PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man finds Christmas gift he was supposed to receive in 1978

How come he got it 46 years later?
by KC Cordero
Published Jan 9, 2025
The lost Christmas gift
Nahulog pala sa dingding ang Christmas gift kaya hindi na ito naibigay kay Tim King noong 1978, kung kailan six years old pa lang siya. Nakita lang niya ito nang mag-renovate siya ng house ng kanyang parents. (Photo: @tking_cs on IG)

Isang bagay ang nakita ni Tim King sa banyo ng bahay ng kanyang mga magulang habang siya ay nagre-renovate.

Fifty-three years old si Tim, at residente ng Lombard, Illinois.

Pag-aari niya ang isang construction services.

Read: Actor gets fired as beer endorser after getting drunk

Tim King opening the gift
Ang screenshot ng Instagram post ni Tim King tungkol sa nakita niyang lumang Christmas gift. Photo: @tking_cs on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: TikToker mom’s 2 babies earning millions as child models

Sa ibinahaging video ni Tim sa Instagram last December 27, 2024, sinabi niyang may medicine cabinet sa banyo na tinanggal niya at ang kanyang workers bago nila iyon i-drywall.

Naisipan niyang tingnang mabuti ang pagitan ng dingding para masiguro na walang anumang nahulog doon.

Gayun na lang ang gulat niya nung mayroon nga siyang makita.

Read: Fake supermarket on Google Maps attracts thousands of shoppers

CHRISTMAS GIFT NA DAPAT NATANGGAP NOONG 1978 PA

Ang natagpuan ni Tim sa dingding ay isang nakabalot na Christmas gift.

Lumang-luma na ang ginamit na Disney-themed wrapping paper.

Para sa kanya ang regalo—na dapat ay natanggap at nabuksan niya noong Pasko ng 1978.

Read: Landlord removes doors, windows after tenant fails to pay rent

The old wrapping paper
Nakasulat ang pangalan ni Tim King sa Christmas gift na dapat sana ay natanggap niya noong 1978. Photo: @tking_cs on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pablo Escobar's former private jet now for rent on Airbnb

Ani Tim, mahilig magtago ng mga regalo ang kanyang parents sa kanilang attic.

Posible aniyang nahulog iyon sa crawlspace nang walang nakapansin.

Ang video ay nilagyan ni Tim ng overlay text na “#christmasmiracle” at anim na tumatawang emojis.

Read: Japanese company launches bag of popcorn as cushioning material

LAMAN NG CHRISTMAS GIFT, MAITUTURING NA VINTAGE NA NGAYON

Bago ini-upload ni Tim sa Instagram ang video ay binuksan muna niya ang Christmas gift sa harap ng kanyang parents.

Tumambad sa kanila ang nakakahon na Matchbox toy airplanes.

Read: Dad forces son to break up with girlfriend; marries her himself

Tim King holding the gift
Ang laman ng 1978 Christmas gift para kay Tim King. Photo: @tking_cs on IG
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Baguio City teen saves heart-attack victim through CPR

Maituturing nang vintage ang naturang laruan ngayon.

Hindi naman matandaan ng kanyang ina kung ito ang bumili noon ng laruan na ireregalo sana sa kanya.

46 YEARS BAGO NATANGGAP ANG CHRISTMAS GIFT

Pagbabahagi ni Tim, mayroon siyang isang kapatid na babae.

Noong mga bata pa sila, may patakaran aniya ang kanyang ina na kailangang magkapareho silang magkapatid ng dami ng matatanggap na regalo.

Binibiro umano niya ang kanyang kapatid ngayon na nadaya siya nito ng isang regalo sa loob ng 46 years.

Ayon kay Tim, six years old siya noong 1978, kung kailan hindi niya natanggap ang isa sana sa Christmas gifts para sa kanya.

“So that was pretty awesome,” bulalas niya ngayong napasakamay na niya ang regalo.

Read: Couple marries in 1951, divorces in 1975, remarries in 2024

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nahulog pala sa dingding ang Christmas gift kaya hindi na ito naibigay kay Tim King noong 1978, kung kailan six years old pa lang siya. Nakita lang niya ito nang mag-renovate siya ng house ng kanyang parents. (Photo: @tking_cs on IG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results