Naging parents sa unang pagkakataon ang isang pares ng critically endangered Western Santa Cruz Galapagos tortoises sa Philadelphia Zoo.
Ibinalita ito ng news website na The Keystone last April 7, 2025.
Ayon sa pamunuan ng zoo, “overjoyed” ang mga ito sa pagdating ng apat na hatchlings.

Ito rin ang unang pagkakataon na may napisang mga itlog ng tortoise sa 150-year history ng naturang zoo, na matatagpuan sa Centennial District of Philadelphia at nasa kanlurang bahagi ng Schuylkill River.
Ang mag-partner na tortoise ay tinatayang 100 years old na.
Ang Western Santa Cruz Galapagos tortoises ay nakatala bilang “critically endangered” sa International Union for Conservation of Nature (IUCN).
Nauubos ang mga ito dahil sa human-wildlife conflict, pagdami ng invasive species, at pagkawala ng kanilang natural habitat.
Read: Banana plants flourish in unrepaired pothole
BABY TORTOISES EATING AND GROWING APPROPRIATELY
Tinatawag na Mommy ang female tortoise, at si Abrazzo naman ang male.
Ang mga babies nila ay inaalagaan ngayon sa Reptile and Amphibian House at hindi pa ipinapakita sa zoo visitors.

Ibinahagi ng pamunuan ng zoo na maayos ang kalagayan ng mga ito.
They are “eating and growing appropriately.”
Tumitimbang ang bawat isa sa mga ito ng mula 70 hanggang 80 grams—o kasingbigat ng isang itlog ng manok.
Ang una sa kanila ay napisa noong February 27, at nagsunud-sunod na.
May iba pang itlog si Mommy na posibleng mapisa at maingat na mino-monitor ngayon ng animal care team ng zoo.
Read: AMAZING! This 19-foot bridge connects Spain and Portugal
“MOMMY” IS THE OLDEST FIRST-TIME MOM TORTOISE
Sa inilabas na pahayag ni Jo-Elle Mogerman, President and CEO ng zoo, sinabi niyang ang apat na hatchlings ay isang significant milestone sa history ng Philadelphia Zoo.
“And we couldn’t be more excited to share this news with our city, region and the world.”
Dagdag pa niya: “Mommy arrived at the Zoo in 1932, meaning anyone that has visited the Zoo for the last 92 years has likely seen her.
“Philadelphia Zoo’s vision is that those hatchlings will be a part of a thriving population of Galapagos tortoises on our healthy planet 100 years from now.”
Si Mommy ang itinuturing na isa sa most genetically valuable Galapagos tortoises para sa species survival plan ng Association of Zoos and Aquariums ng U.S.

Siya rin ang oldest first-time mom mula sa Western Santa Cruz Galapagos species.
Ang pinakahuling nag-hatch ay noon pang 2019, sa Riverbanks Zoo and Garden na matatagpuan sa Columbia, South Carolina.
Ang pangingitlog ni Mommy ay nagbigay ng malaking pag-asa sa iba pang zoos.
May breeding pairs din kasi sa San Diego Zoo, Zoo Miami, at Honolulu Zoo.
Ipapakita naman ng Philadelphia Zoo sa publiko ang apat na hatchlings sa April 23, magkakaroon din ng naming contest.
Read: Vegetable Orchestra plays instruments made from veggies
