Isang young woman sa Australia ang humiling sa Family Court na ipawalang bisa ang kanyang marriage.
Hindi na pinangalanan ang babae na nasa kanyang mid-20s.
Ang claim niya, nagoyo lang siya ng kanyang husband kaya siya nagpakasal dito.
Read: Meet Ash Xu: TV commercial director at 22

Read: Retiree turns hunting for extinct apple varieties into hobby
Sabi umano sa kanya ng husband, kunwari lang ang kanilang magiging kasal. Ito raw ay para mas dumami ang Instagram followers ng lalaking hindi na binanggit ang pangalan, at nasa kanyang late 30s.
Ang insidente ay iniulat ng New Zealand news website na 1News, last January 10, 2025.
Read: BF recreates The Wedding Singer proposal scene for GF
YOUNG WOMAN, NIYAYA NG HUSBAND SA ISANG “WHITE PARTY” AT PINAAKTONG BRIDE
Sa salaysay ng babae sa huwes na humawak ng kanyang kaso, nakilala niya ang kanyang naging husband sa isang dating app noong September 2023.
Mula noon, regular na silang nagkikita sa Melbourne.
Noong December 2023, niyaya siya ng lalaki sa anito ay isang “white party” na gaganapin sa Sydney.
Sinabi ng lalaki sa kanya na magdala siya ng white dress para akma sa theme ng event.
Read: 100-year-old woman thrives alone; still working as cashier

Read: Woman owns 50 classic cars; buys them for enjoyment, not investment
Pumayag naman ang young woman.
Nang dumating siya sa party venue, nagulat at nagalit siya nang makitang walang ibang tao roon kundi sila lang ng lalaki.
May kasama ritong photographer, isa pa na kaibigan umano ng photographer, at isang marriage officiant.
Hinila ang young woman ng lalaki sa isang tabi at ipinaliwanag sa kanyang nagplano ito ng “fake wedding” para mapataas ang social media followers nito.
Sinabi ng lalaki sa kanya na magkukunwari lang siyang bride.
Read: Man finds Christmas gift he was supposed to receive in 1978
“PRANK WEDDING” PARA DUMAMI ANG FOLLOWERS NG GUY SA INSTAGRAM
Bahagi ng salaysay ng young woman sa korte: “So, when I got there, and I didn’t see anybody in white, I asked him, ‘What’s happening?’
“And he pulled me aside, and he told me that he’s organizing a prank wedding for his social media, to be precise, Instagram, because he wants to boost his content, and wants to start monetizing his Instagram page.”
Sa kabila ng mga paliwanag ng lalaki, may pagdududa pa rin ang young woman.
Read: Actor gets fired as beer endorser after getting drunk
Tinawagan niya sa telepono ang kanyang mga kaibigan at nagtanong sa mga ito kung may risk ba na maging totoo ang kasal kung magpapanggap lang naman siyang bride.
Ayon sa young woman, pinagtawanan siya ng kanyang mga kaibigan at sinabing okey lang naman.
Sabi umano ng mga kaibigan niya, kung talagang totoo ang kasal, dapat ay mag-file muna siya at ang kanyang mapapangasawa ng notice of intended marriage.
At dahil wala naman siyang nilagdaang dokumento, pumayag ang young woman na matuloy ang prank wedding.
Read: TikToker mom’s 2 babies earning millions as child models
YOUNG WOMAN UMARTE NANG TODO SA VIDEO PARA MAGMUKHANG TOTOO ANG WEDDING
Sa video na ipinapanood sa korte, makikita ang young woman na umaakto bilang bride.
Nakipagpalitan siya ng wedding vows sa lalaki.
Nang matapos ang wedding ceremony, nag-kiss pa sila ng lalaki sa harap ng camera.
Inamin ng young woman na ginawa niya ang kanyang makakaya para umarte at magmukhang totoo ang kasal sa paningin ng IG followers ng lalaki.
Wala umano sa hinagap niya na totoo ang naganap na wedding, at isa siyang real bride.
Read: Fake supermarket on Google Maps attracts thousands of shoppers
YOUNG WOMAN NA-SHOCK NANG MALAMANG TOTOO ANG WEDDING AT HINDI PRANK
Dalawang buwan makalipas ang prank wedding pero “staged wedding” pala, sinabi sa kanya ng lalaki na idagdag siya bilang dependent sa application ng babae for permanent residency sa Australia.
Sabi umano ng lalaki, makatutulong ito sa kanya para mabigyan ng permanent residency.
Pareho kasi silang dayuhan sa Australia.
Read: Landlord removes doors, windows after tenant fails to pay rent
Sinabi ng young woman sa lalaki na hindi niya ito puwedeng ilagay na dependent dahil hindi naman sila kasal.
Noon na niya natuklasan na ang prank wedding niya sa lalaki ay totoo.
Nalaman din ng young woman na nag-file ang lalaki ng notice of intended marriage para mapakasalan siya.
Isang buwan pala bago sila nagpunta sa Sydney, pineke ng lalaki ang lagda ng young woman sa notice of intended marriage.
Salaysay pa ng young woman sa huwes sa Family Court na duminig sa kaso: “I’m furious with the fact that I didn’t know that that was a real marriage, and the fact that he also lied from the beginning, and the fact that he also wanted me to add him in my application.”
Read: Pablo Escobar's former private jet now for rent on Airbnb
LALAKI MAY SARILING VERSION NG ISTORYA
Kinontra naman ng lalaki ang mga naging pahayag ng young woman sa korte.
Ayon dito, nag-propose ito sa babae isang araw bago ang kanilang wedding.
Pumayag umano ang young woman na pakasalan ang lalaki sa isang intimate ceremony sa Sydney.
Dagdag pa nito, nakisama na sa lalaki ang young woman matapos nilang magkakilala.
Pero batay sa mga ebidensyang inihain ng magkabilang kampo sa korte, lumalabas na magkaiba ng tirahan ang dalawa.
Read: Japanese company launches bag of popcorn as cushioning material
Maraming bagay rin na hindi sumusuporta sa version ng lalaki.
Kuwestyunable para sa korte kung bakit ang wedding ay sa Sydney ginanap sa halip na sa Melbourne kung saan sila parehong nakatira.
Tanong pa ng korte, bakit wala ni isa sa kanilang mga kapamilya at kaibigan ang present sa wedding gayung isa iyong napakahalagang okasyon para sa kanilang dalawa?
"To most people, marriage is one of the most significant events in his or her life and the details associated with the marriage with its long-term consequences are of critical importance."
Read: Dad forces son to break up with girlfriend; marries her himself
ANG HATOL NG KORTE
Matapos ang mga pagdinig, noong October 2024 ay ibinaba na ng Melbourne Family Court ang desisyon.
Ayon sa huwes na humawak sa kaso: “She [young woman] believed she was acting.
“She called the event ‘a prank.’
“It made perfect sense for her to adopt the persona of a bride in all things at the impugned ceremony so as to enhance the credibility of the video depicting a legally valid marriage.”
Dagdag pa ng huwes, "It is more probable than not that the applicant believed she was acting in a social media event on the day of the alleged ceremony, rather than freely participating at a legally sanctioned wedding ceremony."
Pumanig ang korte sa young woman.
Idineklara rin ng korte na ang marriage sa pagitan ng young woman at ng lalaki ay annulled.
Read: Couple marries in 1951, divorces in 1975, remarries in 2024
