PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Reptile enthusiast tries to keep two-headed turtle alive

“They are doing great.”
by KC Cordero
Published Nov 7, 2024
Photos of the two-headed turtle
Bihirang mabuhay ang pagong na dalawa ang ulo, pero determinado si Joseph Morena na maka-survive ang inaalagaan niya ngayon. “I’m not saying that they are guaranteed to live but they are not giving up. Every week it is looking better and better.” (Photo: AquaTerra YouTube)

Ang alagang turtle ng reptile enthusiast na si Joseph Morena ng New Jersey ay na-hatch na may anomaly: dalawa ang ulo nito.

Sa panayam kay Joseph ng local media na Caters News Service last November 4, 2024, sinabi niyang gagawin niya ang lahat para mabuhay at maging masaya ang turtle.

Ibinahagi rin niya na ang pagkakaroon nito ng dalawang ulo ay maaaring sanhi ng genetic disorder.

Read: Ogie Alcasid, bumalik sa pagiging cat person

The two-headed turtle
Ang turtle na may dalawang ulo. Photo: Screenshot at AquaTerra YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sawa na lumingkis sa 64-anyos na Thai woman, nakatakas

Ang kaibigan ni Joseph ang nakapag-hatch sa turtle.

Sinabi umano nito sa kanya na wala itong idea kung paano maaalagaan ang pagong na dalawa ang ulo.

Nagdesisyon si Joseph na i-challenge ang kanyang sarili na siya na lang ang mag-alaga.

Ipinaliwanag din niya sa panayam sa kanya na ang pag-aalaga sa unique creature ay napakahirap.

Sobrang bihira kasi ang naha-hatch na turtle na dalawa ang ulo, at mababa rin ang survival rates ng multi-noggin critters.

Ang pagkakaroon ng mga hayop ng dalawa o higit pang ulo ay tinatawag na polycephaly.

Generally, sanhi ito ng malformation ng developing embryo, na epekto naman ng alinman sa genetic or environmental factors.

Ang ganitong anomaly ay karaniwang naoobserbahan sa mga pagong at ahas.

Nangyayari rin ito sa mga isda at baboy.

Read: Crumbs, overweight cat, put on strict diet and exercise regimen

ULO NG TWO-HEADED TURTLE, MAY KUMPETISYON

Kung may kasabihang “Two heads are better than one,” hindi ito totoo sa hanay ng mga hayop.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naobserbahan ito mismo ni Joseph habang inaalagaan niya ang two-headed turtle.

Laging may kumpetisyon ang dalawang ulo.

Problema rin niya ang pagpapakain sa mga ito dahil pareho niyang kailangang subuan sa bibig ang dalawang ulo.

Read: Vivamax star, cat lover Apple Dy ventures into cat cafe business

Pihikan ang mga ito sa pagkain, at magkaiba ang kinu-consume ng dalawang ulo.

“I continued to offer food, but they showed no interest.”

Dahil dito, hindi niya mapigilan ang mag-alala.

“They are still young, and they have a lot of challenges to overcome."

Hindi rin siya sigurado kung tuluyang mabubuhay ang pagong.

Nabuhayan naman ng loob si Joseph nang magsimulang kumain ang mas malaking ulo ng pagong.

Aniya, tila nainggit ang isa kaya kumain na rin iyon.

“I’m not saying that they are guaranteed to live but they are not giving up.

“Every week it is looking better and better.”

Read: Fur mom had her sick dog euthanized; why is it alive?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TWO-HEADED TURTLE HINDI COORDINATED ANG BODY MOVEMENTS

Dinudokumento ni Joseph sa kanyang YouTube channel ang ginagawa niyang pag-aalaga sa two-headed turtle.

Mayroon siyang mahigit 180,000 followers.

Ibinahagi niya sa isang video na dahil dalawa ang ulo ng pagong, may problema sa coordination ng mga bahagi ng katawan nito at pagkilos.

Read: Golden retriever pup named Shamrock born with lime green fur

Reptile enthusiast holding the two-headed turtle
Muntik pang namatay ang two-headed turtle, buti na lang at na-revive ni Joseph. Photo: Screenshot at AquaTerra YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dog poops on live TV broadcast, shocking anchor

Aniya, isang umaga ay nagising siyang nakatihaya ang two-headed turtle sa terrarium na may half-inch na tubig kung saan niya ito inaalagaan.

Napansin niyang wala nang malay at halos hindi na humihinga ang pagong.

Nag-panic si Joseph, pero nagawa niyang hilut-hilutin ang dibdib ng alaga.

Nag-perform din siya rito ng mouth-to-mouth resuscitation.

Makalipas ang dalawang oras na puno si Joseph ng tension, nakahinga siya nang maluwag nang magpakita ng sign of life ang two-headed turtle.

Natuklasan din niyang ang pagkilos ng pagong ay may kinalaman sa uri ng pagkain ng mga ito.

Dahil pihikan, isang klase lang ng worm ang nagugustuhang kainin ng pagong.

Iyon din ang rason kung bakit hindi gaanong malakas ang pangangatawan nito, at hindi coordinated ang pagkilos.

Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages

TUMAKAW DAHIL SA SUPPLEMENTS

Sa determinasyon ni Joseph, napag-aralan niya kung paano aalagaan ang pihikang two-headed turtle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sanay rin kasi siyang mag-alaga ng mga reptiles na may problema sa diet.

Pinainom niya ang pagong ng supplements para lagi itong makaramdam ng gutom.

Naging matakaw ito, at unti-unti ay napansin niyang lumalaki na at mas maayos ang pagkilos.

Read: 80-year-old woman without child leaves fortune worth more than PHP300M to caretaker

Two-headed turtle eating worms
Ang two-headed turtle habang kumakain. Photo: Screenshot at AquaTerra YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!

Sinunod din ni Joseph ang payo sa kanya ng vet na ilagay ang pagong sa mas maliit at simpleng terrarium na akma sa kondisyon at kakayahan nito.

Ngayon ay eight weeks old na ang two-headed turtle, at patuloy na gumaganda ang kondisyon.

Sa tingin ni Joseph, nasalba na ang pagong sa kritikal na yugto ng buhay nito.

“They are doing great. They are over two months old now and they keep growing in size.”

Gayunpaman, tuloy siya sa matiyagang pag-aalaga.

Aminado si Joseph na dahil sa sitwasyon ng pagong, laging may banta sa buhay at kalusugan nito.

Read: Twins Joj and Jai Agpangan respond to netizens who mistook them for 4th Impact members: "Maalaga kami sa aso."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bihirang mabuhay ang pagong na dalawa ang ulo, pero determinado si Joseph Morena na maka-survive ang inaalagaan niya ngayon. “I’m not saying that they are guaranteed to live but they are not giving up. Every week it is looking better and better.” (Photo: AquaTerra YouTube)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results