PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cute no more: Baby on store signboard takes creepy turn

Due to extreme summer heat
by KC Cordero
Published Oct 10, 2024
Photos of the sign board then and now
Ten years na ang sign board ng maliit na tindahan tampok ang isang cute na baby. Pero simula noong isang taon, unti-unting nagbabagong-anyo ito at ngayon ay nakakatakot na. (Photos courtesy of Mothership)

Ang Hangai ay isang clothing and miscellaneous goods store sa Nagahama City na bahagi ng Shiga Prefecture sa Japan.

Sa loob ng sampung taon, hindi ito nagpalit ng sign board.

Read: Applicant gets "reply" for application letter sent 48 years ago

The sign board for 10 years, the baby is still cute
Ang hitsura ng sign board ng store noong cute pa ang naka-feature na baby. Photo: Screenshot at Mothership
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vietnamese restaurant offers bubble tea beef noodles

Tampok sa sign board ang isang cute na baby na may speech bubble na mababasa ang mga katagang: “We have lots of good, cheap things.”

Noong isang taon, matapos sumapit sa Nagahama City ang napakainit na summer, nagbago ang hitsura ng sign board.

Ang cute baby ay naging nakakatakot.

Ang mga mata at bibig ng baby ay nagkulay-itim.

Read: Couple found lost footage of their wedding after 57 years

BAKIT NAGING NAKAKATAKOT ANG CUTE NA BABY SA SIGN BOARD?

Ang pagbabagong-anyo ng baby ay dulot ng pagkaka-expose ng sign board sa matinding sikat ng araw—bukod pa sa nakapainit ng temperatura sa buong paligid.

Maging ang matitingkad na kulay nito ay tila nasunog kaya mas naging nakakatakot ang anyo ng baby.

Read: Taxi driver returns bag with PHP200K cash

The sign board last year
Noong 2023, dahil sa matinding init ay unti-unti nang nagbabago ang hitsura ng baby. Photo: Screenshot at Mothership
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong taon, mas mainit ang summer kaya ang dati-rating adorable baby ay lalong mas naging scary.

The sign board now
Mas nakakatakot na ngayon ang hitsura ng baby sa sign board. Photo: Screenshot at Mothership

Ang dark areas sa palibot ng mga mata at bibig ng baby ay lalong lumaki.

May lumitaw ring dark blots sa pisngi at ilong nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Horrible painting found by junk dealer is a Picasso worth PHP338M

STORE OWNER GUSTO SANANG PALITAN ANG SIGN BOARD

Sa panayam ng Japanese news agency na FNN kay Masanao Itaya, ang may-ari ng Hangai clothing and miscellaneous goods store, sinabi niyang napansin na niya ang malaking pagbabago sa sign board ng kanyang tindahan noong August.

Plano sana niyang palitan dahil baka matakot ang mga customers at wala nang bumili pa sa kanyang mga paninda.

Pero sumapit ang Obon Festival, kahalintulad ng Todos Los Santos, kaya hindi agad niya napalitan.

Paiba-iba ang petsa ng paggunita ng naturang festival, at ginanap ito noong August 13-15 ngayong 2024.

Read: Man buys PHP226K Taylor Swift-signed guitar, smashes with hammer

SIGN BOARD DINARAYO NGAYON NG LOCAL TOURISTS

Nang papalitan na sana ni Masanao ang sign board, napansin niyang dumarami ang taong nagpupunta sa kanyang store para kunan ng picture ang sign board.

Manghang-mangha umano ang mga ito at inakalang ang cute na photo ng baby ay na-possess ng masamang espiritu kaya nag-iba ng anyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Fried chicken sandwich with claw, dare to try?

Nagdesisyon siyang huwag munang palitan ang sign board dahil mas nakakaakit daw iyon ng customers.

Wala pang binanggit si Masanao kung kailan talaga niya ito papalitan.

Ang tiyak, sinasamantala niya ang popularidad na nakukuha ng kanyang store sa social media dahil sa patuloy na pagiging viral ng cute noon pero ngayon ay nakakatakot na baby sa sign board.

Read: Stranger obtains fraudulent deed to dentist’s PHP232M property

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ten years na ang sign board ng maliit na tindahan tampok ang isang cute na baby. Pero simula noong isang taon, unti-unting nagbabagong-anyo ito at ngayon ay nakakatakot na. (Photos courtesy of Mothership)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results