PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Policewoman captures her father’s killer after 25 years

“I made a point of telling him who I was.”
by KC Cordero
Published Oct 14, 2024
Gislayne Silva de Deus and the suspect
Nine years old si Gislayne Silva de Deus (nasa kaliwa) nang mapatay ang kanyang ama. Hindi nadakip ang killer. Pumasok si Gislayne sa police force para tuparin ang pangakong siya ang huhuli sa kriminal. Nagpakilala siya rito matapos niya itong maaresto. "It's because of me that you are here. You are now going to pay." (Photo courtesy of Perfill Brasil)

Dekada man ang lumipas, nasiguro ng isang anak na naulila na mabibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama na binaril nang dahil lamang sa utang.

Noong February 16, 1999, nabaril at napatay si Givaldo José Vicente de Deus sa isang bar sa Boa Vista, Brazil.

Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng isang Raimundo Alves Gomes dahil sa utang na 150 Brazilian reals.

Ang katumbas ng halagang iyon noong 1999 ay US$27, o PHP1,662.58 ngayon.

Si Givaldo ang may pagkakautang kay Raimundo.

Sa gitna ng kanilang argumento, lumabas ng bar si Raimundo, pero nang magbalik ay may dala ng baril.

Pinaputukan nito si Gilvaldo nang malapitan sa ulo.

Tumakas si Raimundo sa crime scene, at bagaman at naglabas ang hukuman ng warrant of arrest, hindi siya nadakip.

Naulila ni Gilvaldo ang kanyang maybahay at limang anak.

Hindi nawalan ng pag-asa ang kanyang pamilya na mabibigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Couple surprises househelpers with iPhone 16

ELDEST DAUGHTER NG BIKTIMA NANGAKO NG HUSTISYA PARA SA AMA

Ang panganay na anak na babae ni Givaldo na si Gislayne—na siyam na taon pa lang nang maganap ang pagpatay sa ama—ay nangako na ilalaan niya ang kanyang buhay madakip lang si Raimundo.

Gislayne Silva de Deus with her younger sister and dad
Ang biktima kasama ang dalawang anak na babae. Photo: Screenshot at Diario de Nordeste
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam kay Gislayne ng Brazilian news outlet na Nova1 nitong ikalawang linggo ng October 2024, sinabi niyang dahil sa krimen na ginawa ni Raimundo ay nawasak ang kanilang pamilya.

Nahirapan ang kanyang ina na palakihin silang limang magkakapatid.

Ang pangyayaring iyon aniya ay posibleng maging dahilan noon para maligaw silang magkakapatid ng landas.

“But our mother always taught us to follow the right path.”

Read: Applicant gets "reply" to application letter sent 48 years ago

NAHIRAPAN SA PAGKAMATAY NG AMA, IPINAGPATULOY ANG PAG-AARAL

Bilang panganay, kinailangan ni Gislayne na tumulong sa kanyang ina sa pag-aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid at maging sa mga gawaing bahay.

Sa kabila nito, hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral.

Kuwento niya, noong nabubuhay pa ang kanyang ama ay lagi siyang pinapayuhan nito na mag-aral nang mabuti.

Inaalalayan din siya nito kapag may homework siya at projects sa school.

Simula’t sapul, ayaw ni Gislayne na mabigo ang kanyang ama sa pangarap nitong makatapos siya ng pag-aaral.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya bukod sa pagsunod sa pangarap ng ama, naging lunggati na rin ni Gislayne na makitang nasa likod ng mga rehas ang taong naging sanhi ng kamatayan nito.

Read: Couple found lost footage of their wedding after 57 years

NAGING LAWYER AT POLICEWOMAN

Pagsapit ni Gislayne ng edad 18, nakatapos siya ng high school.

Nang magkolehiyo, natanggap siya sa law school.

Makalipas ang pitong taon, isa na siyang ganap na lawyer.

Sa loob ng ilang taon, nag-practice siya ng kanyang propesyon.

Pero noong 2022, iniwan niya ang pagiging abogada para maging policewoman.

Gislayne Silva de Deus now a police officer
Naging abogado si Gislayne, at kalaunan ay naging pulis. Photo: Screenshot at Boa Viagem Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang dalawang taon, noong July 19, 2024 ay nakapasa si Gislayne sa exam para maging ganap na police officer at na-appoint bilang State Police investigator.

Agad siyang nag-request na ma-assign sa Homicide Division ng kanilang lungsod sa Boa Vista para magkaroon siya ng pagkakataon na matugis si Raimundo.

Read: Horrible painting found by junk dealer is a Picasso worth PHP338M

SUSPEK SENTENSIYADO NA PERO HINDI PA NADADAKIP

Samantala, noong 2013 ay nasentensiyahan na si Raimundo ng 12 taong pagkakabilanggo dahil sa pagpatay kay Givaldo kahit hindi siya humarap sa hukuman.

Pero dahil hindi siya nadakip, hindi naipatupad ang sentensiya.

Iniapela ng mga abogado ni Raimundo ang desisyon noong 2014 at 2015, pero ang mga apelang ito ay parehong tinanggihan ng High Court of Justice ng Brazil.

Muling naglabas ang korte ng warrant of arrest laban sa kanya noong 2019.

Nangangahulugan ito, batay sa batas ng Brazil, na ang statute of limitations ay tatagal hanggang 2031.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya kung maagang madadakip si Raimundo, mas mahabang panahon ang ilalagi niya sa loob ng piitan.

Ang warrant of arrest na iyon ang ginamit ni Gislayne sa paghahanap sa killer ng ama.

Read: Stranger obtains fraudulent deed to dentist’s PHP232M property

POLICEWOMAN NADAKIP ANG KILLER NG AMA

Noong September 25, dalawang buwan makalipas maging ganap na policewoman ni Gislayne, natupad niya ang misyon na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang ama.

Matapos naman ang 25 taong pagtatago sa batas, nasakote na rin si Raimundo.

Ang captor ng kriminal ay walang iba kundi ang anak ng naging biktima nito.

Nadakip ni Gislayne at ng kanyang team ang killer ng kanyang ama na nagtatago sa isang farm sa Nova Cidade region na malapit lang sa Boa Vista.

The killer when arrested in the farm
Ang suspek nang mahuli ng mga pulis na pinamumunuan ni Gislayne. Photo: Screenshot at Boa Viagem Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Gislayne sa panayam sa kanya natapos maaresto si Raimundo, “When I saw him at the police station, I made a point of telling him who I was and that I had been responsible for carrying out the arrest warrant.

“I shared the news with my family, and everyone felt a great sense of peace and justice.

"We waited a long time, and even though we were in disbelief, we managed to reach this moment.”

Inamin niyang hindi niya napigilang mapaiyak.

“I cried with relief because after so long, it felt like a huge weight had been lifted off my shoulders.”

Read: VIRAL: Fried chicken sandwich with claw, dare to try?

IPINAALAM NG POLICEWOMAN SA KILLER NA ANAK SIYA NG BIKTIMA NITO

Thirty-six years old na ngayon si Gislayne.

Sa panayam sa kanya ng Brazilian website na G1 matapos niyang maaresto si Raimundo, sinabi niyang tiniyak niyang malalaman ng killer ng kanyang ama kung bakit ito nadakip matapos ang 25 taong pagtatago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi umano niya kay Raimundo: "It's because of me that you are here.

"You are now going to pay."

Ipinaalam din niya rito na anak siya ng biktima nito.

Sa nai-post niyang video ng paghaharap nila ng kriminal, kitang-kita sa mukha ni Raimundo ang labis na pagkabigla.

Gislayne Silva de Deus while confronting her father's killer
Tiniyak ni Gislayne na malalaman ng killer ng ama na siya ang dahilan kaya nadakip ito. Photo: Screenshot at Boa Viagem Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi rin ni Gislayne ang kanyang mga karanasan bilang police officer.

"My first post as a policewoman was in a penitentiary.

“Whenever I arrived there, I always imagined seeing him [Raimundo] arriving to serve his sentence.

“That always motivated me."

Hindi naman niya napigilan ang mapaiyak nang sumapit ang sandali nang makitang nakaposas na ang taong pumatay sa kanyang ama at ipinasok na sa kulungan.

“It was an explosion of feelings that turned into tears of relief, as it seemed like this day would never come."

Aniya, sa buong panahon ng kanyang pag-aaral, pagiging abogado hanggang sa pagpupulis, iisa lang ang laging laman ng kanyang isipan: ang makitang nakakulong si Raimundo.

Dagdag pa niya, "I want this story to serve as an example to other children who, like me, lost their mother or father in a violent way."

Read: Giant baby doll in town plaza terrifies residents

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nine years old si Gislayne Silva de Deus (nasa kaliwa) nang mapatay ang kanyang ama. Hindi nadakip ang killer. Pumasok si Gislayne sa police force para tuparin ang pangakong siya ang huhuli sa kriminal. Nagpakilala siya rito matapos niya itong maaresto. "It's because of me that you are here. You are now going to pay." (Photo courtesy of Perfill Brasil)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results