Noong ipinanganak si November June Brown, nagdesisyon ang kanyang ina na ipagpatuloy ang family tradition na pangalanan ang bawat miyembro ng pamilya mula sa buwan ng kalendaryo.
Ang pangalan ng lola ni November ay June.
April naman ang kanyang ina.
Ang kanyang kapatid na babae ay Hayley December.
Pero kahit isinunod sa buwan ng kalendaryo ang kanilang mga pangalan—ang kanilang birthdays ay hindi pumapatak sa corresponding months.

Month of August ang birthday ni November.
Ang kanyang inang si April ay January ipinanganak.
Ang kanyang lolang si June ay April ang birthday.
At nang isilang ang kapatid niyang si Hayley December ay buwan naman ng November.
Read: Zach Yadegari: Millionaire at 18, rejected by top universities
PEOPLE's reaction to NOVEMBER JUNE BROWN’S NAME
Sa artikulong nalathala sa news website na New York Post last April 8, 2025, sinabi ni November na dahil sa kanyang kakaibang pangalan, madalas siyang mapasuong sa mga nakakatawang sitwasyon.
Kadalasan, hindi naniniwala ang mga tao na iyon talaga ang kanyang pangalan. Hindi naman siya nababahala rito.
At kapag kailangan niya ng conversation starter, ipinapakilala niya ang sarili.
“Sometimes people will think that my ID is fake when I go to the bar.
“It is always fun to prove people wrong in that way.”
Read: The life of Meen: From street sweeper to model, brand ambassador
HOW THE TRADITION STARTED IN NOVEMBER JUNE BROWN’S FAMILY
Isang writer and content creator si November, na taga-Madison, Wisconsin.
Pagbabahagi niya, nagandahan ang kanyang ina sa pangalang November kaya iyon ang ibinigay sa kanya.
Dagdag pa niya, “And she wanted to carry on the unique tradition started by my grandma.”

Ipinagbubuntis pa lang siya ng ina ay desidido na itong mula sa kalendaryo ang ipapangalan sa kanya.
Pero kinailangan pa raw kumbinsihing mabuti ang kanyang ama, na nag-alalang baka maging tampulan ng tukso ang anak dahil sa kanyang pangalan.
Eventually, pumayag na rin ang kanyang ama.
Ang advantage ng kanyang pangalan, “Nobody ever misspells it or mispronounces it as it is a month of the year.”
Read: Woman finds real dad thru his old photo, love note to her mom
NOVEMBER JUNE BROWN IS INCLINED TO CONTINUE THE TRADITION
At habang lumalaki siya, hindi naman nabu-bully si November June, gayundin ang kapatid na si Hayley December.
Pero madalas siyang biruin sa school dahil dito.
Kinakantahan siya ng kanyang mga kalaro at kaklase ng “Happy birthday” tuwing November 1 dahil inaakala ng mga ito na iyon ang petsa ng kanyang kaarawan.
Pagsapit ng August—na kanyang birth month—wala namang bumabati sa kanya.
Kapag nasa party siya at nagpakilala, sasabihin ng mga bisita na nagbibiro lang siya.
Para lang maniwala ang mga ito, kailangan niyang magpakita ng valid ID.
At dahil isa siyang writer, “People think November June Brown is my pen name.”

Wala pang anak si November pero balak niyang ituloy ang family tradition.
“It would be fun to carry the tradition on, what a cool thing to do.
“I think November is a pretty name for a girl, and October is great for a boy.”
Read: Best friends have exchanged the same birthday card for 81 years
