Isang lalaking Chinese ang kinailangang dalhin sa isang local bank upang makumpirma ang kanyang identity para sa money transfer.
Yun nga lang, dinala siya ng kanyang pamilya sa bangko habang nakahiga sa hospital bed.
Ang video ng insidente ay ini-upload sa TikTok ng user na may handle na ViviTots last October 25, 2024.
Naging viral ito sa Chinese social media.
Read: This Pinoy resort has the world's largest chicken-shaped building

Read: PHLPost launches ID loaded with discounts and freebies
Sa video ay makikitang hirap na hirap ang isang babae habang itinutulak ang hospital bed na may nakahigang lalaki papasok sa Shandong Province bank.
Napag-alamang sinabihan ng bangko ang pamilya ng lalaking maysakit na kailangang makumpirma ang identity ng huli para ma-access ang account nito.
Kailangan daw ng physical appearance.
At kahit pa ipinaliwanag ng pamilya na naka-confine sa hospital ang lalaki at malala ang sakit nito, hindi pumayag ang bank manager.
Ipinakita rin sa bank manager ang mga dokumento galing sa ospital para patunayang maysakit talaga ang lalaki, pero wala ring nangyari.
Read: Why use headphones on public transport?
WALANG AMBULANSYA, ITINULAK NA LANG ANG HOSPITAL BED
Sinabi pa ng bank manager na puwedeng dalhin sa bangko ang lalaking maysakit gamit ang ambulansiya.
Sa kasamaang palad, ayon sa hospital kung saan siya naka-confine, ginagamit lang ang mga ambulansiya sa health-related emergencies.
Hindi naman kaya ng pamilya na magrenta ng private ambulance.
Read: Australia to ban social media for children under 16
Walang nagawa ang pamilya kundi itulak na lang ang hospital bed papunta sa bangko.
Napag-alamang kailangan nila ng pera bilang pambayad sa hospital.
Pero kakatwa na buwis-buhay ang pinagdaanan ng maysakit para lang ma-access ang kanyang pera sa bangko.
Read: LRT-1 Cavite extension Phase 1 operations to start this November
BANK, BINATIKOS NG NETIZENS
Ang babaeng nagtutulak sa hospital bed ay pinaniniwalaang panganay na anak ng lalaking maysakit.
Makikita sa video na hirap na hirap ito sa pagtutulak ng kama papunta sa counter ng bank clerk.
Read: Reptile enthusiast tries to keep two-headed turtle alive

Read: "Fart kontrol” signboard in Sweden goes viral
Binatikos ng netizens ang bangko dahil sa kawalan nito ng consideration at compassion.
Sabi ng isang nagkomento, “Only in China.”
Marami rin ang nagsabing dapat ay pinagbigyan na lang ng bangko ang lalaking maysakit lalo pa at nagpakita naman ang pamilya ng mga dokumento at ebidensiya na talagang nasa hospital siya.
Tinawag naman ng ibang netizens ang insidente na isang malaking kahihiyan para sa Chinese society.
