PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Coolest Iowa tree ever” is 109 years old; has four legs

Still surviving.
by KC Cordero
Published Dec 25, 2024
Photos of the four-legged tree
Kamangha-mangha ang four-legged archway tree sa Cedar Falls, Iowa, na itinanim bilang experiment ng isang farmer noon pang 1915. (Photos: Beauty of Nature Facebook)

Ang four-legged archway tree na matatagpuan sa Cedar Falls ang itinuturing na “coolest Iowa tree ever.”

Naka-post ang larawan nito sa Facebook page na Beauty of Nature, at ini-upload ng moderator na si Hiruni Fernando last December 8, 2024.

Si Tim Olsen, ang may-ari ng bahay at property—na matatagpuan sa 1800 block of Tremont Street sa Cedar Falls—kung saan itinanim ang puno.

Read: Dad suffers heart attack while helping son do math homework

The four-legged tree then
Ang four-legged tree noong hindi pa ito nasasalanta ng bagyo. Photo: Beauty of Nature Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wife sues husband; claims he cares more for pet cat than her

Ayon kay Tim, isang farmer nas nagngangalang John Henning, isang German immigrant—ang pinagkabit-kabit ang apat na linden tree saplings noong 1915—limang taon bago pa itinayo ang bahay ng Olsen family.

Experiment lang ito ni John na malawak ang karanasan sa pagga-graft ng apple trees.

Gusto rin niyang magaya ang archways ng linden trees mula sa Berlin kung saan siya nagmula.

At dahil magkakakabit ang mga katawan ng apat na puno, habang lumalaki ay nagkadikit-dikit sila.

Mula naman sa nabuong archway, umusbong ang isang puno na siyang lumaki kaya nagmistulang may apat na paa ito.

Read: Perfectly round shaped egg sold for PHP14K

FOUR-LEGGED TREE MUNTIK HINUKAY PARA ISALI SA WORLD FAIR

Noong 1933, isasali sana ang four-legged tree sa isang world fair sa Chicago dahil noong time na iyon ay wala pang nakakakita ng ganitong klase ng puno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para maisali, kailangan itong hukayin.

Pero nagdalawang-isip ang mga nagplanong isali sa fair ang four-legged tree, kaya nanatili ito sa dating lokasyon.

Mapapansin naman na ang isang “leg” ng puno ay maliit kumpara sa tatlo pa.

Nang sinisimulan ni John ang project, namatay ang puno na nasa front right, at kinailangan pa niyang mag-graft ng pampalit dito—na bahagyang naiwan ng tatlo sa paglaki.

Read: Perfectly round shaped egg sold for PHP14K

FOUR-LEGGED TREE NASALANTA NG BAGYO

Sa isang artikulong nalathala sa Waterloo-Cedar Falls Courier, isang local publication sa Cedar, noong July 2014, nabanggit na ang four-legged tree ay nagkaroon na ng maraming pagbabago sa kaanyuan.

Noong 2009, kasama ito sa hinagupit ng bagyo, at maraming sanga at dahon ang natanggal.

Read: Burger joint still fries patties in same grease since 1912

The four-legged tree when being cut down
Napinsala ng bagyo noong 2014 ang four-legged tree at kinailangang putulin. Photo: Beauty of Nature Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Professional back-scratchers charge PHP7K per hour

Kuwento ni Tim, dahil sa bagyo ay nabali rin ang kalahati ng puno—at humapay sa kalye.

Napilitan siyang tuluyang putulin iyon para sa kaligtasan ng mga motorista at mga residente sa kanilang lugar.

Ani Tim, “We left the base up to where it wasn't rotted out so they are still tied together in the hopes that that the one living would intact, maybe reproduce and make it look like a tree again.”

Read: Influencer hides death of twin sister from grandparents

FOUR-LEGGED TREE STILL SURVIVING

Ibinahagi naman ni former Cedar Mayor Jon Crews sa naturang artikulo na lumaki siya sa bahay na pag-aari ngayon ni Tim.

Noong bata pa siya, ang tingin niya sa four-legged tree ay isang ordinaryong puno lang, pero kapag naglalaro ay gumagawa siya sa ilalim nito ng forts.

Read: Author who sold only 2 copies of book now a bestseller, how?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
The four-legged tree now
Nananatiling surviving ang four-legged tree makalipas ang mahigit 100 taon. Photo: Beauty of Nature Facebook

Read: Man falls into well; cry for help mistaken as ghost's wail

Aniya, “I know there were people who would occasionally stop by to ask my parents about it.”

Ang dahil naging bukambibig na ng mga tao ang four-legged tree, "When I tell people where I grew up, they always know where I'm talking about."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumanaw na si Jon noong 2017.

Nananatiling “surviving” ang four-legged tree hanggang ngayon, pero hindi na ito kasing-yabong gaya ng dati.

Read: Beauty influencer turns to green chilies as DIY lip plumper

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kamangha-mangha ang four-legged archway tree sa Cedar Falls, Iowa, na itinanim bilang experiment ng isang farmer noon pang 1915. (Photos: Beauty of Nature Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results