Noong October 22, 2024, isang araw bago ang 83rd birthday ni Morgan Perigo, nakatanggap siya ng hindi inaasahang regalo.
Isang package ang dumating na naglalaman ng kanyang 1965 McMaster University graduation ring na naiwala niya noong 1977.
Ang package ay nagmula kay Alex Davis, isang professional free diver and spear fisherman na may tourism business sa Barbados.
Read: PHLPost launches ID loaded with discounts and freebies
Sa ulat ng news website na UPI noong November 6, walang masyadong turista sa kanyang area noong October 16 kaya nagdesisyon na lang si Alex na sumisid.
Dala-dala ang isang metal detector, sa kanyang pagsisid, nakakita siya sa ilalim ng dagat ng mga kalawanging pako, takip ng bote, at mga barya.
Hanggang may mapansin si Alex na kakaiba sa mga baryang nahalukay niya.
Aniya, “They were from the 70’s and 80’s and I started thinking, 'Wow, I’m in a zone where we’ve clearly got a lot of old stuff.'”
Read: Why use headphones on public transport?

Read: Australia to ban social media for children under 16
Nagsimulang tumunog ang kanyang metal detector, na nagpapahiwatig na may na-detect itong ginto
Nagsimulang maghukay si Alex.
At nakita niya sa ilalim ng mga buhangin ay patay na corals at bato ang isang singsing na may palamuting dark-red stone.
Kahit nasa ilalim pa siya ng tubig, napansin ni Alex na hindi kinalawang ang singsing at mayroon itong jeweler’s mark—isang pahiwatig na yari iyon sa purong ginto.
Read: LRT-1 Cavite extension Phase 1 operations to start this November
GRADUATION RING, MAY IMPORMASYON TUNGKOL SA MAY-ARI
Nang makaahon mula sa dagat, gumamit si Alex ng magnifying glass.
Nakita niyang nakaukit sa singsing ang mga salitang “McMaster University 1965.”
May initials din iyon na “FMP.”
Read: Reptile enthusiast tries to keep two-headed turtle alive

Read: "Fart kontrol” signboard in Sweden goes viral
Aniya nang makita ang mga markang iyon, “I was like, ‘Okay, there’s definitely enough information here to try and get this back to the person.
“’We’ve got, the school, we’ve got the graduation year, we’ve got three initials.’”
Pagbabahagi pa ni Alex, kapag nakakapulot o nakakasisid siya ng valuable items, talagang hinahanap niya ang may-ari.
Thirty-four years old na si Alex, at ang una umano niyang naisip, “My first thought was, ‘I wonder if, if this person is still around to get it back.’”
Read: No one wants to run as mayor in this old town
DIVER HINANAP ANG MAY-ARI NG GRADUATION RING
Agad nag-research si Alex sa website ng McMaster University, isang unibersidad sa Ontario, Canada.
Nag-iwan siya ng mensahe sa general alumni email.
Ikinuwento niya kung paano niya nakita ang singsing at ang personal information sa engraving na posibleng makatulong para matukoy ng university ang may-ari.
Nang matanggap ang email ni Alex, nanghingi naman ng tulong ang director of alumni engagement for the school sa reunion coordinator para ma-trace kung sino sa mga alumni ang may initials na FMP.
Read: Boyfriend stabbed by girlfriend after he greets woman on street
Sa isinagawang search, ang initials ay tumutugon sa pangalan ng isang Frederick Morgan Perigo—mas kilala bilang Morgan Perigo.
Agad itong kinontak ng university.
Ayon sa director of alumni engagement for the school, mabuti na lamang at laging ina-update ni Morgan ang mga impormasyon nito sa university.
Noong una ay inakala pa ng university na baka pumanaw na siya dahil 1965 pa ito nag-graduate.
Napag-alaman ding hindi university-issued ang graduation ring.
Ang graduate ang kusang nagpa-customize nito bilang memento.
Read: Lady discovers "rich" BF is a scammer 2 months before wedding
MAY-ARI NG GRADUATION RING, HINDI MAKAPANIWALA
Hindi naman makapaniwala si Morgan na nakita pa ang kanyang graduation ring.
Ibinahagi niya sa director of alumni engagement for the school na naiwala niya ang singsing noong 1977 noong mag-travel ang kanyang pamilya sa Barbados.
Aniya, “One day, I took my younger son and waded into the ocean.
“He was knocked over by a wave, so I reached to grab hold of him. He pulled on my hand and my Mac Alumni ring came off.
"We searched for it but were unsuccessful."
Ipinadala ng alumni staff ang contact information ni Morgan kay Alex.
Read: Millionaire husband's strict rule on wife: “No guys friend ever.”
NAIBALIK NA GRADUATION RING, UNEXPECTED BIRTHDAY GIFT NA RIN
Nung nagkausap ang dalawa, gayun na lang ang pasasalamat ni Morgan sa diver.
Hindi naman makapaniwala si Alex nung nalamang malapit na pala ang birthday ni Morgan.
“So, it was like, oh my God, this story just can’t get any better.
“Not only did we find it after 47 years at the bottom of the sea, but also, I found it, you know, a week before his birthday.”
Read: Two co-branded credit cards offer high rewards, cashbacks

Read: VIRAL: Grandma with "longevity horn" reaches 107--and counting
Agad na ibinalot ni Alex ang singsing at ipinadala sa address ni Morgan sa Canada through a courier.
Sa pamamagitan ng expedited international shipping, posibleng mataggap ni Morgan ang ring bago siya magdiwang ng kaarawan.
“That ring has been underwater for 47 years, so I’m fairly confident he pretty much moved on from it and figured it was gone forever,” ani Alex.
Tinawagan niyang muli si Morgan noong kaarawan nito para batiin.
Para naman kay Morgan, ang naibalik niyang graduation ring ay isang “wonderful, unexpected 83rd birthday present.”
Read: Newlyweds revisit grocery store where their love story began
