Dahil sa hirap ng buhay, ang Russian look-alike ng Hollywood actor na si Leonardo DiCaprio ay napilitang magpa-enlist bilang volunteer at sumabak sa Russia-Ukraine war.
Siya si Roman Burtsev, now 41 years old.
Nadiskubre at nag-viral siya noong 2016 sa edad na 33. At that time, sumali siya sa isang dating site para makahanap ng pag-ibig.
Nang makita ang kanyang profile picture, marami ang nakapansin sa pagkakahawig niya sa Hollywood actor.

Read: Super fan ng Titanic movie, target makakolekta ng 1 million VHS copies
Nagbukas ang mga pinto para kay Roman. Napansin siya ng advertising companies at kinuha siya for photo shoots and commercials.
Naitampok din siya sa media outlets, pati na rin sa isang reality show sa Russia tungkol sa mga naghahanap ng pag-ibig.
Siya ay eight years younger at mas matimbang kay Leonardo, 49, kaya tinagurian siyang “Russian fat version of Leonardo DiCaprio.”
Nakakakuha siya ng projects para magpanggap bilang si Leonardo.
Gumawa pa siya ng parody video na ginagaya ang famous scenes ni Leonardo sa movies, tulad ng The Revenant.

Pero pagsapit ng COVID-19 pandemic, lalong nadagdagan ang timbang ni Roman.
Nakitira siya sa mga magulang sa Moscow.
Aniya, nawalan siya ng trabaho at nakalimutan siya ng tao.
Lahad niya sa recent report ng Daily Mail, “The problems began with the introduction of restrictions in April 2020 and now people have forgotten about me.”
Nagkaroon pa ng resolution si Roman na magpapayat pagsapit ng 2022, pero hindi niya ito nagawa.
Nagtrabaho siya sa hardware at palengke para kumita, pero hindi naging sapat ang kanyang kinikita.
Read: Fan's way of grieving over Liam Payne’s death sparks controversy

leonardo dicaprio impersonator ENLISTs IN THE RUSSIAN ARMY
Dahil dito, nagdesisyon siyang mag-enlist sa Russian army para maging sundalo sa giyera ng Russia sa Ukraine.
Si Roman ay isa sa maraming jobless Russians na hinihimok ng kanilang gobyerno na mag-enlist.
Ang matatanggap niya ay one-time payment na $20,000 (PHP1.2 million) at $2,000 (PHP116,000) monthly fee during service.
Kung sakaling masawi man sa giyera, mag-aalok ang Russian government ng $130,000 (PHP7.5 million) sa maiiwang pamilya ng sundalo.
May lumabas na larawan si Roman na makikitang nakasuot ng army uniform at may bitbit na rifle.
Hindi rin masyadong bakas sa larawang ito ang pagkakahawig niya kay Leonardo.

