PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How housemates with 51-year age gap get along: “We never argue.”

She’s 22, he’s 73.
by KC Cordero
Published Oct 15, 2024
Dave and Ella while eating and exercising
Nang manirahan sa bahay ni David Cox, 73, si Ella Wilson, 22, inisip niyang hindi ito magtatagal at baka hindi maging maganda ang kanilang sitwasyon dahil sa generation gap. Pero natuklasan niyang cool housemate ang dalaga. (Photos courtesy of Ella Wilson)

Kakaiba ang mag-housemates na sina Ella Wilson at David Cox.

Twenty-two years old si Ella, habang 73 naman si David.

Ang age gap nila ay 51 years.

Nagtatrabaho sa isang cafe si Ella, retiree naman si David.

Sa Facebook post ng Daily Record last October 13, 2024, naiulat na noong September 9 ay naging housemates ang dalawa matapos mag-backpacking ni Ella sa Australia.

Naninirahan na siya ngayon sa place ni David sa Manly, Sidney.

Read: Applicant gets "reply" to application letter sent 48 years ago

Ella and Dave taking a selfie
Sina Ella Wilson at David Cox habang nagse-selfie. Magkasama ngayon sila sa place ni David bilang housemates. Photo: Ella Wilson
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Horrible painting found by junk dealer is a Picasso worth PHP338M

Nalaman ni Ella, through a customer sa cafe, na tumatanggap ng housemate si David.

Ang customer ay nagtatrabaho sa isang women’s refuge na nangangalaga sa mga biktima ng domestic violence.

Kaibigan nito si David na nagkataong may spare room na ino-offer sa mga babaeng nasa pangangalaga ng women’s refuge at kailangan ng matutuluyan.

Sa kabila ng kanilang generation gap, para kay Ella ay si David ang “best housemate she’s ever had.”

Read: Stranger obtains fraudulent deed to dentist’s PHP232M property

Ella and Dave doing an exercise
Magkasundo sina David at Ella sa mga trip sa buhay gaya ng pagpapanatili sa kanilang katawan na physically active: Photo: Ella Wilson
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Boost Noodle, an instant ramen with caffeine made for gamers

Magkasama silang nagluluto, nag-eehersisyo, tumatakbo sa labas para magpapawis, at kumakain ng ice cream.

Lagi ring sinasabi ni David kay Ella na naaalala nito sa kanya ang anak niyang babae na ngayon ay 45 years old na.

Binibiro rin nito ang dalagang housemate bilang “stand-in daughter” nito.

Read: Son sues mom for throwing away his manga comics collection

NAGING CLICK AGAD SA ISA'T ISA

Si Ella na tubong Canterbury, Kent, England ay isa ring travel content creator.

Bilang isang backpacker na nangungupahan kung saan-saan, malaking bagay na magkasundo sila ni David dahil hindi na niya kailangang manimbang sa ibang renters.

Aniya pa, “David and I get along like a house on fire. We never argue.

“I feel completely at home; not like I’m treading on eggshells."

Read: Father installs CCTV camera on daughter’s head to protect her

Nai-share din niyang huminto na siya sa pag-aaral nang sumapit sa edad na 18 noong 2020 para simulan ang kanyang travel vlog.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pakiramdam daw niya ay hindi siya angkop sa buhay sa United Kingdom.

Nag-backpacking siya sa Spain at Hawaii, at nakarating sa Australia noong January 2024.

“I was living in hostels and staying on people’s sofas the whole way.”

Usually, nag-i-stay siya sa isang lugar sa loob ng isang linggo.

Read: Fake doctor arrested for botched male enhancement procedure

BIHIRANG MAGKAROON NG ARGUMENTO ANG mag-HOUSEMATE

Pagsapit ng August, naisip ni Ella na mag-stay pa nang konti sa Australia at maghanap ng trabaho.

Natanggap naman siya sa cafe, pero naging problema niya ang matutuluyan.

Nagtanung-tanong siya hanggang sa nabanggit sa kanya ng kaibigan ni David ang extra room sa place nito.

Nagkita silang dalawa sa cafe at nagkuwentuhan,

Nalaman nilang pareho silang mahilig sa football and running.

Ani Ella, “We got on, and his house was in a really lovely spot.”

Nagdesisyon siyang tanggapin ang offer ni David na sa bahay nito tumira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado naman si Ella na may mga pagkakataong nagkakaroon din sila ni David ng argumento.

Isang halimbawa rito, madalas siya nitong aluking kumain ng cookies, na tinatanggihan niya parati dahil concsious siya sa kanyang diet.

Read: Woman sprays neighbor with water gun, charged with assault

RETIREE INAKALANG MAHIRAP MAKASAMA SA BAHAY ANG BAGETS

Ayon naman kay David, madali silang nakapag-adjust sa isa't isa.

Halimbawa sa pagluluto, halinhinan sila, “We have an unwritten rule that one person cooks for us one night, then the other, the following night.”

Read: Customer in restaurant finds rare pearl while eating mussels

Ella looking at the plastic bag
Tinitingnan ni Ella ang laman ng isang plastic bag habang nakangiting nakamasid lang sa kanya si David. Photo: Ella Wilson
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Husband impregnates wife after vasectomy

Ikinuwento rin niya kung paano niya naging housemate si Ella.

Tinawagan umano siya ng kaibigan para i-meet ang isang young lady na naghahanap ng matutuluyan.

Akala niya noong una, galing sa women's refuge si Ella.

Nagulat siya noong nalamang si Ella ay isang 22-year-old tourist from England na gustong manirahan sa Australia.

Read: 8-year-old girl drives mom’s SUV to shop and have Frappuccino

Noong una ay inisip din ni David na tanggihan bilang housemate si Ella.

“I’m a 73-year-old retired bloke. I didn’t think she’d be interested at all in looking at the place.

“But as it turns out, she accepted.”

May mga anak si David na edad 45, 43, at 37 pero ni isa sa mga ito ay hindi sa kanya nakatira.

Nakikita umano niya kay Ella ang panganay na anak na babae dahil parehong mahusay maglaro ng soccer ang dalawa.

“They’re both always active, and they love healthy food.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Crumbs, overweight cat, put on strict diet and exercise regimen

Inisip din niyang hindi magtatagal ang dalaga sa kanyang bahay, pero halos two months na silang housemates.

Para naman kay Ella, kahit sa spare room lang ng bahay ni David siya nakatira, ipinapadama nito sa kanya na parang nasa sariling bahay siya.

“David has made me feel really comfortable here. He’s absolutely the best housemate I’ve ever had.”

Friend for life din ang turing niya sa kanyang nakatatandang housemate.

Read: Husband arrested for phone stalking his wife

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang manirahan sa bahay ni David Cox, 73, si Ella Wilson, 22, inisip niyang hindi ito magtatagal at baka hindi maging maganda ang kanilang sitwasyon dahil sa generation gap. Pero natuklasan niyang cool housemate ang dalaga. (Photos courtesy of Ella Wilson)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results