Six years ago, isang 24-year-old Chinese man ang nagpalagay ng skull tattoo sa kanyang mukha.
Kinilala siya ng Chinese media sa bansag na Mr. A.
Sa artikulong nalathala sa news website na Morning Star News last December 21, 2024, napag-alamang si Mr. A ay dumaan sa isang rebellious phase of his youth at nakaranas din ng matinding depression.
Read: "Coolest Iowa tree ever” is 109 years old; has four legs

Naging outlet niya ang pagpapalagay ng tattoo sa katawan.
Isang radikal na desisyon din ang ginawa ni Mr. A: ang magpalagay ng skull tattoo sa kanyang mukha noong 2018.
Tampok sa disenyo ang maiitim na butas sa palibot ng kanyang dalawang mata, gayundin sa kanyang ilong at bibig.
Sa ibabaw ng kanyang mga labi ay may tattoo na parang mga ngipin.
Nagpakalbo rin si Mr. A, at sa kanyang ulo ay may disenyo ng pattern ng utak ng tao.
In short, ang naging hitsura ng kanyang mukha ay parang bungo.
Read: Wife sues husband; claims he cares more for pet cat than her
HINDI MAKAHANAP NG TRABAHO, RIDICULED DAHIL SA SKULL TATTOO
At that time, siya ay 18 years old. Masayang-masaya si Mr. A sa skull tattoo niya sa mukha.
Pero makalipas ang ilang taon, naramdaman niyang malaking problema pala ang kanyang naging desisyon. lalo na noong kailangan na niyang maghanap ng trabaho.
Read: Perfectly round shaped egg sold for PHP14K

Read: 106-year-old woman’s secret to long life: Whisky!
Pagbabahagi niya sa artikulo, “The past six years have been very difficult for me and my family.
“I couldn’t find a job.”
Sinubukan niyang maging content creator, pero hindi rin siya nagtagumpay.
“I was often insulted by netizens when doing live broadcasts, and it was very difficult to use Face ID on my phone.
“It was really embarrassing.”
Read: Burger joint still fries patties in same grease since 1912
Nahirapan din si Mr. A na mag-update ng kanyang identification papers dahil sa skull tattoo sa kanyang mukha.
Hindi kasi matukoy nang maayos ng biometric machines ang kanyang facial features.
Nitong October 2024, nagdesisyon na siyang itama ang kanyang naging pagkakamali.
Nakipag-usap siya sa isang tattoo removal studio para unti-unting mabura ang mga tinta sa kanyang katawan.
Bilang panimula, unang binura ang mga tattoo sa isa niyang braso para masanay ang sistema ng kanyang katawan sa sakit na dulot ng laser procedure.
Read: Professional back-scratchers charge PHP7K per hour
PAGPAPATANGGAL NG SKULL TATTOO, MASELAN AT NAPAKASAKIT
Noong una ay kinaya ni Mr. A ang pagtatanggal ng tattoo sa kanyang mga braso.
Pero nang simulan nang burahin ang skull tattoo sa kanyang mukha, kakaibang level of pain ang kanyang naranasan.
Nagpa-interview ang laser removal technician na nag-aasikaso kay Mr. A ,pero hindi na ito nagpabanggit ng pangalan.
Read: Influencer hides death of twin sister from grandparents

Read: Author who sold only 2 copies of book now a bestseller, how?
Ayon dito, sa kanyang sampung taon sa ganitong trabaho, ang procedure na isinasagawa kay Mr. A ang pinakamahirap nitong naging assignment.
Paliwanag nito, “Ordinary tattoos can be roughly removed in three or four sessions.
“But his tattoo is dark in color and covers a wide area, especially the area around the corner of the eye and the tear gland.”
At dahil sensitibo ang area sa palibot ng mga mata ni Mr. A, gumagamit ang technician ng low-intensity laser.
Ayon kay Mr. A, napakasakit pa rin ng proseso, at laging naroon ang malaking panganib na matamaan ang kanyang mga mata.
Read: Man falls into well; cry for help mistaken as ghost's wail
NAGKAROON NG HEART ISSUE DAHIL SA SAKIT NG LASER REMOVAL PROCEDURE
Isang session pa lang ang napagdaraanan ni Mr. A para matanggal ang skull tattoo sa kanyang mukha, at matatagalan bago iyon masundan.
Sanhi kasi ng matinding sakit na naramdaman niya, nagkaroon daw siya ng heart problem. Hindi naman gaanong nagbigay ng detalye tungkol dito.
Read: Parrot pulls out boy's milk tooth
Inaasikaso niya sa ngayon ang pagpapakondisyon sa kanyang katawan at kalusugan dahil aabutin pa ng apat o hanggang limang session bago tuluyang mabura ang lahat ng tinta sa kanyang mukha.
Handa siyang magsakripisyo dahil gusto na niyang manumbalik ang kanyang normal na buhay.
Ipinaalala naman ng laser removal technician sa mga gustong magpa-tattoo na mag-isip nang ilang beses bago magpalagay ng tinta sa katawan.
Kung masakit umano ang magpa-tattoo, makailang beses na mas masakit ang magpatanggal nito—at mas mahal ang service fee.
Mula nang lumaganap sa social media sa China ang pinagdaraanan ngayon ni Mr. A, ang nagkakaisang consensus ng netizens ay totoo ang kasabihang: "Laging nasa huli ang pagsisisi."
Read: Beauty influencer turns to green chilies as DIY lip plumper
