Isang kakaibang bagay ang natagpuan sa loob ng freezer ng isang lola na namatay sa Virginia, U.S.A.
Sumakabilang buhay ang grandmother ni Andy Wiseman noong September 2, 2024 sa edad na 90.
Residente ang pamilya ni Andy ng Staunton, Virginia.
Sa panayam kay Andy ng Fox News Digital last October 12, nakatanggap umano siya ng text message mula sa kanyang ina na si Linda, na siyang naglinis ng bahay ng yumaong lola.
Read: Couple surprises househelpers with iPhone 16

Read: Student fails exam after meatball lands on laptop, logs her out
May nakita itong kakaibang bagay sa freezer ng ref ng kanyang grandmother.
Isa yung frozen biscuit, at may naka-attach na note na nagsasaad na ginawa iyon noon pang 1940.
Sa madaling sabi, 84 na taon na ang naturang biscuit na nasa loob ng freezer.
Ani Andy, “It's quite perplexing.”
Read: DOLE to first-time job seekers: Avail of free pre-employment docs
BISCUIT BAKIT HINDI KINAIN NG GRANDMOTHER?
Last September 24, ibinahagi ni Andy sa Reddit ang larawan ng biscuit.
Nilagyan niya ang post ng caption na: “Found an 84-year-old biscuit in my Grandmother's freezer.”
Nakuha ng biscuit ang atensyon ng netizens, at marami ang nagkomento.
Read: Japan has 95,119 centenarians--and counting

Read: Crumbs, overweight cat, put on strict diet and exercise regimen
Gayunpaman, nananatiling malaking question mark para kay Andy kung sino ang gumawa sa biscuit.
Palaisipan din sa kanya ang dahilan kung bakit hindi iyon kinain ng kanyang grandmother at iningatan na lang sa loob ng mahabang panahon.
Para kay Andy, sa kanyang palagay ay ayaw lang talagang i-dispose ng kanyang lola ang biscuit.
May nakuha naman siyang clue.
Ang biscuit—na kasintigas na ng bato—ay may nakasaad na handwritten note na: "Biscuit made by Mrs. Dara L Chambers in August 1940 at the Blankenship home."
Read: “Wedding destroyer” gets paid by brides not ready to get married
FAMILY INALAM ANG “HISTORY” NG BISCUIT
Na-curious naman ang family ni Andy kung sino si Mrs. Dara L Chambers na gumawa ng biscuit, at ang Blankenship na nakasaad sa note.
Wala silang kilala na mga ganitong pangalan.
Kinausap nila si Sally, ang kapatid ng kanyang grandmother, at dito nagbaka-sakaling may makuhang impormasyon.
Nalaman nila na si Dara L Chambers ay first wife ni Harold, na kapatid naman ng kanilang lola.
Read: Bethany Talbot reacts to bad comments on her being a UP student
May ipinakita rin kay Andy ang kapatid ng kanyang lola na newspaper clipping kung saan nakasaad na namatay si Dara noong 1940—ang taon kung kailan din ginawa nito ang biscuit.
"We believe it's very likely, maybe, from her last batch."
Sinabi ni Andy na sa tingin ng kanyang ina, isa yung soda biscuit.
Hindi naman ito sigurado kung anong exact recipe ang ginamit sa pagbe-bake niyon.
Biro ni Andy, dahil sa nangyari ay marami siyang natututunan tungkol sa paggawa ng biscuit.
Read: Influencer admits PHP8-million cosmetic surgery changed her life
GRANDMOTHER HINDI PALAINGAT NG MGA LUMANG BAGAY
Ang isa pang ipinagtataka ni Andy, hindi umano pala-save ng kung anu-ano ang kanyang grandmother para ingatan nito ang biscuit.
Mahilig din itong magtapon ng mga bagay na para rito ay pampasikip lang sa bahay.
Kaya tingin niya, si Harold ang talagang nag-iingat sa biscuit dahil huling gawa na iyon ng misis nito.
Nang mamatay si Harold, posibleng nakita iyon ng lola ni Andy at inilagay na lang sa freezer for sentimental reasons.
"I guess my grandmother just couldn't throw it away."
Imposible rin aniyang nakaligtaan lang iyon dahil makikita naman agad ang biscuit pagkabukas ng pinto ng freezer.
Paglalarawan niya sa biscuit, bukod sa sobrang tigas na parang bato, amoy freezer na rin iyon.
Read: 1975 10-centavo coin without mint mark now worth PHP28M
BISCUIT MAGSISILBING ALAALA NG GRANDMOTHER
Sa ngayon ay plano ng ina ni Andy ay iuwi sa kanilang bahay at ilagay ang biscuit sa freezer naman ng ref nito.
Naghatid din iyon ng hindi inaasahang silver lining sa kanilang family.
Mapapanatili nilang buhay ang alaala ng kanyang lola.
Naghatid din ng healing sa kanilang pagdadalamhati ang biscuit.
Masaya sila kapag napagkukuwentuhan ang tungkol sa kanyang lola at ang history ng kanilang pamilya.
Noong nabubuhay pa ito, kada buwan ay lumalabas sila para sa family pizza day at ito ang nagbabayad.
“We all really loved her, and we miss her a lot."
Read: Appliance store loses PHP236M in 20 minutes due to pricing error
