Isang ginang sa Bengalaru, India ang naghain ng demanda laban sa kanyang mister.
Ang ugat ng kaso ay ang pagmamaltrato diumano ng mister sa ginang.
Ayon pa rito, mas mahal ng kanyang mister ang kanilang alagang pusa kumpara sa kanya.
Read: Husband sued after catching wife and lover in bed, why?

Read: Wife dumped by husband after taking care of him for 6 years
Sa ulat ng TimesNow, isang conservative English language news company sa India, last December 13, 2024, naiulat na ang kaso ay inihain ng ginang sa Karnataka High Court.
Hindi na binanggit pa ang pangalan ng ginang at maging ng kanyang mister.
Read: Son buys back dad’s car sold in 1983 for “diaper money”
KASO VS HUSBAND WALANG SPECIFIC ALLEGATIONS OF CRUELTY OR HARASSMENT
Nang pag-aralan ng korte ang isinampang kaso ng ginang, pinagalitan siya ng mga hukom.
Nagsampa raw kasi siya ng isang reklamong wala namang kabuluhan.
Karamihan sa nakasaad sa demanda nito ay pagmamarakulyo na mas maraming oras ang mister sa kanilang pusa kaysa sa kanya.
Read: Job applicant gets rejected for being overqualified

Read: Museum worker throws away artwork mistaken for empty beer cans
Sinabi ni Justice M. Nagaprasanna na walang specific allegations of cruelty or harassment sa complaint.
Nagpokus umano ang ginang sa closeness ng mister sa pusa kaysa sa kanya.
Ang claim pa ng ginang, kapag kinukompronta niya ang mister sa sobrang pag-aalaga nito sa pusa, nauuwi iyon sa bangayan nilang dalawa at pagpapalitan ng mga insulto sa isa’t isa.
Read: VIRAL: Mark Zuckerberg painting nails of daughter
PAGKALMOT NG PUSA SA WIFE, HINDI BINIGYANG TIMBANG NG KORTE
Binanggit ng ginang sa kanyang reklamo na ilang beses siyang inatake at kinalmot ng pusa, pero wala raw ginawa ang kanyang mister.
Hindi binigyan ng timbang ng korte ang kanyang claim.
Paliwanag ni Justice Nagaprasanna, “The complaint is a narration of marriage and living together, but the crux of the allegation is founded upon the squabble regarding a pet cat that is in the house of the husband.
“The allegation is that the husband takes care of the cat more than the wife.”
Halos yun at yun din lang umano ang nilalaman ng reklamo ng ginang.
Read: 1776 Continental coin found in tin can sold for PHP1.8M
IMBESTIGASYON VS HUSBAND, IPINAHINTO NG KORTE
Matapos dinggin ang kakatwang kaso, ipinahinto ng korte ang pag-iimbestiga laban sa mister.
Sa halip, pinagalitan ng huwes ang ginang dahil sa mababaw na reklamo.
Ang mga ganitong klase ng reklamo ay nagpapabagal at nagpaparami ng mga nakabinbin at nakatambak na kaso sa mga hukuman sa India.
“It is such frivolous cases that have clogged the criminal justice system today, and if the investigation is permitted in the case at hand, it would add one more case to the already clogged justice system,” ayon sa huwes.
Read: Burglar breaks into home, hangs laundry, cleans, cooks for owner
Nilinaw rin ni Justice Nagaprasanna na ang akusasyon ng ginang ay hindi tumutugon sa legal threshold para sa IPC 498A, isang seksiyon sa Indian Penal Code na nagpaparusa sa mga husband or mga relatives na nang-aabuso sa mga married women.
Isa lang minor domestic issue at hindi kasong kriminal ang isinandulog ng ginang,
Wala namang update kung magkakasama pa rin sa iisang bubong ngayon ang mag-asawa at ang pet cat.
Read: How housemates with 51-year age gap get along: “We never argue.”
