ikasal noong 1967. Na-recover iyon ng pamangkin ng may-ari ng projector, ipina-convert sa DVD format, ini-upload sa Facebook ang screenshot at aksidenteng nakita ni Aileen. “To look back and see these people was just absolutely amazing.” (Photo courtesy of Aileen Turnbull)
PHOTO/S: Photo courtesy of Aileen Turnbull

Ikinasal sina Bill at Aileen Turnbull noong 1967 sa Mastrick Church sa Aberdeen, Scotland.

Kinunan ng video ang kanilang paglabas sa simbahan gamit ang film equipment na hiniram nila sa isang kaopisina.

Film pa ang gamit noon sa pagkuha ng video—ang tinatawag na cine film.

Old film equipment
Ganitong film equipment ang ginagamit noong panahong ikinasal sina Aileen at Bill. Photo: Wikipedia
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanghiram din sila ng projector at pinanood ang film.

Ang siste, naisauli nila ang projector at nakalimutan nilang naroon pa rin ang film kung saan nakunan ang moment ng kanilang paglabas sa simbahan.

Old projector
Ang projector noong 1967 na ginagamit para mapanood ang film. Photo: Cinema Antiques

Hindi na nila nahanap kung saan napapunta ang film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-migrate sina Aileen at Bill sa Australia noong 1981.

Pareho na silang 77 years old ngayon, at may mga apo na rin.

Read: “Wedding destroyer” gets paid by brides not ready to get married

SCREENSHOT NG WEDDING FOOTAGE NAKA-SHARE SA FACEBOOK

Last April 2024, sa Aberdeen, may nakita si Terry Cheyne na isang lumang film footage na ipina-convert niya sa DVD format.

Nang panoorin niya iyon, may nakita siyang wedding footage na hindi niya alam kung sino ang mga ikinasal.

Kinunan niya ng still image—o screenshot—ang masayang couple na ikinasal sa naturang lumang footage.

Nai-post niya iyon sa Facebook.

Screenshot of Bill and Aileen wedding footage
Ang screenshot ng wedding footage nina Aileen at Bill na naipa-convert ni Terry sa DVD format. Photo: Terry Cheyne
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makalipas ang anim na buwan, nakita ni Aileen ang Facebook post ni Terry.

Ganoon na lang ang shock ni Aileen.

May print photos—na black and white—sina Aileen at Bill ng kanilang kasal, ngunit walang video dahil naiwan nga nila ang film sa projector.

Ang footage sa lumang film ay colored.

Read: Kaladkaren teases Luke Wrightson during exchange of wedding vows

WEDDING FOOTAGE ISANG BESES LANG NAPANOOD NG COUPLE

Sa panayam kay Aileen ng BBC Scotland News, nag-i-scroll siya sa Facebook nang aksidenteng makita ang post ni Terry.

Manghang-mangha siya at hindi makapaniwala.

Katabi umano niya si Bill, at sinabi niya ritong nasa Facebook ang screenshot nang ikasal sila.

Maging ang kanyang mister ay na-amaze.

Pagbabahagi pa niya, nagpadala siya ng mensahe kay Terry.

Nang magsimula ang kanilang komunikasyon, nalaman niyang ang tiyuhin pala ni Terry ang hiniraman nila ng projector noon para panoorin ang film matapos ang kanilang kasal.

Naging staff pala ni Bill noon ang tiyuhin ni Terry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wedding bouquet toss turns into wrestling match among ladies

Ayon pa kay Aileen, hindi na nila namalayang mag-asawa na nang isauli nila ang projector ay naiwan sa loob niyon ang film.

Ngayon na lang nila natuklasan.

Hinanap naman umano nila ang film, pero hindi na nila mahagilap at hindi na rin nila alam kung ano na ang nangyari, lalo pa at nanirahan na sila sa Australia.

Inakala nilang napahalo sa iba nilang gamit at hindi lang nila madiskubre.

Ngayon na nga lang lumitaw.

Masaya sina Aileen at Bill na na-recover ni Terry ang film.

Pagtatapat pa niya, isang beses lang niyang napanood ang footage noon dahil nawala na nga ang film.

Read: 95-year-old groom weds 90-year-old bride

EKSENA SA WEDDING FOOTAGE SOBRANG SURREAL PARA SA COUPLE

Ipinadala ni Terry kina Aileen at Bill ang link para mapanood nila ang footage ng kanilang kasal.

Naghatid iyon sa mag-asawa ng masasayang alaala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Aileen, nakamamangha na makita niya ang kanyang ama at ina—hindi sa larawan lang, kundi sa film.

Nakakaiyak aniyang pagmasdan na kumikilos ang mga ito at naglalakad.

Napanood naman ni Bill ang lolo at lola nito.

Kuwento ni Aileen sa panayam, 100 years old na ang lolo ni Bill nang mamatay.

Sa film ng kanilang kasal ay malakas na malakas pa ang mga ito.

Mula noon ay laging pinapanood ng couple ang film.

Hanggang ngayon, kilala pa niya ang lahat ng dumalo sa kanilang kasal ni Bill.

“To look back and see these people was just absolutely amazing.

“I still can't believe it really.”

Lagi niyang ikinukuwento sa kanilang mga kapitbahay na may wedding album sila ni Bill.

Black and white wedding photo of Bill and Aileen
Ang black and white wedding photo nina Aileen at Bill. Photo: Aileen Turnbull
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami aniya sa mga nasa wedding album ay pumanaw na.

Kaya para kay Aileen ay sobrang surreal kapag pinapanood niya ang film.

Ang ilan sa mga naroroon ay buhay pa.

Wala pang tatlong minuto ang haba ng footage ng kanilang kasal sa film dahil sa limitasyon noon ng teknolohiya—hindi tulad ngayon.

Pero ayon kay Aileen, noong panahong iyon ay maituturing na ito bilang “probably very unusual.”

Aniya, ibang-iba na ang paraan ng pagpapakasal ngayon kumpara noon.

Ipinapanood din nila ni Bill sa kanilang anak ang footage, at maging ito ay tuwang-tuwa.

Read: Groom learns bride is 25 years older than him on eve of wedding

SOCIAL MEDIA NAGING DAAN PARA MALAMAN NG COUPLE NA NA-RECOVER ANG WEDDING FOOTAGE

Naibahagi naman ni Terry na dati siyang nasa Royal Navy.

Marami siyang reels ng sarili niyang lumang film footage.

Tuwing bababa siya ng barko, ibinibigay niya ang mga reels sa kanyang tiyuhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang tagapag-ingat niya.

Ani Terry, minsan ay nagpaalam sa kanya ang kanyang tiyuhin na lilipat na ito ng tirahan.

Kinuha na niya rito ang kanyang mga films.

Matagal din niyang iningatan ang mga iyon hanggang magdesisyon siyang ipa-convert na sa DVD format dahil wala siyang projector.

Ang unang film na nai-convert sa DVD ay hindi siya pamilyar.

Hindi niya kilala ang mga tao roon, pero malinaw na kuha sa isang wedding sa Mastrick Church.

Ilang beses niyang pinanood ang footage, at wala talaga siyang kilala ni isa.

Read: Woman not going to sister's wedding; groom is her cheating ex-BF

Ibinahagi rin niya na sa isang Facebook page tungkol sa mga Australian natives niya nai-post ang screenshot nina Aileen at Bill.

Nang may mag-share ng screenshot sa isa pang Facebook page, iyon na ang nakita ni Aileen.

Anim na buwan matapos niyang i-post ang screenshot, nakatanggap siya ng message mula kay Aileen na nagsasabing ito at si Bill ang couple na ikinasal sa film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Bill and Aileen now
Ang recent photo nina Aileen at Bill. Photo: Aileen Turnbull

“When she told me she had only even seen it once in 57 years, it was really a joyful moment.”

Umaasa si Terry na makita nang personal ang couple sakaling magbakasyon ang mga ito sa Aberdeen.

Masayang-masaya siya na na-recover niya ang film, at nagtapos sa happy ending ang paghahanap nina Aileen at Bill ng kanilang wedding footage makalipas ang 57 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman finds out she's invited to wedding to babysit guests’ kids

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naiwan nina Bill at Aileen Turnbull sa projector ang kopya ng kanilang wedding footage matapos ikasal noong 1967. Na-recover iyon ng pamangkin ng may-ari ng projector, ipina-convert sa DVD format, ini-upload sa Facebook ang screenshot at aksidenteng nakita ni Aileen. “To look back and see these people was just absolutely amazing.” (Photo courtesy of Aileen Turnbull)
PHOTO/S: Photo courtesy of Aileen Turnbull
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results