PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

No one wants to run as mayor in this old town

Laging hindi natutuloy ang election dahil walang kandidato
by KC Cordero
Published Nov 6, 2024
Aerial shot of Kyle
Sa November 13, 2024 na ang eleksyon, pero walang may gustong tumakbo para maging mayor ng Kyle, Saskatchewan sa Canada. Maging sa city council ay walang kumakandidato. (Photo: Tourism Saskatchewan)

Kung sa Pilipinas ay nag-uunahan ang mga pulitiko sa pagtakbo sa halalan, iba ang sitwasyon sa isang maliit na bayan sa Canada.

Matatagpuan ang Kyle sa Rural Municipality of Lacadena No. 228 sa probinsiya ng Saskatchewan.

Read: VIRAL: Son carries paralyzed mom on his back during their travels

Landmark in Kyle
Ang landmark ng Kyle, Saskatchewan. Photo: Tourism Saskatchewan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Sokusekisai Oyama, “Japan’s Instant Noodle King”

Sa November 13, 2024 na gaganapin ang municipal election dito—pero walang nagpatala ni isang kandidato.

Walang gustong maging mayor.

Wala ni isa sa mga residente ang nagpahayag ng intensiyon na tumakbo.

Read: World’s smallest inhabited island features cottage and lone tree

KYLE MAYROON LANG MAHIGIT 400 RESIDENTE

Ang komunidad ng Kyle ay mayroon lang mahigit 400 na residente.

Sikat ito bilang ang site kung saan ang 12,000-year-old bones ng isang wooly mammoth ay nahukay noong 1960 sa isang road construction project.

Read: Son buys back dad’s car sold in 1983 for “diaper money”

The statue of the wooly mammoth
Ang marker kung saan nahukay ang wooly mammoth. Isa itong tourist attraction sa Kyle. Photo: Tourism Saskatchewan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: CEB to launch routes from Iloilo to Dumaguete, Legazpi, Bohol

Ngayon, kilala ito bilang munisipyo na walang gustong magpatakbo.

Nagsimula ang problema ng Kyle nang ang incumbent mayor na si George Williams ay ianunsyo ang pagreretiro sa serbisyo.

Nanungkulan siya simula noong 2021, at nagtapos ang termino noong pang 2023.

Dalawang beses nang nag-attempt ang mga election officials na mag-secure ng mga pangalan ng mga posibleng kandidato, pero wala ni isa sa maliit na populasyon nito ang sumipot noong araw ng nominasyon.

Read: 1776 Continental coin found in tin can sold for PHP1.8M

CITY COUNCIL WALA RING NAKAUPO

Bukod sa mayoralty post, kailangan ding punuan ang bubuo sa city council—na wala ring nagpatalang kandidato.

“It’s a little concerning, but I am confident that someone will step forward,” ayon kay Chief Administrative Officer Amber Dashney sa panayam ng local radio station na CKOM-AM.

Ayon pa kay Dashney, kahit walang kumandidato sa mga bakanteng posisyon, gagawa ang pamahalaan ng paraan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pansamantala munang pupunan ang mga posisyong ito, at saka muling magtatakda ng petsa ng special election.

“We will continue calling a by-election until we fill the mayor spot and the other councilor spot, as well,” paliwanag pa ni Dashney.

Read: Boy complains of bad smell for 2 years; had screw stuck in nose

SAFE PLACE TO START A FAMILY

Isinasalarawan ang Kyle bilang “a place where old meets new.”

Isinunod ito sa pangalan ng original settler nito na si Jeremiah Kyle, na nanirahan sa lugar noong 1923.

May lawak itong 1.16 square kilometers.

Ang karaniwang ikinabubuhay ng mga tagarito ay turismo at cattle.

Sinisikap ng maliit na bayang ito na manatiling viable place of business sa mga susunod na taon.

Read: Cute no more: Baby on store signboard takes creepy turn

A market at Kyle
Ipinagmamalaki ng Kyle ang tahimik na pamumuhay roon ng mga residente. Photo: TOWN of KYLE Local Government Municipal Office Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Applicant gets "reply" to application letter sent 48 years ago

Ipinagmamalaki rin nito ang pagiging isang ligtas na lugar para magbuo ng pamilya.

Bukod sa estatwa ng wooly mammoth, kabilang sa mga tourist attractions sa Kyle ang vintage drive-in movie houses na itinayo noon pang 1950s.

Bukas ito tuwing summer.

Nagdaraos din sa Kyle ng taunang beach volleyball tournament.

Malapit na ring mag-open dito ang isang dog park.

Mayroon din itong airport.

Read: Vietnamese restaurant offers bubble tea beef noodles

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa November 13, 2024 na ang eleksyon, pero walang may gustong tumakbo para maging mayor ng Kyle, Saskatchewan sa Canada. Maging sa city council ay walang kumakandidato. (Photo: Tourism Saskatchewan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results