Naging controversial at nag-viral ang bagong dish ng Yu Tang, isang Vietnamese restaurant, na kumbinasyon ng milk tea, tapioca pearls, thick noodles, at hiniwang cooked beef.
Ang Yu Tang ay nakabase sa Hanoi.
Read: VIRAL: Fried chicken sandwich with claw, dare to try?

Read: Man buys PHP226K Taylor Swift-signed guitar, smashes with hammer
Tinawag ng restaurant ang bagong dish na bubble tea beef noodles.
Inspired mula sa sikat na milk hot pot sa Taiwan, ang bubble tea beef noodles ay nakakakuha na ng atensyon sa social media.
Read: Couple found lost footage of their wedding after 57 years
BUBBLE TEA BEEF NOODLES AD CAMPAIGN, NAGING SUCCESSFUL
Inilunsad ang bubble tea beef noodles noong September 29, 2024.
Batay sa advertising nito, mayroon itong unique combination na maaari lang matikman sa Yu Tang sa Hanoi.
Ang mga kakaibang kumbinasyon at agresibong marketing campaign ng restaurant ay nagkaroon ng positibong resulta kung ang pagbabatayan ay kung paano nito nakuha ang atensyon ng publiko.
Maraming food content creators ang sinubukan na ito.
Sa kabila ng mixed reviews, ang bubble tea beef noodles ay naging usap-usapan sa Vietnamese social media.
Ang per serving nito ay nagkakahalaga ng 98,000 VND o PHP227.41.
May 20 percent discount naman kung mag-o-order online.
Read: Boost Noodle, an instant ramen with caffeine made for gamers
“BIZARRE” ANG LASA NG BUBBLE TEA BEEF NOODLES
Ang mga sangkap ng bubble tea beef noodles ay binubuo ng mix of vegetable broth, black tea and fresh milk served with noodles, tapioca pearls, at ng signature corned beef ng restaurant.
Batay sa naging talakayan sa Reddit matapos i-launch, isinalarawan ng mga nakatikim na ng bubble tea beef noodles ang lasa nito na bizarre.
Read: World’s luckiest man Frane Selak escapes death 7X, wins lotto

Read: Kinmemai Premium, world’s most expensive rice at PHP6,000 a kilo
Maging ang Vietnamese content creators ay nahihirapang i-describe ang naturang dish.
May mga nagsabi na lasang milk tea lang naman, pero wala ang distinct na tamis nito.
Pagbabahagi ng ilan, hindi bagay ang texture ng tapioca sa dish.
Ayon sa isang nagkomento, “The overall flavor is not impressive or special.
“The noodles are not as disgusting as many people imagine, but they are tasteless.
“The flavors of each ingredient do not really connect with each other.”
Read: Chickens in Japan lay white-yolk eggs
NETIZENS NEGATIBO ANG VERDICT
Marami ring netizens ang nagpahayag ng pagdadalawang-isip kung titikman ang bubble tea beef noodles sa pangamba na masira ang kanilang tiyan dahil sa weird na kumbinasyon ng ingredients.
May nagbiro pa na dapat ay maraming comfort room ang restaurant.
May tiwala naman ang iba sa magandang reputasyon ng restaurant kaya willing silang subukan ang bagong dish.
Para naman sa iba, itinaya ng restaurant ang reputasyon nito sa bubble tea beef noodles.
Read: Student fails exam after meatball lands on laptop, logs her out

Read: Customer in restaurant finds rare pearl while eating mussels
Sinubukan ng TikToker na si @thanhtrabrendan, isang food content creator, ang bagong dish para ma-describe niya ito nang accurate.
Ang kanyang naging verdict, ang dish ay “half tea, half stewed meat.”
Paglalarawan pa niya, “It’s salty and still hot so it made me a bit nauseous.”
Sa kanyang ini-upload na video ay napapangiwi pa ang TikToker habang kumakain.
Binigyan ni @thanhtrabrendan ang dish ng rating na 1.5 out of 10.
Nagbigay rin siya ng suggestion sa restaurant na gawin itong cold noodle dish para mas mag-improve pa ang lasa.
Marami naman sa mga natikman na ang bubble tea beef noodles ang nagsabing iyon na ang kanilang first and definitely last order ng kontrobersyal na dish.
Disappointed din sila na nag-capitalize ang restaurant sa popularity ng bubble tea, pero kinulang sa research and development kung paano ito maipapares nang maayos sa hot noodles.
Read: 8-year-old girl drives mom’s SUV to shop and have Frappuccino
