PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tenants in Germany village only pay PHP54 annual rent

Considered the oldest housing project in Germany
by Bernie V. Franco
Published Oct 21, 2024
Fuggerei
For the past 500 years, Fuggerei village, the oldest housing project in Germany, allows financially challenged families to pay only .88 euros (PHP54.85) annual rent and say prayers three times a day.
PHOTO/S: bboellinger on Pixabay

May isang lugar sa Germany kunsaan dasal lang ang sagot para magkaroon ng tirahan.

Welcome to Fuggerei, ang oldest housing project sa Germany.

Sa loob ng 500 years, patuloy ang pagbibigay ng tahanan ng Fuggerei sa mahihirap na residente sa Augsburg, Germany.

Ang renta rito ay .88 euros o katumbas ay PHP54.85 a year.

Sa loob ng maraming taon, ang Fuggerei ang naging sagot sa dasal sa ilang Germans na hirap sa buhay at walang matirahan.

Tinatayang 150 ang bilang ng mga naninirahan sa Fuggerei village na may 140 apartments.

Taon-taon, umaabot sa 30 to 40 applicants ang dumadagdag sa listahan ng nais mag-rent sa Fuggerei, ayon sa Deutsche Welle (DW) website, isang German state-owned international broadcaster.

Sa DW website, itinampok ang ilang residents na naninirahan sa Fuggerei, tulad ni Noel Guobadia, 29.

Teenager si Noel nang manirahan siya sa Fuggerei kasama ang kapatid at ang kanilang single mom.

Ani Noel, noong una ay duda siya dahil baka hindi sila tanggapin ng tenants doon. Migrants kasi ang pamilya ni Noel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang disenyo ng mga tirahan sa Fuggerei ay lapit-lapit kaya madaling makilala ang mga kapitbahay.

Sinadya ang ganitong disensyo para mahikayat ang social interaction ng mga tenants.

Madaling nakapag-adjust si Noel.

Nang tumuntong siya ng 20, lumipat siya sa sariling apartment sa Fuggerei, ilang pinto lamang ang layo mula sa apartment ng ina.

Naging malaking tulong ito kay Noel dahil bilang young adult noon, hindi siya nagkaproblema sa renta.

“I was able to live with the little money that I was making during my traineeship because that big burden of rent was removed.

"I was given a chance to focus on myself and to start building foundations for my life."

neighbors outside apartments
Noel Guobadia, (middle) talks about living in Fuggerei for the past years.
Photo/s: Oliver Soulas via DW.com
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vaccines explained: Doctors reveal what’s true and what’s not

Ito rin ang ipinagpapasalamat ni Ilona Barber, now 73, na ang kasama sa 55-square-meter apartment ay dalawang aso, dalawang pusa, at anim na ibon.

Si Ilona ay nagtatrabaho bilang cash register sa front gate ng Fuggerei at nangongolekta ng fee mula sa tourists sa kanilang village na ginawa ring tourist destination.

Samantala, may dalawang assigned social workers sa Fuggerei, at isa na rito si Doris Herzog.

Si Doris ang nagre-review ng applications, tagapamagitan sa mga away ng mga magkakapitbahay, at taga-assist sa mga residente.

Sabi ni Doris, "I contact the health insurance companies, the medical services, and often accompany people to their meetings to ensure that they get what they need to continue living as independently as possible in their own homes.”

Hindi naman basta-basta makapagrenta ng apartment si Fuggerei. Mayroong rules na sinusunod, at ginagawa ang mga ito for the past 500 years.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

TENANTS' REQUIREMENTS

Bukod sa annual rent na PHP54.58, kailangan ay Catholic ang applicant, at kailangan nilang magdasal three times a day.

Bagamat mahirap matukoy kung nasusunod ang pagdarasal nang tatlong beses kada araw ng mga tenants, mino-monitor ni Doris ang status ng mga aplikante sa parish office para matiyak na sila ay Katoliko.

Kailangan ay residente sila sa Augsburg, at expected silang tumulong sa Fuggerei community tulad ng paghahardin o pagtatrabaho bilang night guard.

Pagsapit kasi ng ika-10:00 ng gabi, isinasarado na ang Fuggerei gates.

At ang mga residenteng papasok sa gate pagkalampas ng curfew ay kailangang magbayad ng .50 euros o PHP31 sa night guard.

Read: Can PWDs claim discounts on group meals and online orders?

HISTORY OF FUGGEREI

Ang Fuggerei ay itinayo ni Jakob Fugger, mula sa isang prominente at mayamang pamilya na nasa copper business.

Nagtayo si Jakob sa hometown niya sa Augsburg ng enggrandeng building at mga tirahan para sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinawag niya itong Fuggerei.

Pinatira niya rito ang mga hirap sa buhay, kapalit ang rentang .88 euros kada taon at pagdarasal para sa kanya nang tatlong beses sa isang araw.

Paniniwala ni Jakob noon, kung mamatay siya at mapunta sa purgatoryo, hindi siya magtatagal doon at mapupunta agad sa langit dahil sa dami ng mga dasal para sa kanya.

Jakob Fugger statue
Statue of Jakob Fugger, the founder of Fuggerei, oldest housing project in Augsburg, Germany.
Photo/s: Alfred Koop on Pixabay
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sa loob nga ng limang siglo, ito ang naging tradisyon sa Fuggerei.

Sa paglipas ng panahon, mas nadagdagan ang apartments sa Fuggerei. Nagtayo rin ng museum at gift shop.

Hanggang sa ngayon, ang Fuggerei ay pagmamay-ari pa rin ng descendants ni Jakob.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For the past 500 years, Fuggerei village, the oldest housing project in Germany, allows financially challenged families to pay only .88 euros (PHP54.85) annual rent and say prayers three times a day.
PHOTO/S: bboellinger on Pixabay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results