PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Husband sued after catching wife and lover in bed, why?

Why and how?
by KC Cordero
Published Oct 25, 2024
Money changing hands
Husband, nahuli ang sa akto ang wife kasama ang lover, pero siya pa ang kinasuhan at nasentensiyahan. Bakit? (Photo for illustration purposes only, courtesy of Freepik)

Isang 33-year-old husband sa China ang nasentensiyahan ng anim na buwang pagkakabilanggo dahil sa diumano ay pamba-blackmail sa lover ng kanyang misis.

Nakilala ang lalaki sa surname nitong Lu.

Nahuli niya ang kanyang wife na may kasiping na ibang lalaki sa kama.

Read: Wife dumped by husband after taking care of him for 6 years

Eye peeking through keyhole
Si Lu mismo ang nakahuli sa pagtataksil ng kanyang misis. Photo for illsutration purposes only, courtesy of Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Job applicant gets rejected for being overqualified

Sa ulat ng South China Morning Post last October 13, 2024, nag-ugat ang kaso nang magsimulang mapansin ni Lu noong March 2021 na masyadong nagtatagal ang kanyang misis sa pagbibihis kapag ihahatid nito ang kanilang anak na babae sa private tutor.

Dahil nagsimula na siyang magduda, sinundan niya ang asawa.

Nakita niya itong pumasok sa motel at dumiretso sa isang room.

Doon niya ito naaktuhang nakikipagtalik sa isang lalaki.

Read: Museum worker throws away artwork mistaken for empty beer cans

HUSBAND INALOK NG LOVER NG WIFE NG PERA

Sa galit ni Lu, kinunan niya ng video ang kanyang misis habang nakikipagtalik sa lalaking kinatagpo sa motel room.

Matapos iyon, ginulpi ni Lu ang lalaki at sinipa ang kanyang misis.

Inamin ng lalaking nakilala sa surname na Liu na may affair nga ito sa misis ni Lu.

Nag-alok si Liu na i-settle na lang nila ni Lu ang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binayaran nito si Lu ng 25,000 yuan o PHP203,313.86.

Ipinadala ni Liu ang pera kay Lu sa pamamagitan ng tatlong online money transfers.

Read: Burglar breaks into home, hangs laundry, cleans, cooks for owner

LOVER NG WIFE IDINEMANDA SI LU NG BLACKMAIL

Makalipas ang isang buwan, habang inaasikaso ni Lu ang divorce nila ng kanyang misis, nalaman niyang isinuplong siya ni Liu sa mga pulis.

Inakusahan si Lu ni Liu ng blackmail.

Sa tingin ng husband, ang kanyang misis ang nag-udyok kay Liu na idemanda siya nito.

Gusto kasi ng kanyang wife na magkaroon ng advantage sa magiging laban nila sa korte kung kanino mapupunta ang custody para sa kanilang anak na babae.

Read: Policewoman captures her father’s killer after 25 years

HUSBAND SENTENSIYADO NG 6 MONTHS NA PAGKAKABILANGGO

Noong November 2021, sinentensiyahan si Lu ng anim na buwang pagkakabilanggo ng district court dahil sa extortion.

Pinagbabayad din siya ng korte ng 5,000 yuan o PHP40,662.77.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Applicant gets "reply" to application letter sent 48 years ago

Judge banging the gavel
Hindi matanggap ni Lu na guilty siya sa kasong extortion kaya ilang beses siyang umapela. Photo: Freepik

Read: Man buys PHP226K Taylor Swift-signed guitar, smashes with hammer

Umapela si Lu, pero pinagtibay ng Zibo Intermediate People’s Court noong March 2022 ang naging desisyon ng unang korteng duminig sa kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muli siyang umapela, at muling ni-reject ng intermediate court ang kanyang request noong December 2022.

Hindi nawalan ng pag-asa si Lu at muling umapela sa Shandong Provincial High Court na muling dinggin ang kanyang kaso.

Paliwanag ng kanyang kampo sa korte: “The original verdict did not verify some facts, and some evidence was conflicting.”

Read: Stranger obtains fraudulent deed to dentist’s PHP232M property

HUSBAND NANALO SA HULING APELA

Ipinag-utos ng Shandong Provincial High Court sa Intermediate People’s Court ng Zibo na rebisahin ang kaso.

Dininig muli ng intermediate court ang kaso noong January 2024.

Noong October 8, sa inilabas na desisyon ng korte, napatunayang “not guilty” si Lu.

Ayon sa korte, tinanggap lang umano niya ang pera matapos siyang alukin ni Liu.

Malinaw na si Liu ang nag-umpisa ng negosasyon.

Read: Son sues mom for throwing away his manga comics collection

Binigyang-diin din ng korte na si Liu ang may kasalanan dahil nakipagtalik ito sa wife ni Lu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ginawa nito ay labag sa public order, good customs, and moral standards.

Sa pagkakapawalang-sala kay Lu, pinasalamatan ng abogado ni Lu ang media na nagbigay ng malaking atensiyon sa kaso.

Plano ngayon ng kampo ng husband na mag-apply para sa state compensation, pero wala pang inilabas na pahayag kung magkano ang sisingiling danyos perhuwisyo.

Read: Magazine posts obituary of a woman who is still alive

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Husband, nahuli ang sa akto ang wife kasama ang lover, pero siya pa ang kinasuhan at nasentensiyahan. Bakit? (Photo for illustration purposes only, courtesy of Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results