Sa loob ng 48 years, naging malaking katanungan para kay Tizi Hodson ng Gedney Hill, Lincolnshire, England, kung bakit hindi siya nakatanggap man lang ng reply sa kanyang application letter.
January 14,1976 nang magpadala siya ng application letter sa isang kumpanya para maging motorcycle stunt rider.
Wala siyang natanggap na anumang reply.
Read: Couple found lost footage of their wedding after 57 years

Read: Vietnamese restaurant offers bubble tea beef noodles
Ngayong October 2024, nakatanggap siya ng sulat mula sa post office kung saan niya inihulog ang kanyang application letter.
May kalakip na note ang sulat na nagsasabing iyon ang kanyang application letter—at ibinabalik sa kanya.
Ayon sa note, hindi nai-deliver ang kanyang application letter sa kumpanyang gusto niyang pasukan dahil na-stuck iyon sa isang drawer ng post office sa loob ng maraming taon.
Read: Horrible painting found by junk dealer is a Picasso worth PHP338M
POST OFFICE failed to deliver APPLICATION LETTER
Seventy years old na ngayon si Tizi.
Aniya sa artikulong nalathala sa NDTV last October 7, 2024, kahit hindi nakarating ang kanyang job application sa kumpanya kung saan siya nag-apply, naipagpatuloy niya ang career bilang motorcycle stunt rider.
At dahil sa trabaho niyang ito, nakarating siya sa iba’t ibang bansa.
Kamangha-mangha para kay Tizi na naibalik sa kanya ang kanyang application letter.
"I always wondered why I never heard back about the job. Now I know why."
Read: Stranger obtains fraudulent deed to dentist’s PHP232M property

Read: VIRAL: Fried chicken sandwich with claw, dare to try?
Ang handwritten note na nakalagay sa application letter niya ay nagsasaad na: “Late delivery by Staines Post Office. Found behind a draw. Only about 50 years late.”
Hindi alam ni Tizi kung sino ang nagbalik ng kanyang sulat dahil hindi niya napansin kung sino ang naglagay sa kanyang mailbox.
Nagtataka rin siya kung paano siya nahanap ng nag-deliver.
Pagbabahagi niya, mga 50 times na kasi siyang nagpalipat-lipat ng tirahan.
Limang beses din siyang namalagi sa iba’t ibang bansa.
Read: Giant baby doll in town plaza terrifies residents
WHAT THE APPLICATION MEANS TO TIZI
Pero malaki pa rin ang pasasalamat ni Tizi na naibalik sa kanya ang application letter.
"It means so much to me to get it back all this time later.
“I remember very clearly sitting in my flat in London typing the letter.
"Every day I looked for my post, but there was nothing there.
“I really, really, wanted to be a stunt rider on a motorcycle.”
Read: Boost Noodle, an instant ramen with caffeine made for gamers
Pagtatapat niya, nang ipadala niya ang application letter, hindi niya isinaad doon ang kanyang gender.
Kutob niya, baka ni hindi siya na-interview kapag nalamang babae ang applicant, kahit pa sinabi niya sa letter na alam niya ang panganib na kaakibat ng pagiging stunt rider.
Read: Son sues mom for throwing away his manga comics collection

Read: Magazine posts obituary of a woman who is still alive
Gayunpaman, ipinagpatuloy niya ang paghahanap at pagtanggap ng mga trabaho na noong kabataan niya ay hindi pipiliin ng mga babae.
Kaya nakarating siya sa Africa at namasukan bilang snake handler.
Naging tagapag-alaga rin siya ng mga kabayo.
Natuto siyang magpalipad ng eroplano at naging aerobatic pilot and flying instructor.
Ang mindset niya: “Go and do everything I’ve done.”
Read: Kinmemai Premium, world’s most expensive rice at PHP6,000 a kilo
