Salamat sa isang larawan, love letter, at DNA service, natagpuan ni Anna Sharp ang kanyang tunay na ama.
Fourteen years old si Anna nung kanyang matuklasan na ang lalaking nakamulatan niyang ama ay hindi niya biological father.
Fifty-two years old na siya ngayon, mayroong mga apo, at naninirahan sa Milton Keynes, Buckinghamshire, England.

Sa artikulong nalathala sa UK news website na Mirror last April 2, 2025, sinabi ni Anna na bagaman at natuklasan niya ang katotohanan, hindi na nagbigay pa ng detalye ang kanyang inang si Shirley tungkol sa pagkatao ng kanyang tunay na ama.
Hindi na niya naisip na makikilala pa niya o matutuklasan kung sino siya.
That was until last year, nung nakita ni Anna sa mga gamit ng kanyang ina ang isang lumang larawan at love note na may lagdang “Carlos.”
Inisip niyang Carlos marahil ang pangalan ng kanyang ama.
Read: Best friends have exchanged the same birthday card for 81 years
WOMAN FEELS DIFFERENT FROM OLDER SIBLINGS
Mula pagkabata, ramdam ni Anna na kakaiba siya sa kanyang mga nakatatandang kapatid.
Malayo ang kanyang skin tone at hair texture sa kanila.
Madalas din siyang biruin ng mga kamag-anak na kaya siya hindi kahawig ng mga kapatid ay dahil ampon siya.
Dahil dito, nagsimulang maghinala si Anna na iba ang kanyang ama.
Pero kahit paulit-ulit niyang tanungin ang ina, naging mailap ito sa paglalahad sa kanya ng katotohanan—maliban sa pag-amin na hindi nga ang nakagisnang ama ang kanyang biological dad.
Pumanaw ang kanyang ina noong 2021 sa edad na 76.
Ang masakit para kay Anna, hindi nito sinagot ang kanyang mga tanong tungkol sa kanyang biological dad.
Read: Banana plants flourish in unrepaired pothole
SALIVA-BASED DNA SERVICE HELPS WOMAN FIND HER REAL DAD
Ang tanging clue na pinanghahawakan ni Anna ay ang lumang larawan at love note ni Carlos kay Shirley na natuklasan niya noong 36 years old siya.
Gayunpaman, kahit anong search niya sa Internet at family trees, wala siyang makuhang impormasyon tungkol sa pangalang Carlos.

Noong February 2024, nag-birthday si Anna at niregaluhan siya ng kanyang mga anak ng 23andMe DNA kit.
Ang saliva-based DNA service ay nagpo-provide ng family history information, at nagkokonekta sa mga users sa kanilang biological relatives.
Ginamit ni Anna ang naturang DNA service at pagsapit ng July 2024, nakatanggap siya ng mensahe mula sa isang babaeng nagngangalang Jasmin Andrews.
Taga-Los Angeles, California, si Jasmin, at natuklasan sa pamamagitan ng DNA service na second cousin sila.
Matapos magkakilanlanan, sinabi ni Jasmin na mayroon itong “Uncle Charles.”
Ikinonekta nito si Anna sa sinasabi nitong Uncle Charles.
Gayun na lang ang tuwa ni Anna nang matuklasang siya ang hinahanap na biological dad.
"I started crying. I'd found my dad."
Read: 66-year-old grandma plans to bike to 100 countries
THE LOVE STORY OF WOMAN’S PARENTS
Unang nag-reach out si Anna kay Charles sa pamamagitan ng Facebook Messenger nitong October 2024.
Nagpalitan muna sila ng mga larawan, at pagkatapos, tinawagan niya ito sa pamamagitan ng telepono.
Aniya, grabe ang kanyang kaba habang kausap ang ama..
Hindi umano matapus-tapos ang pagpapalitan nila ng “hello” bago sila nakapag-usap nang maayos.
Nalaman ni Anna na nagkaroon ng maikling affair ang kanyang inang si Shirley kay Charles, na isang sundalo noon at nasugatan habang sumasabak sa Vietnam War.
Read: Meet Sara Samaniego: The basurera influencer in Colombia
Nagkakilala ang dalawa sa Germany noong 1971, kung saan nagtrabaho si Shirley sa loob ng isang taon.
Doon naman nakadestino si Charles habang nagpapagaling mula sa mga tinamong sugat.
Hindi binanggit ni Shirley kay Charles na nabuntis ito.
Nagkahiwalay ang dalawa nang ma-assign muli si Charles sa United States.
Nagbalik naman si Shirley sa UK sa piling ng tunay na mister, at ipinanganak si Anna noong February 1973.
Hindi nagtagal, nakipaghiwalay ito sa tunay na mister at solong itinaguyod si Anna at ang pito niyang nakatatandang kapatid sa Wolverhampton.
Wala namang kamalay-malay si Charles na nabuntis. niya si Shirley.
Sa U.S., siya ay naging pulis, accountant, at engineer.
Tumanggap din siya ng dalawang Purple Heart medals dahil sa naging serbisyo bilang sundalo.
Read: Meet Pavel Stepchenko: Pensioner at age 23
WOMAN AND REAL DAD TO MEET FOR THE FIRST TIME COME APRIL
Ang buong pangalan ng ama ni Anna ay Charles W. Sharp Jr., 79 years old, at naninirahan sa Dallas, Texas.
Simula nung nagkakilala sila, araw-araw silang nag-uusap sa telepono.
In January 2025, pinapalitan na rin ni Anna ang kanyang surname—mula Johnson ay naging Sharp—bilang pagkilala sa kanyang tunay na ama.
Nakatakda siyang bumisita kay Charles sa darating na April 22 kasama ang kanyang anak na lalaki.

Makikilala rin niya sa unang pagkakataon ang tatlong kapatid sa ama.
Ayon kay Anna, marami pa silang dapat gawin ni Charles.
"We're still at the beginning, which is very exciting.
“I do wish we had both been spared the pain of separation and not knowing.”
Aniya, malaking bagay na nakilala niya ang dalawang taong nagbigay sa kanya ng buhay.
Bukod sa nabunutan siya ng tinik, nagkaroon din siya ngayon ng sense of belonging.
Para naman kay Charles, ang pagdating ni Anna sa kanyang buhay ang pinakamagandang birthday gift na natanggap niya.
Pag amin niya, na-shock siya nang malamang nagbunga ang sandaling pagsasama nila ni Shirley.
"I wish I had known earlier because I would have wanted to be involved all Anna’s life.”
Natutuwa umano si Charles na hindi sumuko ang anak sa paghahanap sa kanya—at ngayon ay hindi na siya makapaghintay na mabigyan ito ng mahigpit na yakap.
Read: AMAZING! This 19-foot bridge connects Spain and Portugal
