Nagdiwang ng kanyang ika-106 na kaarawan si Florence Hackman noong December 16, 2024.
Mas kilala siya bilang Flo.
Tinatawag din siyang "Fireball Flo" dahil sa pagkahilig niya sa Fireball Whisky.
Bago ang kanyang mismong birthday, nagkaroon ng private party last December 14 para kay Flo sa Traditions of Deerfield sa Loveland, isang assisted living community sa Ohio, USA kung saan siya naninirahan ngayon.
Read: Burger joint still fries patties in same grease since 1912

Read: Professional back-scratchers charge PHP7K per hour
Kahit naman dito na siya nakatira, nanatili siyang active sa kabila ng kanyang edad.
Lagi siyang present sa gabi-gabing happy hour dito kasama ang kanyang mga kaibigan.
Lagi rin siyang kasali sa paglalaro ng Bingo, paggawa ng crafts, at kasama sa panonood ng live music.
Read: Influencer hides death of twin sister from grandparents
HER SECRET TO LONG LIFE
Para kay Flo, ang kanyang sikreto sa pagkakaroon ng mahabang buhay ay ang pagiging laging masaya at positibo.
Malaking tulong din aniya ang paborito niyang whisky.
Pagbabahagi niya sa artikulong nalathala sa local community webpage na Traditions of Deerfield, “I just try to be nice to people and try to go one day at a time—that’s all.
“If you get that one day in, then you can go on to the next one. So that’s what you’ve got to do—one day at a time—think what I’ve got to do today.
"You’ve got to keep moving as long as you can.”
Dagdag pa niya, “Of course, a little Fireball helps too!”
Read: Author who sold only 2 copies of book now a bestseller, how?

Read: Raul Dillo: From basketball to showbiz to longganisa business
At dahil open book sa kanilang community na sobrang paborito ni Flo ang naturang whisky, sa kanyang ika-105 kaarawan noong isang taon ay pinadalhan pa siya ng manufacturer nito, ang Fireball Cinnamon Whisky, ng complimentary bottles and merchandise bilang regalo.
Read: Man falls into well; cry for help mistaken as ghost's wail
SHE’S ALSO A BIG FOOTBALL FAN
Ipinanganak si Flo sa Cincinnati noong December 16, 1918.
Siya ang bunso sa siyam na magkakapatid.
Ikinasal siya kay Joseph Hackman, na pumanaw na noong 2011.
Seventy-one years ang itinagal ng kanilang pagsasama.
Marami na siyang apo, at maging mga apo sa tuhod.
Read: Parrot pulls out boy's milk tooth
Nagtrabaho si Flo sa Union Central Life Insurance Company.
Nang dumami na ang kanilang mga anak ni Joseph, nagdesisyon siyang magpokus sa pagiging homemaker.
Ibinahagi ni Flo na ang kanyang ina ay nabuhay sa loob ng 104 taon—kaya may Fireball Whisky man o wala, sadyang nasa genes niya ang mahabang buhay.
Big fan siya ng football team na Cincinnati Bengals, at isa sa nasa wish list niya ay ang ma-meet in person ang football player na si Chad Johnson.
And you bet—enjoy siyang manood ng football games habang nagsi-sip ng paborito niyang whisky.
Read: Beauty influencer turns to green chilies as DIY lip plumper
