Isang 93 anyos na lola na naninirahan sa Locke Avenue, El Sereno, Los Angeles, California, ang laging nakakarinig ng kakaibang ungol sa ibaba ng kanyang bahay tuwing gabi.
Inakala niyang isang stray dog lang iyon o hayop mula sa kalapit na forest.
Ilang buwan na rin siyang ginagambala ng ingay na nililikha niyon.
Solong naninirahan ang lola sa kanyang bahay—na may crawl space na dalawang piye ang taas.
Kapag sinisilip niya ang ilalim ng bahay pagsapit ng araw, wala naman siyang nakikitang kahit ano.
Read: Gold pocket watch gifted to Titanic hero sold for PHP117M
INGAY NAGING PARANG MGA KATOK
Sa panayam ng NBC News kay Ricardo Silva, manugang ng lolang hindi na pinangalanan, kalimitan ay sa gabi gumagawa ng ingay ang kung anumang nasa silong ng bahay ng kanyang biyenan.
Binalewala lang nila iyon, at inisip na baka nga aso o wildlife lang na naligaw sa crawl space.
Read: Swedish minister admits having rare bananaphobia
Pero noong gabi ng November 8, 2024, kakaibang ingay na ang narinig ng lola.
Nagkataong sinamahan naman ito ng mga kapamilya dahil nangangamba na rin sila sa mga naririnig nito.
Ani Ricardo, ang ingay ay parang may kumakatok.
“It was kind of like, as my wife was walking, they were kind of knocking back from under the house.”
Sabi ng misis niya kay Ricardo, “You know, something’s wrong.”
Read: Woman experiences “shortest first date ever”
NAKED MAN NADISKUBRENG GUMAWA NG LUNGGA
Agad silang tumawag sa Los Angeles Police Department at ipinagbigay-alam ang pangyayari.
Dumating ang mga pulis at nagsiyasat sa kabuuan ng bahay.
Hanggang madiskubre ng mga ito ang isang lalaking hubu’t hubad na naglulungga pala sa ilalim ng bahay ng lola.
Read: Man finds out owner of his favorite bakery is his real mom

Read: Autistic boy slapped by Benz owner receives SUV from Ford
Nakapasok ang naked man sa pamamagitan ng pagbutas sa isang gilid ng crawl space.
Doon pala ito nanunuluyan.
Nilagyan din nito ng mga halaman ang butas sa gilid ng crawl space para hindi iyon mapansin.
Nagtangka ang mga pulis na palabasin ang lalaki mula sa kanyang lungga, pero tumanggi ito.
Read: Bride devastated when only five guests show up at her wedding
NAKED MAN AYAW LUMABAS SA GINAWANG LUNGGA
Ilang oras na nagkaroon ng negosasyon bago ito mapayapang sumuko.
Pagbabahagi ni Ricardo, matigas ang naked man at ayaw talagang lumabas sa ginawang lungga.
Hindi umano ito natakot sa mga sniffing dogs na dala ng mga pulis.
At kahit hinagisan na ito ng teargas, nagmatigas pa rin.
Hinayaan muna ito ng mga pulis, pero bandang alas kuwatro ng hapon ay nagsagawa ang mga awtoridad ng final assault.
Muli nilang hinagisan ng mga teargas ang lalaki.
Read: Sick man on hospital bed taken to bank for identity verification

Read: Diver finds graduation ring lost for 47 years, returns to owner
Sa pagkakataong iyon, napilitan na itong lumabas sa ginawang lungga—na hubu’t hubad pa rin.
Ang lalaki ay inaresto ng mga pulis sa kasong trespassing, at nakatakdang humarap sa korte sa December 6.
Read: This Pinoy resort has the world's largest chicken-shaped building
NAKED MAN SA ILALIM NG BAHAY NAMAMALAGI PAG GABI
Nakilala ang suspek na si Issac Betancourt, 27.
Nakuha mula sa ginawa nitong lungga ang mga pagkain at mga kumot.
Ani Ricardo, ang paniwala ng mga imbestigador ay tuwing gabi namamalagi si Issac sa ilalim ng bahay ng kanyang biyenan, at umaalis pagsapit ng madaling-araw.
Nalaman siguro nito na walang kasama ang lola kaya nagawang makapaglungga roon.
Read: Reptile enthusiast tries to keep two-headed turtle alive
Hindi masabi ng pamilya kung gaano katagal tumiira ang lalaki sa ilalim ng bahay.
Pero batay sa rekoleksiyon ng lola, nagsimulang marinig ang mga kakatwang ingay mga anim na buwan bago natiklo si Issac.
Mula naman nang mangyari ang insidente, ipina-secure na ng lola ang two-foot-high crawl space.
