PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy complains of bad smell for 2 years; had screw stuck in nose

Parents hindi naaamoy ang inirereklamong bad smell.
by KC Cordero
Published Oct 12, 2024
Photo showing the stuck foreign object in boy's left nostril
Sa loob ng dalawang taon ay laging inirereklamo ng batang lalaki ang bad smell—na hindi naman naaamoy ng kanyang parents. Yun pala, may matagal nang nakabaon na foreign object sa kanyang left nostril na naging sanhi ng infection. (Photo courtesy of Oddity Central)

Sa loob ng dalawang taon, laging inirereklamo ng isang pitong-taong-gulang na Chinese boy na may naaamoy siyang hindi mabango.

Hindi na pinangalanan ang bata, na ang pamilya ay residente ng Jiaozuo, Henan Province sa China.

Kapag sinasabi niya sa kanyang mga magulang ang tungkol sa bad smell, hindi naman iyon nalalanghap ng mga ito.

Wala kasi silang naaamoy na kahit ano.

Hindi rin naman ma-describe ng bata kung ano ang naaamoy niya.

Kaya sa loob ng mahabang panahon, binabalewala na lang ng mga magulang ng bata ang kanyang reklamo.

Inisip ng mga itong gawa-gawa lang ng bata na kunwari ay may nalalanghap siyang kakaiba at hindi masarap sa ilong.

Read: Couple surprises househelpers with iPhone 16

CHINESE BOY KINAILANGANG DALHIN NA SA OSPITAL

Noong September 2024, halos araw-araw nang inirereklamo ng bata ang bad smell.

Nagdesisyon na ang kanyang mga magulang na dalhin siya sa ospital noong September 18.

Read: Applicant gets "reply" to application letter sent 48 years ago

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Result of CT scan showing the foreign object in boy's left nostril
Lumabas sa resulta ng CT scan sa bata na may nakabarang foreign object sa kanyang kaliwang nostril. Photo: Screenshot at Sleek News

Read: Couple found lost footage of their wedding after 57 years

Nang suriin ng doktor ang kanyang left nostril, natuklasang may maitim na bagay na nakabaon doon.

Ipina-CT scan ang ulo ng bata, at nakumpirmang may kung ano ngang nakabara sa kanyang ilong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Horrible painting found by junk dealer is a Picasso worth PHP338M

MAY FOREIGN OBJECT SA ILONG NG BOY

Ang misteryosong bagay na nasa ilong ng bata ay hindi agad matukoy.

Nasa kanyang nasal cavity kasi iyon, at nangangamba ang mga doktor na baka magkaroon siya ng malalang pinsala kapag sinubukang alisin iyon.

Hindi rin naman puwedeng hayaan na lang na nasa ilong ng bata ang misteryosong bagay dahil nababalutan na iyon ng mga lamad na sanhi ng infection.

Iyon din ang dahilan kaya lagi siyang may naaamoy na kakaiba.

Read: Man buys PHP226K Taylor Swift-signed guitar, smashes with hammer

The metal screw extracted from boy's nostril
Naging sanhi ang metal screw ng infection sa ilong ng bata kaya lagi itong may naaamoy na hindi maganda. Photo: Sleek News
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: VIRAL: Fried chicken sandwich with claw, dare to try?

Kinausap ng mga doktor ang magulang ng bata at hiningi ang pagsang-ayon ng mga itong maoperahan ang anak.

Isang ENT specialist ang nagsagawa ng operasyon sa bata.

Gumamit ito ng tatlong special tools bago nakuha ang maitim na bagay.

Nang matanggal na sa ilong ng bata ang obejct, matapos linisin ay natuklasan ng doktor na isa itong metal screw.

Read: Giant baby doll in town plaza terrifies residents

METAL SCREW ANG NASA ILONG AT NAGING SANHI NG BAD SMELL

Nagpapagaling na ang bata ngayon mula sa isinagawang operasyon sa kanyang ilong.

Nawala na rin ang madalas niyang ireklamong bad smell.

Nagpaalala naman ang doktor na nag-opera sa kanya na ang mga bata ay karaniwang napapasukan ng kung anu-anong bagay sa ilong dahil sa pagiging curious o sa aksidente.

Read: Son sues mom for throwing away his manga comics collection

Ang mga sintomas gaya ng madalas na pagkalikot ng mga bata sa kanilang ilong at nasal discharge ay hindi umano dapat balewalain ng mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa doktor, kapag ang isang bata ay napasukan ng anumang object sa ilong, agad yung nadidiskubre sa loob lang ng ilang oras o araw.

Kakatwa umano ang insidenteng ito na inabot pa ng dalawang taon bago natuklasan.

Hinala ng doctor, natakot ang batang ipagtapat sa parents niyang may naipasok na metal screw sa ilong at baka siya mapagalitan.

Read: World’s luckiest man Frane Selak escapes death 7X, wins lotto

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa loob ng dalawang taon ay laging inirereklamo ng batang lalaki ang bad smell—na hindi naman naaamoy ng kanyang parents. Yun pala, may matagal nang nakabaon na foreign object sa kanyang left nostril na naging sanhi ng infection. (Photo courtesy of Oddity Central)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results