PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

86-year-old man has 16 wives, 104 children

He calls his big family a “working system.”
by KC Cordero
Published Mar 3, 2025
Mzee Ernesto Muinuchi Kapinga and his big family
Sa 16 na misis ni Mzee Ernesto Muinuchi Kapinga, pito rito ay magkakapatid. Maayos ang kanilang relasyon sa isa’t isa dahil sa sistemang pinaiiral ni Mzee. (Photo: Afrimax)

Sa isang maliit na village sa Njombe, Tanzania, naninirahan ang 86-year-old na si Mzee Ernesto Muinuchi Kapinga.

Ang kanyang pamilya ay nagpa-function na parang isang maliit na munisipalidad.

Photo of Mzee Ernesto Muinuchi Kapinga
Ang larawan ni Mzee Ernesto Muinuchi Kapinga. Nasa likod niya ang kanyang mga anak. Photo: Afrimax

Mayroon siyang 16 na asawa, 104 na anak, at 144 na apo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa dami ng miyembro ng pamilya ni Mzee, para silang aktibong komunidad na bawat isa ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan.

Read: Meet Manoel and Maria Dino: Couple married for 84 years

REASON WHY THE 86-YEAR-OLD MAN HAS MULTIPLE WIVES

Unang nagkaroon ng asawa si Mzee noong 1961.

Matapos magpakasal, nagkaroon sila ng anak makalipas ang isang taon.

Ang ama ni Mzee ang humikayat sa kanya na magdagdag ng asawa.

Nag-offer pa ito na siya ang magbabayad ng dowries kapag may bago siyang pakakasalan.

Maliit kasi ang kanilang angkan, at gusto ng kanyang ama na dumami ang kanilang lahi.

Nakumbinsi naman nito si Mzee.

The community
Noong kabataan ni Mzee Ernesto Muinuchi Kapinga ay umabot sa 20 ang kanyang asawa. Photos: Oddity Central
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay sa Law of Marriage Act ng Tanzania, pinapayagan ang monogamous and polygamous marriages.

During his prime, nagkaroon si Mzee ng 20 wives.

Ilan sa mga ito ay pumanaw na.

Sa kasalukuyan, 16 ang kanyang maybahay.

Pito sa mga ito ay magkakapatid.

Mas pinili ng magkakapatid na pakasalan si Mzee dahil may reputasyon siya bilang respetado at responsableng padre de pamilya.

Read: Dumpster-diving couple saves PHP637K on food in one year

NOT JUST A HOME BUT A SYSTEM

Sa panayam kay Mzee ng news website na The Neutral last February 27, 2025, sinabi niyang walang selosan sa pagitan ng kanyang mga misis.

May kanya-kanyang bahay ang mga ito sa village na may sariling kusina.

Hati-hati rin ang responsibilidad sa bawat miyembro.

Ani Mzee, “This is not just a home; it is a system, and it works.”

Sama-sama silang nagsasaka,

Magkakasalo rin sila sa pagkain.

Kapag may isyu, nireresolba nila iyon sa pamamagitan ng pag-uusap nang harap-harapan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Boy calls police after his father “robs” his ampao

THE 86-YEAR-OLD MAN IN THE EYES OF HIS WIVES

Isinasalawan si Mzee ng kanyang mga misis bilang isang patas na tao at maunawaing mister.

Nakikinig daw siya sa saloobin at opinyon ng mga ito.

Hindi rin siya nagdidikta kung ano ang kanilang dapat gawin.

Kung may gusot sa pagitan ng mga maybahay, sila-sila ang umaareglo niyon.

Kung minsan naman ay sinasabi nila iyon kay Mzee para makahingi ng payo.

Read: Meet King Kong: World's tallest living water buffalo

HOW THE 86-YEAR-OLD MAN SUPPORTS HIS FAMILIES

Mahirap at very challenging ang magsustento sa isang pamilya na daan-daan ang mga miyembro.

Pero very self-sufficient ang household ni Mzee.

Para mayroon silang pagkain, nagtatanim sila ng mais, beans, kamote, at saging.

Nag-aalaga rin sila ng iba’t ibang hayop.

Lahat ito ay ibinebenta nila; ang iba ay ipinapalit nila ng ibang produkto.

Read: Couple proves mushroom farming is viable business

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

86-YEAR-OLD MAN GIVES THE CREDIT TO HIS WIVES

Aminado si Mzee na may mga pagkakataong nakakalimutan niya ang pangalan ng ilan sa kanyang mga anak at apo.

Apatnapu sa kanyang mga anak ang namatay na dahil sa sakit o aksidente.

Mzee Ernesto Muinuchi Kapinga looking at his family
Para kay Mzee Ernesto Muinuchi Kapinga, bukod sa kanilang sistema, maayos ang kanilang relasyon dahil na rin sa kanyang mga misis. Photo: Pulse Ghana
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng kanyang edad, nananatiling nakasubaybay si Mzee sa kanyang mga pamilya.

Malaki rin ang pasalamat niya sa kanyang mga maybahay.

Pagtatapat niya tungkol sa maayos nilang sistema: “This family runs because of the women.

“I am only here to guide them.”

Read: Russian mayor loses reelection bid to his personal driver’s wife

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa 16 na misis ni Mzee Ernesto Muinuchi Kapinga, pito rito ay magkakapatid. Maayos ang kanilang relasyon sa isa’t isa dahil sa sistemang pinaiiral ni Mzee. (Photo: Afrimax)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results