PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Two-year-old boy lost in wilderness rescued by rancher's dog

He was found seven miles away from home.
by KC Cordero
Published Apr 24, 2025
Photo of Bowden and Buford
Naglunsad ng malawakang search-and-rescue operations para sa two-year-old na si Bowden, pero hindi siya natagpuan. Pitong milya mula sa kanilang bahay, nakita siya at sinagip ng asong si Buford. (Photo: Screenshot at www.12news.com)

Noong April 14, 2025, bandang alas singko ng hapon, nawala ang two-year-old na si Bowden Allen sa kanilang tahanan sa Seligman, Arizona.

Inaayos noon ng kanyang ama na si Cory ang kanilang bubong, habang inaasikaso naman ng kanyang ina na si Sarah ang sanggol na kapatid ni Bowden.

Bowden with his mom
Ang batang si Bowden habang karga ng inang si Sarah Allen. Photo: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Sarah sa news website na KPNX, naramdaman niyang lumabas ng bahay si Bowden.

Nung tawagin niya ito, walang sumagot.

Nung lumabas siya para hanapin ito, wala rin siya.

Nag-panic sa Sarah.

Read: Ferrari burns down: 10 years of man's savings, gone in 20 minutes

MASSIVE HUNT FOR THE MISSING BOY

Tinawagan nina Cory at Sarah ang kanilang mga kamag-anak para tumulong sa paghahanap kay Bowden.

Humingi rin sila ng tulong sa Yavapai County Sheriff’s Office, na nagpadala ng mahigit 40 rescuers.

Nagpalipad naman ang Department of Public Safety ng helicopter, na namataang may dalawang mountain lions sa area—bagay na nagpakaba nang husto sa mag-asawa.

Ani Cory, "It started getting more intense every minute."

Pero inabot na ng madaling-araw, hindi pa rin makita si Bowden.

Pag-aalala ni Sarah, "I looked at his empty bed in the middle of the night, and I’m like, 'This isn’t real, he's not, how is he not here?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“How is he out by himself somewhere in the dark?"

Read: Dubai chocolate causes global pistachio shortage

RANCHER’S DOG FOUND THE MISSING BOY

Makalipas pa ang 16 hours, napag-alamang natagpuan si Bowden ng isang rancher na nakilalang si Scotty Dunton.

Nakarating umano ang bata sa kanyang property.

Sa video na ibinahagi ng Yavapai County Sheriff's Office, ikinuwento ni Scotty kung paano niya nakita ang toddler.

"When I was driving out the driveway, I noticed my dog was sitting down by the entrance, and I looked up and this little kid was standing there with my dog.

"Knowing he was the missing child; it was a relief that he was alive."

Hindi umano siya makapaniwalang nakarating sa kanyang rancho ang bata dahil napakalayo ng kanyang property mula sa bahay ng pamilya Allen.

"It's seven miles and that's just if you walked in a straight line.

"There are three big mountain ranges between here and his house, and big valleys, and for a two-year-old to do that, it's insane."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Woman fakes disability for 16 years to collect pension

MEET BUFORD, THE HERO DOG

Si Bowden ay natagpuan ng aso ni Scotty na si Buford, isang six-year-old Anatolian Pyrenees.

Isa aniya itong “guardian dog.”

Photo of Buford
Hindi iniwan ng asong si Buford si Bowden nang makita nito ang bata sa ilalim ng isang puno. Photo: KPNX
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbabantay si Buford sa kanyang rancho nung gabing nawala si Bowden.

Nagpa-patrol ang aso within half a mile sa bahay ni Scotty buong magdamag para itaboy ang mga coyote.

Sa palagay niya, nakita ni Buford ang bata sa ilalim ng puno na nasa pastulan ng mga kabayo.

"He just brought him home.

"It's what he [Buford] does.”

Pagtitiyak pa ng rancher, “He loves kids, so I couldn't imagine he would leave him when he found him."

Read: 100-year-old tortoise becomes a first-time mother

BOY SAYS DOG FOUND HIM

Dinala ni Scotty si Bowden sa kanyang bahay at pinainom ng tubig.

Sinabihan din niya ang bata na kumalma lang saka tinawagan ang mga parents nito.

Inalam din niya kung ano ang nangyari.

Tanong ni Scotty kay Bowden, "Did you walk all night?"

Sagot umano ng bata, “I laid up under a tree.”

Nang tanungin kung nakita si Bowden ni Buford, "And he goes, 'Yep.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang naging pinsala ang toddler maliban sa ilang galos sa mga kamay.

Naibalik din siya kaagad sa pamilya nito.

Buford and Bowden
Sina Bowden at Buford nang muling magkita. Photo: Screenshot at www.12news.com

Ayon kay Cory, "I feel like God sent that dog to rescue my son."

Balik na rin aniya sa normal ang kanilang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nananatiling active si Bowden, at walang naging trauma mula sa pagkawala nito.

Samantala, sinabi ni Scotty na bukod sa mga papuring natatanggap ni Buford, bumabaha rin daw ng mga regalo para sa aso.

"Toys, chew toys, snacks, you name it, just a little bit of everything," sabi ng rancher.

Last April 21, muling nagkita sina Bowden at Buford matapos ang insidente.

Naglaro ang dalawa, at nagpa-belly rub pa ang hero dog sa batang kanyang ni-rescue.

Para sa mag-asawang Cory at Sarah, hinding-hindi nila makakalimutan si Buford.

Read: Woman named November June Brown, but her birth month is August

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglunsad ng malawakang search-and-rescue operations para sa two-year-old na si Bowden, pero hindi siya natagpuan. Pitong milya mula sa kanilang bahay, nakita siya at sinagip ng asong si Buford. (Photo: Screenshot at www.12news.com)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results