PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Fart kontrol” signboard in Sweden goes viral

It’s not what you think it is.
by KC Cordero
Published Nov 7, 2024
The viral signboard
Nakakatawa sa English language ang signboard na ito sa Sweden, pero sa kanilang lengguwahe ay iba ang ibig sabihin nito. (Photo: @ColaWarsVeteran on X)

Nag-viral ang isang signboard sa Sweden kung saan mababasa ang mga katagang: “MAX FART 5.”

Nakakatawa ito sa English language, pero sa Sweden pala, ang ibig sabihin ng “fart” ay “speed.”

Ang linguistic twist na ito ay nakatawag ng pansin ng netizens—at naging ugat ng iba’t ibang jokes at pagiging curious sa Swedish vocabulary.

Ang photo ng signboard ay ibinahagi sa X (formerly Twitter) ng user na may handle na @ColaWarsVeteran last October 29, 2024.

Read: No one wants to run as mayor in this old town

Screenshot of the tweet about fart
Naaliw ang netizens sa tweet tungkol sa signboard na iba pala ang meaning sa Swedish language. Photo: Screenshot @ColaWarsVeteran on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Sokusekisai Oyama, “Japan’s Instant Noodle King”

Nilagyan niya ito ng caption na: “Today I learned that the Swedish word for speed is fart.”

Nag-post din siya ng poster ng Speed, ang pelikulang pinagbidahan ni Keanu Reeves, at makikitang Swedish version ito dahil ang title ng pelikula ay Fart.

Read: VIRAL: Son carries paralyzed mom on his back during their travels

SIGNBOARD PAALALA SA MGA DRIVERS

Napag-alamang ang signboard ay inilagay bilang paalala sa mga drivers na huwag lalampas sa itinakdang maximum speed limit.

Hindi ito nagbibigay ng limitasyon sa mga gustong mag-release ng kanilang fart nang hanggang lima lang.

Read: Miss Universe prexy, pageant expert predict Top 5; netizens react

Signboard in Sweden
Ang tipikal na speed limit signboard sa Sweden. Photo: @ColaWarsVeteran on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: World’s smallest inhabited island features cottage and lone tree

Nag-trigger naman ito ng mga nakakatawang komento.

Maraming netizens ang nag-share ng photo ng signboard, na tinawag nilang “fart kontrol.”

NETIZENS’ FUNNY RECTIONS TO SIGNBOARD

Ang tweet ay nakakuha na ng 6.2M views, 14.9K reposts, 1,077 quotes, 173.9K likes, at 17.3K bookmarks.

Ayon sa isang nagkomento, “Guess I'll be extra cautious when I see a 'fart kontrol' sign in Sweden."

Sambit naman ng isa, since nagtayo siya ng isang banda at wala pa siyang pangalan para sa kanyang grupo, tatawagin niya itong Fart Kontrol.

Pakiusap pa niya, nauna na raw siyang nakaisip nito kaya wala na sanang gagaya.

Ayon sa isa pang nagkomento, “My inner eight-year-old is ridiculously delighted by this.”

Para naman sa isang X user, may natutunan siya kahit maliit na bagay tungkol sa Sweden dahil sa signboard.

“Learning is a wonderful thing.”

Read: Son buys back dad’s car sold in 1983 for “diaper money”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakatawa sa English language ang signboard na ito sa Sweden, pero sa kanilang lengguwahe ay iba ang ibig sabihin nito. (Photo: @ColaWarsVeteran on X)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results