Isang Spanish woman ang tumanggap ng disability benefits sa loob ng mahigit isang dekada.
Hindi siya pinangalanan sa ulat ng news website na Pulse last April 14, 2025, pero binanggit na nagtrabaho siya noong 2003 sa isang supermarket sa Andalucía, Spain.
Nagsimula ang pagtanggap niya ng benefit mula noong may customer na umatake sa kanya.
Dahil sa insidente, na-diagnose ang babae na mayroon siyang post-traumatic stress disorder.

Nawalan umano siya ng kakayahang magsalita—at naging pipi.
Batay sa findings na ito, inaprubahan ng Social Security office ang permanent disability pension ng babae.
At dahil ang insidente ay nangyari sa lugar kung saan nagtatrabaho ang babae, batay sa labor law ng Spain, ang pagbabayad sa kanyang buwanang pension ay responsibilidad ng insurance company ng kanyang employer.
Read: 100-year-old tortoise becomes a first-time mother
INSURANCE COMPANY SUSPECTS FRAUD
Ang kaso ng babae ay dumaraan sa routine review taun-taon.
Hanggang sa naobserbahan ng insurance company na may ilang iregularidad sa records niya.
Dahil dito, nag-hire ng private detective ang insurance company para palihim na subaybayan ang babae.
Hindi nagtagal, natuklasan ng private detective ang katotohanan.
Read: Woman named November June Brown, but her birth month is August
WOMAN CAN SPEAK NORMALLY
Sa kabila ng claim ng babae na pipi na siya, nalaman ng private detective na maayos siyang nakapagsasalita sa harap ng ibang tao.
Nakikipagkuwentuhan siya sa iba pang nanay kapag sinusundo ang anak sa gate ng school.
Nakakagamit at nakakatawag siya sa cellphone nang walang problema.
Nag-a-attend din siya ng Zumba classes at nakikipag-usap sa mga kasamahan doon.
Para naman makakuha ng ebidensiya, minsan ay nilapitan ng private detective ang babae habang naglalakad.
Nagtanong ang private detective kung saan may malapit na department store.
Sumagot siya nang malinaw at walang hirap sa pagsasalita.
Ipinaliwanag ng babae sa private detective ang daan papunta sa department store, at wala siyang kamalay-malay na inire-record pala ang kanilang pag-uusap.
Read: Woman finds real dad thru his old photo, love note to her mom
WOMAN's medical records
Sa isinagawa namang pagre-review ng insurance company sa medical records ng babae simula noong 2009, wala sa mga specialists na tumingin sa kanya ang naglagay ng note tungkol sa kanyang speech condition.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng ophthalmologist, orthopedist, at dermatologist.
Dahil dito, hiniling ng insurance company na magkaroon ng reevaluation para sa kanyang kaso.
Humarap ang babae sa panel of doctors, pero tanging ang psychiatrist ang nagsabi na posibleng pineke and kondisyon niya.
Pero hindi naging sapat iyon para makapag-file ang insurance company ng legal action.
Read: Best friends have exchanged the same birthday card for 81 years
THE AFTERMATH OF ENCOUNTER WITH PRIVATE DETECTIVE
Naging malaking factor naman sa reevaluation ng kaso ng babae ang naging testimonya ng private detective.
Ipinakita nito ang video ng pakikipag-usap ng babae sa ibang tao, at ang malinaw na pagsagot nang tanungin kung saan may malapit na department store.
Dahil doon, sinampahan ng insurance company ang babae ng reklamo.
Noong January 2025, ibinaba ng High Court of Justice of Andalucia ang desisyon na pumapabor sa insurance company.
Kinatigan ng korte na ang video footage ay admissible bilang ebidensya.
Ibinasura rin nito ang apela ng babae na nilabag umano ng video ang kanyang constitutional rights.
Ayon sa bahagi ng desisyon ng korte (published as is): “A simulation of pseudomutism has been established, or at least a very favorable progression or evolution of such symptoms, as the inhibited symptoms have disappeared.”
Dahil sa naging desisyon ng korte, panibagong kaso ang isinampa laban sa babae para madetermina kung magkano ang magiging financial penalty niya “for fraudulently claiming disability benefits.”
Nakatakda ring habulin ng insurance company sa babae ang naibayad nito sa kanya sa nakalipas na 16 years.
