PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man accidentally buys back his previously stolen car

“I didn’t do the most thorough check.”
by KC Cordero
Published Apr 30, 2025
The stolen 2016 Honda Civic Type R
Dahil desperadong makabiling muli ng kotse, hindi agad napansin ng lalaki na ang binili pala niya ay ang kanya ring 2016 Honda Civic Type R na ninakaw sa kanya. (Photo: Ewan Valentine)

Gayun na lang ang panggigipuspos ni Ewan Valentine nang matuklasang ang kanyang 2016 Honda Civic Type R ay nanakaw.

Tatlong taon na sa kanya ang naturang kotse.

Si Ewan, 36, ay residente ng Solihull, West Midlands, England.

Sa ulat ng news website na Carscoop last April 28, 2025, ibinahagi ni Ewan gagamitin sana ng kanyang girlfriend ang kotse isang umaga, pero wala na iyon sa driveway.

The car owner Ewan Valentine
Ang may-ari ng nawawalang kotse na si Ewan Valentine. Photo: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagbigay-alam agad ni Ewan sa pulisya ang insidente.

Ini-report din niya iyon sa insurance company.

Nag-post din siya sa iba't ibang social media sites ng photos ng kotse, at panawagan na sakaling may makakita rito ay ipagbigay-alam sa kanya.

Pero mabagal ang pag-usad ng lahat, at nainip na si Ewan.

Dahil wala siyang magamit na kotse, naghanap siya ng mabibili sa online market.

Read: Ferrari burns down: 10 years of man's savings, gone in 20 minutes

MAN FINDS CAR FOR SALE EXACTLY THE SAME AS HIS

May emotional attachment kay Ewan ang kanyang nawawalang Honda Civic Type R.

Kaya nang makakita siya sa online market ng kagayang-kagaya nito—partikular ang custom exhaust system—hindi siya makapaniwala.

Sa mga larawan, ang tanging pagkakaiba ng ibinibentang kotse kumpara sa kanyang nawawala ay ang registration plates.

Maliban doon, para talagang kinopya ang kanyang kotse.

The stolen car
Napansin ni Ewan na kaparehung-kapareho ng kanyang nawawalang kotse ang nakatinda sa online market, pero hindi agad siya naghinala. Photo: Ewan Valentine
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman ikinonsidera ni Ewan ang posibilidad na baka iyon ang kanyang kotse dahil iba naman ang registration plates.

Maayos din ang credentials ng seller.

“So, it seemed perfect,” ani Ewan sa isang panayam naman sa kanya ng Yahoo News UK.

Pinuntahan niya ang address ng nagbebenta ng kotse at nakita niya iyon sa garahe nito kasama ang iba pang sasakyang ibinebenta.

Nang makita ni Ewan ang kotse, hindi pa rin siya kinutuban.

“I think my judgment was a little clouded by how desperate I was to replace my car.

“So, I didn’t do the most thorough check.”

Read: CHECK THIS OUT: World’s longest car The American Dream

MAN FINDS SIMILARITIES UPON PAYING THE CAR

Nang binubutingting na ni Ewan ang kotse, may napansin siyang mga kakaibang bagay.

Nang buksan niya ang trunk, nakakita siya ng tent hood at Christmas tree pines—na meron din sa kanyang nawawalang kotse.

May nakita rin siyang ilang wrappers na natatandaan niyang iniwan niya sa kanyang Honda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Photo of Ewan's car
Habang tinitingnan ni Ewan ang kotseng binili, napansin na agad niya ang mga senyales na kapareho talaga ito ng kanyang nawawalang sasakyan—maliban sa registration plates. Photo: Ewan Valentine

Higit sa lahat, naroroon pa rin ang amoy ng beer na hindi na niya nalinis nang minsang mabitawan niya ang bote habang umiinom siya sa driver’s seat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, sa kabila ng kanyang kakaibang kutob, hindi pa rin siya naghinala.

Binayaran ni Ewan ang kotse sa halagang 20,000 pounds o PHP1,499,058.

Read: “Unstealable” car stolen 60 hours after purchase

CAR’S APP CONNECTS INSTANTLY TO MAN’S SMARTPHONE

Dahil nabayaran na ni Ewan ang kotse, ipinagkatiwala na iyon sa kanya ng seller.

Pero habang nasa daan, hindi na mawala-wala sa isip niya ang matinding kutob.

“I started driving home, feeling a little strange about the situation because it could all have been a coincidence.

“So, I suddenly had the idea of checking the satnav history.”

Ang “satnav” ay ang “navigation dependent on information received from satellites.”

Isa itong app na naka-install sa sasakyan at namo-monitor sa smartphone.

At natuklasan ni Ewan na nasa satnav ng binili niyang kotse ang kanyang address, maging ng kanyang parents.

Nasa history din ng satnav ang mga lugar na napuntahan niya sa loob ng ilang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At saka nag-sink in sa kanya ang isa pang kakaibang pangyayari.

“My phone connected instantly as I left the garage, rather than needing to pair it as a new device.”

Pagsusuma ni Ewan, “So, it was pretty clear at this point that it was my car.”

Read: Woman owns 50 classic cars; buys them for enjoyment, not investment

COMPUTER ANALYSIS SHOWS THE CAR IS THE ONE STOLEN FROM MAN

Agad nakipag-ugnayan si Ewan sa pulisya.

Nang siyasatin ng mga awtoridad ang binili niyang kotse, natuklasang hindi na nagma-match ang vehicle identification number (VIN) nito sa kanyang nawawalang kotse.

Ang dahilan, nagawan ng mga nagnakaw nito ng paraan na mapalitan iyon.

Kinaskas ang lumang VIN sa makina.

Ang embossed plate naman sa door frame ay pinalitan lang ng sticker.

Samantala, ang engine serial number ay pininturahan.

Gayunpaman, natuklasan pa rin ng mga awtoridad na iyon talaga ang nawawalang kotse ni Ewan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dinala kasi nila ito sa isang local Honda dealer.

Nag-plug sila ng laptop dito, at lumabas ang original VIN number.

Ani Ewan, kinumpirma ng dealer na ang VIN na nakalista sa ECU ay ang kanyang original VIN.

“The thieves cloned the car to another one somewhere else and did a convincing job of it.

“They’d attempted to override the VIN number in the ECU, even though that was tricky to find.”

Ang ECU ay Engine Control Unit or Electronic Control Unit.

Ito ang pinakautak ng sasakyan.

Isa itong computer na nagma-manage at nagmo-monitor ng makina at iba pang electrical systems.

Kinokontrol ng ECU ang mahahalagang function ng sasakyan gaya ng fuel injection, ignition timing, and emissions para matiyak ang optimal engine performance and efficiency nito.

Read: Autistic boy slapped by Benz owner receives SUV from Ford

A RARE CASE FOR THE POLICE AND INSURANCE COMPANY

Dahil sa mga ebidensyang nakalap ng mga pulis, inimbestigahan ng mga pulis ang nagbenta ng sasakyan kay Ewan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-alaman na maging ang seller ng kotse ay hindi alam na nagoyo ito ng mga kawatan.

Sa ngayon, naka-pause muna ang kaso ng kotse ni Ewan.

Hindi pa nagsasagawa ang mga pulis ng anumang pag-aresto.

Maging ang insurance company ay pinag-aaralan pa ang sitwasyon dahil kakaibang kaso ito.

Para kay Ewan, naghihintay siya kung ano ang kahihinatnan nito.

Wala ring detalye kung na-refund niya mula sa seller ang ibinayad sa kotse.

For the meantime, masaya siyang napabalik na sa kanya ang pinakamamahal na sasakyan.

Read: Son buys back dad’s car sold in 1983 for “diaper money”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil desperadong makabiling muli ng kotse, hindi agad napansin ng lalaki na ang binili pala niya ay ang kanya ring 2016 Honda Civic Type R na ninakaw sa kanya. (Photo: Ewan Valentine)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results