PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fake supermarket on Google Maps attracts thousands of shoppers

Ipinakalat ng Internet trolls na may super sale ang fake supermarket
by KC Cordero
Published Jan 7, 2025
The area pinned on Google Maps
Nadismaya ang libu-libong shoppers nang matuklasang wala naman talagang supermarket na may super sale sa lugar sa Wales na naka-pin sa Google Maps. (Photos courtesy of Wales Online)

Nagulat na lang ang mga residente ng Cyffylliog, isang tahimik na village sa Denbighshire, Wales, nang dumagsa ang mga shoppers sa kanilang lugar noong huling linggo ng December 2024.

Nag-viral kasi sa iba’t ibang social media platforms na may super sale sa branch ng Aldi supermarket doon.

Read: Landlord removes doors, windows after tenant fails to pay rent

The Aldi supermarket
Ang tipikal na facade ng Aldi supermarket. Photo: Oddity Central
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pablo Escobar's former private jet now for rent on Airbnb

Ang siste, wala naman talagang sangay ang naturang supermarket sa lugar.

Idinagdag lang pala ng Internet trolls sa Google Maps ang store sa Cyffylliog bilang prank.

Ang Aldi ay isang German multinational family-owned discount supermarket chain na nag-o-operate sa 18 bansa.

Mayroon itong mahigit 12,000 stores.

Read: Japanese company launches bag of popcorn as cushioning material

SHOPPERS NABIGONG MAKITA ANG SUPERMARKET

Nang unang mapabalita ang tungkol sa malawakang sale, na-shock ang mga naninirahan sa Cyffylliog sa biglang bugso ng libu-libong shoppers sa kanilang lugar—at hinahanap kung nasaan ang Aldi supermarket doon.

Read: Dad forces son to break up with girlfriend; marries her himself

The area where the supermarket is pinned on Google Maps
Puro damo lang ang matatagpuan sa lugar na naka-pin sa Google Maps. Photo: Wales Online
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Baguio City teen saves heart-attack victim through CPR

Batay sa pin sa Google Maps, humantong ang mga shoppers sa isang madamong kaparangan.

Milya-milya ang layo nito sa totoong checkout lane ng supermarket.

Isang truck naman na magde-deliver sana ng gatas sa non-existent supermarket ang hindi na makaalis sa masikip at maputik na daan dahil lumubog ang mga gulong nito.

Read: Man accidentally drops iPhone in donor box; temple not returning

DELIVERIES DUMAGSA RIN

Ayon sa mga residente, bukod sa mga shoppers ay marami ring vans ang dumating para mag-deliver ng groceries—pero wala namang tindahan.

Kumakatok din umano ang mga shoppers sa kanilang mga pintuan para magtanong kung saan matatagpuan ang Aldi.

May isang lalaki rin ang nagsabing unang araw nito sa trabaho sa store bilang tagalagay ng tinapay sa shelves.

Read: Couple marries in 1951, divorces in 1975, remarries in 2024

RESIDENTS NG VILLAGE, HINDI NATUWA SA PRANK

Ang non-existent Aldi supermarket sa Cyffylliog ay naging mitsa para makabuo ang ilang netizens ng nakatatawang memes na lumaganap sa Internet.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang dito ang larawan ng mga shoppers na may hawak na shopping baskets habang nakatingin sa signboard na may nakasulat na: “Welcome to Cyffylliog. No Aldi here. Try Denbigh.”

Isa pang meme ang nagpapakita na may mga turistang naghuhukay para maghanap ng “Aldi treasure.”

Read: Man regrets skull tattoo on his face; struggles to find job

Pero hindi natatawa ang mga residente.

Mas naawa sila sa mga shoppers na anila ay nasira ang araw at ang paghahanda para sa Kapaskuhan dahil lang sa panloloko ng mga Internet trolls.

Okey lang umano kung ang dumagsang mga tao ay naroroon para mamasyal.

Pero kung ang purpose ng mga ito ay mag-shopping sa isang supermarket na hindi naman nag-e-exist, talagang may mali na sa takbo ng mundo ngayon.

Read: Influencer plans to spend PHP1M to be “virgin again”

PIN NG FAKE SUPERMARKET SA GOOGLE MAPS, NAALIS NA

Sinikap ng mga residente na maipaalis ang pin ng supermarket sa Google Maps.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumulong sa kanila ang pamunuan ng Aldi.

Kinumpirma rin ng tagapagsalita ng supermarket na walang plano ang kumpanya na magtayo ng branch sa Cyffylliog.

Nakikipag-ugnayan na rin ito sa Google para matanggal ang listing sa Maps.

Read: "Coolest Iowa tree ever” is 109 years old; has four legs

Google Maps showing the fake Aldi supermarket
Ang screenshot ng pin ng fake supermarket sa Google Maps.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dad suffers heart attack while helping son do math homework

Ayon sa tagapagsalita ng supermarket, batay sa kuwento ng mga residente ay kung siningil ang bawat shopper na dumagsa ng tig-one pound o PHP72.75, baka nakapagpatayo na roon ng totoong Aldi branch dahil sa dami ng nagbaka-sakaling mag-shopping sa village.

Ang Google Maps ay napatunayang malaki ang naitutulong sa pagresolba sa iba’t ibang krimen at sa pagtugis sa mga kriminal.

Gayunpaman, ang insidente tungkol sa non-existent Aldi supermarket sa Cyffylliog ay nagpapakita rin na ang platform ay madaling imanipula sa iba’t ibang paraan hanggang sa kasalukuyan.

Ang “add a missing place” feature ng Google Maps ay napaka-useful kung gagamitin nang tama.

Pero kapag inabuso ng pranksters, nagdudulot ito ng kaguluhan gaya ng nangyari sa Cyffylliog.

Sa ulat ng Wales Online last January 4, 2025, naalis na ang pin ng fake Aldi supermarket sa Google Maps.

Read: Wife sues husband; claims he cares more for pet cat than her

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadismaya ang libu-libong shoppers nang matuklasang wala naman talagang supermarket na may super sale sa lugar sa Wales na naka-pin sa Google Maps. (Photos courtesy of Wales Online)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results