Maraming islands sa buong mundo ang medyo may kaliitan, at konti rin lang ang residente.
Isa rito ang Just Room Enough Island.
Ayon sa Condé Nast Traveler, isang luxury and lifestyle travel magazine, may sukat ito na 3,300 square feet o 310 square meters.
Kasinlaki lang ito ng isang tennis court.
Read: CEB to launch routes from Iloilo to Dumaguete, Legazpi, Bohol

Read: Why tourists flock to Benten Mountain in Japan
Paglalarawan ng Washington Post sa naturang isla sa isang artikulong nalathala noong 2010, “The speck of land squeezes a house and a couple of wrought-iron benches pushed hard up against the shingles onto its banks.
“One misstep and you're swimming.”
Read: Couple travels to Switzerland, charged with PH8M phone bill
SMALLEST ISLAND, MAY COTTAGE AT ISANG PUNO
Ang Just Room Enough Island ang itinuturing bilang world's smallest inhabited island—although hindi pa ito binibigyan ng Guinness World Records ng pagkilala.
Mapupuntahan ito sa pamamagitan ng bangka.
Read: Meet Bao the Chihuahua, travel and fashion vlogger

Read: Motorista, sinunod ang GPS at sinuong ang tulay na kahoy, muntik nang mahulog!
Una itong tinawag na Hub Island.
Matatagpuan ang Just Room Enough Island sa pagitan ng United States at Canada sa Alexandria Bay, New York.
Kabilang ang island na ito sa 1,864 na bumubuo sa Thousand Islands.
Read: Hermès Birkin bag at mga alahas worth PHP520M, nanakaw sa airport
SMALL ISLAND, HOLIDAY GETAWAY NG OWNER
Ang Just Room Enough Island ay nabili ng Sizeland family noong 1950s para gawing holiday getaway, ayon sa Condé Nast Traveler.
Una itong tinawag na Hub Island.
Para makunsiderang isla, kelangan na ang bahagi ng lupa o bato ay may sukat na at least one square foot. Kailangan ding ito ay "above water year round." Dapat ding mga nakatanim na kahit na isang puno.
Para naman makunsiderang inhabited island, kelangang may one-family structure.
Kaya nagpatayo ang Sizeland family ng cottage at nagtanim ng isang puno.
Read: Unggoy nang-snatch ng purse ng turista, paano nabawi?
Ang naturang island ay malakas humatak ng interes ng mga turista.
Naging dahilan umano ito para hindi rin ma-enjoy ng Sizeland family ang pagbabakasyon doon dahil laging maraming turistang umaali-aligid.
Matatanaw ito kapag sakay ng bangka sa Saint Lawrence River.
Read: Lalaking bumili ng lifetime pass sa eroplano noong 1990, sobra-sobra na ang naging biyahe
