Isang secret mix of seasonings ang nagpapasarap umano sa lasa ng patties ng Dyer's Burgers, ang sikat na burger joint sa Memphis, Tennessee.
Itinayo ito ni Elmer “Doc” Dyer noong 1912, at sa loob ng mahabang panahon ay walang nakakaalam kung ano ang secret seasonings ng Dyer’s Burgers.
Read: Beauty influencer turns to green chilies as DIY lip plumper

Read: Bride hit by softball 5 days before wedding
Ayon sa kasalukuyang owner nito na si Kendall Robertson, aksidente rin lang kung paano natuklasan iyon ng kanilang founder.
Noong una at nagsisimula pa lang ang Dyer’s Burgers, ordinaryong burger joint lang ang tingin ng mga customers dito.
Isang araw, nakalimutan ng isa sa mga cooks na palitan ang mantika o grease na nasa pan na ginamit na nito noong sinundang araw.
Sa lumang grease na ito nagluto ng patties.
May mga customers na bumili.
Kinabukasan, isang customer ang bumalik at sobrang excited.
Bulalas umano nito: “That’s the best burger I’ve ever had in my life.”
Nagtaka ang mga crew ng burger joint dahil wala naman silang binago sa timpla ng patties.
Nang tikman nila ang isang patty, nalaman nilang kakaiba nga ang linamnam niyon.
Right there and then, na-realize nilang ang nagpalinamnam sa patty ng burger ay ang old grease sa pan na pinaglulutuan.
Read: Man dies after being scratched by pet cat
GREASE NA PINAGLULUTUAN SA BURGER, HINDI PINALITAN SIMULA 1912
Mula noon, hindi na tinanggal ang grease sa pan na pinaglulutuan ng patties sa Dyer’s Burgers.
Sa loob ng isang dekada, lahat ng patties ay sa orihinal na grease niluluto.
Read: Man finds out owner of his favorite bakery is his real mom

Read: Bride devastated when only five guests show up at her wedding
Iyon ang nagpasikat sa burger joint.
Ayon kay Kendall, “It’s the same molecules from 1912, it’s never been changed.
“We strain it through to get any particles out of it and then we season it.”
Read: Sick man on hospital bed taken to bank for identity verification
CUSTOMERS ENJOY SA LASA NG OLD GREASE SA BURGER
Alam na ngayon ng mga customers ng Dyer’s Burgers kung ano ang secret seasonings nito.
Pero sa halip na ma-turn off nang malaman na sa lumang grease niluluto ang patties, mas dumami pa ang nagpa-patronize sa burger joint.
Karamihan sa mga parokyano ay pinalalagyan pa ng grease ang burger para mas malinamnam ito bago ilagay sa buns at samahan ng iba pang sangkap.
Read: Diver finds graduation ring lost for 47 years, returns to owner

Read: Reptile enthusiast tries to keep two-headed turtle alive
Paliwanag naman ni Kendall kung bakit hindi nauubos ang kanilang special grease, “The specially seasoned ground beef always creates extra grease when cooked, which means the amount of century grease increases with each new batch of burgers.”
Ang burger joint ay nakapagbebenta ng 350 hanggang 500 kilos ng ground beef kada linggo.
May nakaimbak din itong 10 buckets ng grease sakaling bumigay ang mga ginagamit nilang pans.
Hindi naman nag-iisa ang Dyer’s Burgers na may ganitong sistema sa pagluluto ng kanilang pagkain.
Ang Otafuku, isa sa oldest noodle restaurants sa Japan, ay nagse-serve ng broth na unang tinimpla at pinakulo noon pang 1945.
