PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Banana plants flourish in unrepaired pothole

What an unexpected urban garden!
by KC Cordero
Published Apr 1, 2025
The banana trees in the street
Patuloy na dumarami at namumunga ngayon ang saging na tumubo sa malaking uka sa kalye na hindi na inayos ng local authorities sa Havana, Cuba. (Photo: Screenshot at Inside Edition YouTube)

Nagkaroon ng butas ang linya ng tubig sa isang kalye sa El Cerro, Havana, Cuba tatlong taon na ang nakararaan.

Lumikha iyon ng malaking uka sa kalye.

Ayon sa ulat ng news website na CiberCuba last February 2, 2024, napabayaan ng local authorities na ayusin ang malaking hukay sa kalye na sanhi ng water leak.

The pothole
Ang uka sa kalye na likha ng water leak. Photo: Screenshot at Inside Edition YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Cuba ay may infrastructure crisis.

Seventy percent ng mga kalye rito ay na nasa “regular” o “poor” condition.

Ngunit may mga kalye na talagang hindi maayos ang sitwasyon at hindi maituturing na functional.

The Facebook post about the banana trees
Ang Facebook post tungkol sa mga banana plants na itinanim sa dating uka ng kalye. Photo: Yulier Rodriguez Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong January 2025, nagsimulang mag-viral sa social media sa Cuba ang mga larawan ng sirang kalye sa El Cerro matapos mai-post ng Facebook user na si Yulier Rodriguez.

Hindi na kita ang malaking hukay.

Sa halip, may mga nakatanim na roon na mga saging, na kabilang sa mga herbaceous plants kaya hindi ito matatawag na trees.

Read: Why mussels have hair-like fiber

POTHOLE BECOMES AN URBAN GARDEN FOR BANANAS

Batay sa mga datos na nakuha ng news website, naging maliit na banana garden ang dating malaking uka sa kalye.

Napag-alamang tinabunan naman ng local authorities ang malaking uka—pero hindi na tinapalang muli ng aspalto.

The small banana plantation at different angle
Hindi na inayos ng local authorities ang uka sa kalye kaya may nakaisip na taniman iyon ng banana tree. Photo: Screenshot at Inside Edition YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi natukoy kung sino ang nagtanim ng saging, pero nagtulung-tulong ang magkakapitbahay para alagaan iyon at diligan.

Dumami na rin ang mga saging, at ang iba ay namumunga na.

Read: AMAZING! This 19-foot bridge connects Spain and Portugal

RESIDENTS STILL WANT THE STREET TO BE FIXED

Ayon sa isang local resident sa panayam ng Reuters, hanggang ngayon ay hinihintay pa ring ayusin ng local authorities ang kalye.

“We want them to come and pave the street.

“But in the meantime, the banana plants bear fruit, so we take advantage of it to eat them because food is very expensive.”

The fruits of banana trees
Namumunga na ngayon ang mga banana plants. Photo: Screenshot at Inside Edition YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman sa ilang magkakapitbahay, masuwerte silang nasa tapat ng kanilang mga tahanan ang small banana garden.

Tinitiyak nilang nadidiligan iyon nang tatlong beses isang araw.

Nagpapasalamat din sila sa bunga ng saging na nakukuha nila nang libre.

Man watering the banana trees
Matiyaga ang magkakapitbahay sa pag-aalaga sa banana trees. Photo: Screenshot at Inside Edition YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman sa isang nagkomento sa FB post ni Yulier: "It is a mixture of surprise, sadness and admiration.

“In the middle of the street, some rubble was fertile and enough to grow two banana trees.

“The plants are life, they provide food. It is also a surreal scene."

Marami rin ang nagsabing bagaman at nakakatuwang tingnan ang mini banana garden, isang malinaw na larawan din iyon ng kapabayaan ng lokal na pamahalaan.

Read: Tiny hotels built to save solitary bees!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy na dumarami at namumunga ngayon ang saging na tumubo sa malaking uka sa kalye na hindi na inayos ng local authorities sa Havana, Cuba. (Photo: Screenshot at Inside Edition YouTube)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results