PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man dies after being scratched by pet cat

Kalmot sa paa ng amo, umabot sa malaking ugat
by KC Cordero
Published Dec 5, 2024
Dmitry Ukhin with his pet cat Styopka
Sobrang close ng mag-amo kaya nagtataka ang mga imbestigador kung bakit kinalmot ng pusa nang sobrang lalim sa paa ang kanyang owner, na siyang ikinamatay nito. (Photo: Plenonews on IG)

Isang trahedya ang naganap nang dahil lamang sa kalmot ng alagang pusa.

Nag-umpisa ang lahat nang mawala ang pet cat ni Dmitry Ukhin, 55, ng Kirishi District, Leningrad, Russia last November 22, 2024.

Ang kanyang alaga, na tinawag niyang si Styopka, ay sanay magliwaliw sa kanilang neighborhood.

Agad niya itong hinanap, at makalipas ang dalawang araw ay natagpuan niya ito.

Read: Reptile enthusiast tries to keep two-headed turtle alive

Photo of pet owner Dmitry Ukhin and his pet cat Styopka
Sa kabila ng pagiging sobrang close ng mag-amo, inatake si Dmitry Ukhin ni Styopka na kanyang ikinamatay. Photo: Plenonews on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ogie Alcasid, bumalik sa pagiging cat person

May mga nakasaksi pa nang makita ni Dmitry ang kanyang pusa, at iniuwi ito sa kanyang bahay.

CAT OWNER NAMATAY SA SOBRANG PAGDURUGO

Bandang alas onse ng gabi, desperadong kumatok si Dmitry sa pintuan ng kanyang kapitbahay.

Sinabi niyang kinalmot siya ng kanyang pusa sa paa, at napakalakas ng naging pagdurugo.

Read: Crumbs, overweight cat, put on strict diet and exercise regimen

Sinaklolohan si Dmitry ng kanyang kapitbahay, ngunit maging ito ay walang magawa para maampat ang pagdurugo.

Diabetic kasi si Dmitry, at dahil doon ay mayroon siyang blood clotting issues.

Tumawag na ang kapitbahay ng emergency services.

Sa kasamaang palad, nang dumating ang ambulansya ay wala nang buhay si Dmitry.

Read: Vivamax star, cat lover Apple Dy ventures into cat cafe business

UGAT SA PAA NG PET OWNER, NAPUTOL DAHIL SA KALMOT

Sa ulat ng local media na Kosomolskaya Pravda, sinabi ng tagapagsalita ng pulisya na nakatanggap sila ng tawag sa 112 bandang alas-onse ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon dito: “Around 11 p.m., a man called 112 to report that his friend was bleeding from his leg due to a torn vein.

“The doctors who arrived only confirmed the man’s death, which the police received a telephone message about.”

Dagdag pa ng tagapagsalita, “There was definitely no crime there.”

Sinabi naman ng kapitbahay na sumaklolo kay Dmitry na natagalan bago dumating ang ambulansya.

Read: Fur mom had her sick dog euthanized; why is it alive?

DAHILAN NG PAG-ATAKE NG PUSA SA AMO, HINDI PA MADETERMINA

Hanggang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan ng mga awtoridad ang hindi pangkaraniwang pagkamatay ni Dmitry.

Isa sa gusto nilang maresolba ay kung bakit siya inatake ng kanyang alagang pusa—at kung paano nito nagawang kalmutin nang napakalalim ang kanyang legs at maabot ng mga kuko ang malalaki niyang ugat.

Read: Golden retriever pup named Shamrock born with lime green fur

Si Styopka ay isang male ginger tabby cat, at may kalakihan ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa mga nag-oobserba rito, unusual sa isang house cat na puntiryahing kalmutin ang mismong mga ugat sa paa ng amo.

Sinabi rin ng misis ni Dmitry sa mga imbestigador na mabait at harmless si Styopka.

Sobrang close din nito sa amo, kaya hindi lubos na maisip ng biyuda kung bakit gayun na lang ang ginawa nitong pagkalmot kay Dmitry.

Ipinaalala naman ng mga imbestigador na kahit gaano ka-close sa domestic pet, dapat pa ring mag-ingat sa posibleng pag-atake ng mga ito.

Hindi pa alam kung ano ang magiging kapalaran ni Styopka habang hindi pa rin nakukumpirma ng forensic experts ang sanhi ng kamatayan ng amo nito.

Read: Dog poops on live TV broadcast, shocking anchor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sobrang close ng mag-amo kaya nagtataka ang mga imbestigador kung bakit kinalmot ng pusa nang sobrang lalim sa paa ang kanyang owner, na siyang ikinamatay nito. (Photo: Plenonews on IG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results