PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man falls into well; cry for help mistaken as ghost's wail

Tatlong araw siyang trapped sa ilalim ng balon.
by KC Cordero
Published Dec 13, 2024

Chinese man while being rescued
Nahulog ang lalaking Chinese sa isang tuyong balon sa kagubatan ng Thailand-Myanmar border. Wala agad sumaklolo sa kanya dahil inakala ng villagers na panaghoy ng multo sa gubat ang kanyang pagsigaw. (Photos: Screenshot at SCMP)

Nahulog ang isang lalaking Chinese sa abandonadong balon sa isang gubat sa Thailand-Myanmar border.

Ang lalaki ay nakilalang si Liu Chuanyi, 22.

Read: Beauty influencer turns to green chilies as DIY lip plumper

Portion of forest
Ang bahagi ng kagubatan sa Thailand-Myanmar border. Photo: Screen Shot from YouTube

Read: Bride hit by softball 5 days before wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong araw na nasa ilalim ng balon si Liu.

Walang tumulong sa kanya kahit naririnig ng mga villagers ang pagsigaw niya.

Akala kasi nila: ang daing ay mula sa multong naninirahan sa gubat.

Read: Scrabble phenom has PHP11M in total earnings from competitions

VILLAGERS REPORT WAILING INCIDENT TO THE POLICE

Sa ulat ng Universal Daily News ng Thailand, noong November 24, 2024 ay nakatanggap ang local police station sa Mae Sot, Tak province, na malapit sa Thailand-Myanmar border, ng tawag mula sa villagers.

May naririnig umano ang mga ito na kakatwang pag-iyak mula sa kalapit na gubat na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao.

Nagpadala ang mga awtoridad ng team na binubuo ng mga pulis at rescue personnel sa naturang gubat para mag-imbestiga.

Read: TikToker's post about marrying "stepdad" sparks flood of comments

Chinese man being rescued
Natagpuan ng rescuers ang Chinese man na siya palang pinagmumulan ng ingay na parang panaghoy ng multo. Photo: Screenshot at SCMP
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Man dies after being scratched by pet cat

Gumamit sila ng megaphones at hinanap kung saan galing ang panaghoy.

Hanggang sa narinig nila ang sigaw na nagpapasaklolo, at nadiskubre nila si Liu na na-trap sa ilalim ng tuyong balon na may lalim na 12 metro.

Agad nila itong sinaklolohan.

Read: Thesis about body odor criticized; some netizens call it racist

CHINESE GUY SUSTAINS INJURIES

Inabot ng 30 minuto bago naiahon ng mga rescuers si Liu.

Hinang-hina ito.

Fractured ang kaliwang kamay niya at may mga putok din sa ulo at mga galos sa buong katawan.

Matapos lapatan ng pangunang lunas ay agad itong dinala sa ospital.

Read: Suspect hides in ceiling, arrested after falling

Rescuers applying first aid to Chinese man
Maraming pinsala sa katawan ang Chinese guy matapos nitong mahulog sa balon. Photo: Screenshot at SCMP
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Fake Labubu tumblers with high lead content out in the market

Sa pamamagitan ng isang translator, ibinahagi ni Liu sa mga rescuers na tatlong araw na siya sa ilalim ng balon.

Wala siyang pagkain at inumin.

Para hindi maubos ang kanyang lakas, sumisigaw lang siya ng isang beses kada isang oras para humingi ng tulong.

Read: 10-year-old boy calls 911 for help with math homework

Ikinuwento naman ng mga residenteng nakatira malapit sa gubat na nakaririnig sila ng mga kakatwang panaghoy tatlong araw na ang nakalilipas.

Mas malakas umano ang mga pag-iyak lalo na kung gabi.

Hindi nila nauunawaan ang atungal dahil ibang lengguwahe.

Inakala rin ng mga residente na ang paghingi ni Liu ng tulong ay ingay na likha ng multo kaya iniwasan nilang lumabas ng bahay pag gabi.

Wala ring naglakas ng loob na hanapin kung saan nagmumula ang mga pag-iyak.

Hanggang sa may nakaisip na ipagbigay-alam sa pulisya ang kakatwang pag-iyak—na nagresulta sa pagkaka-rescue kay Liu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 'Dead' Indian man regains consciousness before being cremated

WHY THE CHINESE GUY WAS AT THAILAND-MYANMAR BORDER

Ligtas na si Liu sa panganib.

Sa imbestigasyon ng rescue team, lumalabas na namamasyal siya sa gubat nang aksidenteng mahulog sa balon.

Masuwerte pa rin umano ang lalaking Chinese dahil wala nang tubig o kaya ay ahas sa kanyang kinabagsakan.

Read: Naked man found living under 93-year-old woman’s home

Hindi naman malinaw kung ano ang ginagawa ni Liu sa Thailand-Myanmar border.

Patuloy siyang inimbestigahan ng immigration department kung ano ang pakay niya sa area.

Binakuran na rin ng mga awtoridad at nilagyan ng karatula ang lugar para hindi na maulit ang insidente.

Read: Model skips BFF’s wedding as bridesmaid due to unhealthy menu

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nahulog ang lalaking Chinese sa isang tuyong balon sa kagubatan ng Thailand-Myanmar border. Wala agad sumaklolo sa kanya dahil inakala ng villagers na panaghoy ng multo sa gubat ang kanyang pagsigaw. (Photos: Screenshot at SCMP)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results