Isang TikToker na nagngangalang Kate ang bumili ng isang dosenang itlog sa American store chain na Trader Joe’s.
Sa isang branch sa Pasadena siya bumili.
In-upload ang video gamit ang handle name niyang @thecaliforniahome noong February 10, 2025.

Sadyang binili niya ang isang dosenang fertilized eggs para i-hatch sa incubator.
Makalipas ang tatlong linggo, nagsimulang gumalaw ang isang sisiw.
Ang ibang itlog naman ay unti-unti nang nabibiyak, at kita rin sa video ang lamang sisiw sa loob.
Sa 12 eggs, walong sisiw ang naka-survive.
Read: Scientists reveal how to cook perfectly boiled eggs
EGGS HATCHED THRU INCUBATION
Masayang sambit ng TikToker sa video, “No egg shortage here!”
May pahiwatig siyang aalagaan niya ang mga sisiw.

Last February 15, may panibago siyang video at ipinakita ang isang sisiw mula sa mga napisang itlog na mukhang masigla at malusog.
Read: What is lavashak and how did it become a global trend?
NETIZENS SHOCKED BY FERTILIZED EGG BEING SOLD AT THE GROCERY
Ilan sa mga nakapanood sa video ni Kate ang hindi natuwa sa content, sa halip, may mga naalarma.
Komento ng isa: “Why are they selling fertilized eggs?
“I’ve been eating these all week.”
Sambit naman ng isa pa: “Stop!
"I’m literally never going to eat eggs again!”
Read: "Balutin mo!": Etiquette for Sharonians, a.k.a. nagbabalot sa handaan
FERTILIZED VS UNFERTILIZED EGG
Paano malalamang ang egg ay fertilized?
Kapag itinapat ito sa ilaw—ang proseso na tinatawag na candling—ay makikita ang malaking "bullseye" appearance sa yolk na tinatawag ding germ spot.

Ang isang fertilized egg ay maaaring manatili sa “state of suspended development” hanggang ma-incubate ito under specific temperature and humidity conditions for 21 days.
Ganito ang ginawa ng TikToker kaya na-hatch nang maayos ang mga itlog—though hindi lahat—na binili niya sa grocery.
Mas malaki ang germ spot sa yolk ng fertilized egg (L) kesa sa unfertilized egg. Photo: Screenshot at Strong AnimalsSamantala, ang unfertilized egg—o commercial egg—ay nabubuo sa pamamagitan ng overfeeding ng inahing manok sa pamamagitan ng commercial feeds.
Itlog ito ng mga manok na kulay white na inaalagaan sa mga poultry.
Translucent din kapag itinapat sa ilaw, at mayroon lang maliit na white spot sa yolk.
Hindi ito mapipisa kahit ilagay sa incubator.
Read: Pinoy pancit canton brand makes it to New York Times' Best Instant Noodles 2025
FERTILIZED EGGS ARE SAFE TO EAT
Bagamat may mga netizens na na-shock dahil puwede palang maging sisiw ang mga fertilized eggs na nabibili sa grocery store, ipinaliwanag ng vendor and educational site na Backyard Chicken Coops na ligtas itong kainin.
Ayon sa site: “There are no adverse effects from eating a fertilized egg, nor is there any taste difference.
“You can prepare and serve fertilized eggs just as you would unfertilized ones.”
Hindi raw dapat matakot ang consumers na baka makakita sila ng sisiw sa kanilang omelet.
Wala ring masyadong pagkakaiba sa lasa.
Read: Pinoys puzzled by "Filipino healing broth" featured in Netflix series
Paliwanag pa ng site: “Even if an egg is successfully fertilized, it’s refrigerated right away, and the incubation process is halted.
“The only way you could theoretically end up with a homegrown batch of chickens is by carefully incubating them at around 100°F.”
Sa Pilipinas, hindi issue ang pagkain ng fertilized egg.
Hindi ba't paborito nating kumain ng balut na may sisiw sa loob?
Samantala, ikinatuwa naman ni Kate na kahit maraming na-off sa kanyang video, marami ring naging interesadong mag-hatch ng itlog at mag-alaga ng manok sa kani-kanilang bakuran, batay sa kanyang update last February 16.
Makikita rin ang mga sisiw habang binabantayan ng kanyang anak na lalaki.
Ang kanyang video ay nakakuha na ng 4.9 million views.
Read: Esperanza’s Hapag Kainan: Ancestral house turned into a restaurant
