PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet King Kong: World's tallest living water buffalo

Gigantic but playful like a puppy
by KC Cordero
Published Feb 16, 2025
King Kong with other buffalos
Ang water buffalo na si King Kong mula sa Thailand ang kauna-unahang kinilalang world’s tallest living water buffalo. Sa kabila ng kanyang size, isang gentle giant si King Kong. (Photo: GWR)

Ang male water buffalo na si King Kong ang itinuturing ngayon na “world’s tallest living water buffalo.”

Opisyal itong inihayag ng ng Guinness World Records (GWR) sa official website nito last February 10, 2025.

Matatagpuan si King Kong sa Ninlanee Farm sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Read: Russian mayor loses reelection bid to his personal driver’s wife

King Kong with his owners
Kakaiba ang taas at laki ni King Kong kumpara sa ibang water buffalos. Photo: GWR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: CHECK THIS OUT: World’s longest car The American Dream

May sukat siyang 185 centimeters o 6 feet ang 0.8 inch mula sa kanyang hoof hanggang sa kanyang withers.

Mataas siya ng mahigit 50 centimeters o 1.64 feet kumpara sa mga karaniwang water buffalos.

Read: Influencer films herself vandalizing public transport station

KING KONG IS NOTICEABLY BIG WHEN HE WAS BORN

Pero gentle giant si King Kong.

Mahilig siyang maglunoy sa pond.

Nakikipaglaro rin siya sa mga taong lumalapit at humahaplos sa kanya—lalo na kung susubuan siya ng saging na paborito niyang kainin.

Read: CHECK THIS OUT: Renter's small bathroom in New York City

King Kong being fed with bananas
Pinapakain si King Kong ng kanyang owner na si Suchart Booncharoen ng hinog na saging. Photo: GWR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: “Unstealable” car stolen 60 hours after purchase

Ipinanganak si King Kong noong April 1, 2021.

Agad napansin ng owner na si Suchart Booncharoen na kumpara sa ibang water buffalo, may kalakihan ang bagong alaga.

Iyon ang dahilan kaya siya pinangalanang King Kong—na mula naman sa bida sa Hollywood movie tungkol sa isang higanteng gorilla.

Sa panayam ng GWR kay Cherpatt Wutti, isa sa mga trabahador sa farm kung saan nakatira si King Kong, sinabi niyang: “We began to realize that his height was very high from when he was born, compared to other water buffalo.

“It was clear from early on that his height was extraordinary.”

Read: Zoo paints Chow Chow to look like tiger

KING KONG IS PLAYFUL LIKE A PUP

Sa ngayon ay tatlong taon na si King Kong.

Ayon kay Cherpatt, “Despite his young age, he’s still very massive.”

Ikinukumpara rin ni Cherpatt si King Kong sa isang malikot na tuta.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“He is very obedient. He loves to play around; he loves to be scratched and run around with people.

“He is really friendly and it’s like having a big, powerful puppy on the farm.”

Read: Influencer asks men to wear “Adam’s apple bra”

King Kong with Cherpatt Wutti
Tuwang-tuwa ang farm worker na si Cherpatt Wutti kay King Kong. Photo: GWR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: CHECK THIS OUT: Puchicalator, world’s shortest escalator

Sa ngayon ay kapiling pa rin ni King Kong sa farm ang kanyang parents.

Inaalagaan sila roon kasama ang iba pang water buffalos at mga kabayo.

Sa simula, mga kabayo lang ang inaalagaan sa farm.

Pero sa ngayon ay naka-focus ang negosyo sa pag-aalaga ng water buffalos.

Naging sikat ang farm dahil kay King Kong.

Ang water buffalos ay may malaking importansiya sa kultura at kasaysayan ng Thailand.

Mahalagang bahagi sila sa agrikultura at transportasyon ng naturang bansa sa loob ng mahabang panahon.

Read: Filipino student’s invention, finalist in T.H.E. Awards Asia 2025

A PEEP INTO KING KONG’S CHARMED LIFE

Ang bawat araw ni King Kong ay nagsisimula bandang alas sais ng umaga.

Dinadala siya sa pastulan at binibigyan ng kalayaan na maglaro at maglunoy sa pond.

Matapos iyon ay paliliguan siya para matanggal ang putik sa katawan.

Kapag malinis na, bibigyan naman siya ng almusal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinahayaan lang siyang gawin ang gusto niya hanggang alas singko y media ng hapon.

Muli siyang paliliguan, pakakainin ng hapunan, at hahayaan nang matulog.

Read: Man locks head in cage to quit smoking

King Kong being measured
Si King Kong habang sinusukat ng mga taga-Guinness World Records, at habang pinapaliguan. Photo: GWR

Read: Mother dog brings unconscious sick pup to vet clinic

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang diet—35 kilos ng pagkaing para sa water buffalo.

Pinapayagan din siyang kumain ng damo, mais, at banana fruits.

Read: Woman runs full marathon daily in 2024; sets new world record

King Kong being fed
Si King Kong habang kumakain. Photo: GWR

Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Cherpatt, “For me, I love everything that makes King Kong be King Kong – he is extraordinary.

“His size, his personality.

“Everyone loves him.”

Masaya at proud si Cherpatt na si King Kong ang pinakaunang water buffalo na nakakuha ng record.

“It’s something I never could have imagined before.

“I’m very proud to be here in this moment because it’s really special.”

Read: Meet Ash Xu: TV commercial director at 22

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang water buffalo na si King Kong mula sa Thailand ang kauna-unahang kinilalang world’s tallest living water buffalo. Sa kabila ng kanyang size, isang gentle giant si King Kong. (Photo: GWR)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results