Hindi lamang sa commercial or business industry at education industry ginagamit ang artificial intelligence (AI), kundi pati na rin sa simbahan.
Ang makasaysayang simbahan kasi na St. Peter’s Church sa Lucerne, Switzerland, nag-install ng AI-powered Jesus Christ.
Tinawag itong “Deus in Machina” na in-install sa confessional booth sa loob ng simbahan noong August 2024.
So yung pumupunta sa confessional ay masisilip sa loob nito ang screen kung saan makikita ang “avatar” ni Jesus Christ na mala-hologram.
Ang AI-powered Jesus ay programmed by theological texts, kunsaan manggagaling ang kanyang mga sagot sa kumakausap dito, ulat ng The Guardian nitong November 21, 2024.
Verbal ang pakikipag-usap ng AI na ito na kayang makipag-usap in 100 languages dahil ang ibang bisita ay from other countries.
Kasunod nito, inimbitahan ng simbahan ang mga visitors na kausapin ang hologram ni Jesus na sumasagot in real-time interaction.
Paglilinaw ni Marco Schmid, isang theologian sa St. Peter’s Church, inabisuhan ang visitors na ang kausap nila ay AI-generated.
Pinapayuhan din ang visitors na hindi sila mangungumpisal.
“It’s not a confession. We are not intending to imitate a confession," ani Schmid.
Sinabihan din ang visitors na huwag magbibigay ng personal information.
Ang hakbang na ito ay isang "experiment."
Nais ng simbahan na malaman kung ang reaction ng mga tao na makipag-usap sa isang AI ni Jesus Christ, at kung ano ang gusto nilang itanong dito.
Read: Banana artwork duct-taped to a wall sells for PHP365 million

AI-powered jesus christ gets MIXED REACTIONS
Sa dalawang buwan na in-operate ang Jesus avatar, umabot sa higit 1,000 ang visitors na sumubok sa AI-powered Jesus Christ.
Kabilang sa visitors ay mga Muslim at foreigners, ayon pa sa The Guardian.
Pumili ng 230 katao mula sa visitors at tinanong ukol sa kanilang experience.
May 153 rito ang nagsabing isang “spiritual experience” ang pakikipag-usap sa AI-powered Jesus Christ.
“So we can say they had a religiously positive moment with this AI Jesus. For me, that was surprising,” ani Schmid.
Sabi naman ng iba, hindi naging maganda ang karanasan nila sa AI.
Isang local reporter na sumubok makipag-usap sa AI ang nagsabing “trite, repetitive and exuding a wisdom reminiscent of calendar cliches” ang experience niya.
Sa reviews na ito pinagbasehan ni Schmid ang observation niya sa AI na ginamit sa experiment.
Sabi ng theologian: “I have the impression that sometimes he was really very good and people were incredibly happy and surprised and inspired.
“And then there were also moments where he was somehow not so good, maybe more superficial.”
Hindi rin positibo ang pagtanggap ng ibang members ng local church community sa avatar Jesus.
Read: Filipina in U.S. helps stranger, gets PHP5.8 million in return
Pero kung si Schmid daw ang tatanungin, nagulat siya na nagtiwala ang St. Peter’s Church sa AI at hindi natakot ang simbahan sa posibleng threats nito, tulad ng pagsasabi ng impormasyon o pahayag na taliwas sa simbahan.
Paglilinaw ni Schmid, hindi naman nila inisip na “strange” ang mga sasabihin ng avatar.
“But of course we could never guarantee that he wouldn’t say anything strange,” katuwiran ni Schmid.
Kung siya raw ang tatanungin, mas komportable raw si Schmid na manatiling experiment ang technology na ito na ginamit sa simbahan.
Obserbasyon pa niya, may mga taong curious na makipag-usap kay Jesus, kahit na ito ay AI, at umaasang mabigyan ng sagot ang kanilang mga katanungan.
Ang iba naman, naiintriga lamang kung ano ang pakiramdam na na makipag-interact sa isang A.I.
