May kakaibang paraan ang Pub De Dulle Griet para maresolba ang pag-uuwi ng beer glasses ng mga customers.
Nagkakahalaga kasi ang bawat beer glass ng 90 euros o halos PHP6,000.
Kaya kung oorder ka ng special beer drink, kukunin muna ang isa sa iyong suot na sapatos bilang insurance policy na hindi mo itatakbo ang kanilang baso.
Ang Pub De Dulle Griet ay isang old-school pub sa Ghent, Belgium. Kilala ito sa pagkakaroon ng 500 varities ng beer.
Read: Fresh grad complains about PHP40K starting salary; netizens react


Read: This tiny house in Siargao withstood a super typhoon in 2021
SHOE AS INSURANCE POLICY
Recently, nag-post sa Instagram ang foreign digital creator na si Somi Lynda ukol sa kanyang pagbisita sa pub.
Sa maiksing video clip, ibinahagi niya ang kanyang kakaibang karanasan.
Ani Somi (published as is): “This pub in Belgium takes one of your shoe as an insurance [policy] when you order Beer so you cant walk away with their glass so with their glass.”
Isasauli raw ang kapares na sapatos kapag natapos mong mainom ang kanilang 1.2-liter beer. Hindi naman required na maubos ang beer.
Ipinakita ni Somi sa video na kinuha ng waiter ang isa niyang sapatos at isinabit ito kasama ang iba pang sapatos ng mga customers.
Nakasabit ang mga sapatos sa tali na mahirap abutin kaya hindi basta-basta mahahablot ang mga sapatos.

EXPENSIVE BEER GLASS
Ang special beer ng pub ay nakalagay sa tall glass na hugis sand timer.
Mataba ang bunganga ng glass pati na rin ang dulo nito. Payat at mahaba ang gitna.
Meron wooden holder ang beer glass para hindi ito matumba.
Binanggit din ni Somi na magbabayad ka on the spot ng PHP6,000 kapag nabasag mo ito.
Iba-iba ang comments ng netizens.
May mga nagandahan sa baso.


Mungkahi naman ng iba, bumili ng murang sapatos para puwedeng maitakbo ang baso at hindi manghihinayang na iwan ang kapares na sapatos.
May mga na-curious din kung paano nakakapagbanyo ang mga customers given na isa lang ang suot na sapatos.


May isa namang nagpakilalang local at may dadag na paliwanag tungkol sa baso.
Sinabi niyang Kwak glass ang tawag dito.
At hindi lang daw sa Dulle Griet bar ginagawa ang pagtatago ng sapatos ng customers.
Sabi ng netizen: “It’s tradition with the brand Kwak, those glasses are hella expensive.
“Really any bar that serves Kwak does this”

