Isinama nina Georgia Gardner at Josh Fishlock noong November 2023 ang kanilang pet dog na si Valerie nang magbakasyon sila sa Stokes Bay sa Kangaroo Island, South Australia.
Si Valerie ay isang dachshund—o ang tinatawag na sausage dog dahil sa korte ng katawan nito.
May timbang itong 3.6 kilos.

Minsang nag-beach ang couple, naiwan muna ang aso sa kanilang inuupahang cottage.
Tumakas si Valerie sa kanyang pen para sundan ang kanyang fur parents.
Sa kasamaang-palad, napasuot siya sa madawag na bushland, at naglahong parang bula.
Pagbalik nina Georgia at Josh sa kanilang cottage, natuklasan nilang nakawala si Valerie.
Agad nilang hinanap ito.
Maging ang mga lokal na residente at community rescuers ay tumulong sa paghahanap sa aso.
Pero kahit anong effort ang ginawa nila, hindi na nakita si Valerie.
Hanggang sa matapos na ang bakasyon nina Georgia at Josh kaya kinailangan nilang lisanin ang isla nang hindi kasama ang kanilang pet.
Hindi naman sila nawalan ng pag-asa na balang-araw ay makikita rin ito.
Read: Two-year-old boy lost in wilderness rescued by rancher's dog
SIGHTINGS OF A DOG WITH PINK COLLAR
Makalipas ang mahigit isang taon, wala pa ring balita tungkol kay Valerie.
Nitong 2025, may natanggap na update sina Georgia at Josh: Isang dachshund na may suot na pink collar ang namataan sa kagubatan.
Ang layo niya ay halos 14 kilometers mula sa lugar kung saan nag-stay ang couple nung nagbakasyon sa isla.

Hindi nagtagal, kinumpirma ng motion-activated wildlife cameras ang isang bagay na tila imposible—si Valerie nga ang namataang aso sa kagubatan.
At ang higit na kagila-gilalas, dahil sa tagal nang nawawala, nagawa nitong mag-adapt sa buhay sa wild!
Read: Zoo paints Chow Chow to look like tiger
HOW VALERIE SURVIVED IN THE WILD
Batay sa mga kuha ng motion-activated wildlife cameras, nakitang umiinom ito sa mga dams, at kumakain ng mga hayop na namatay sa aksidente sa daan.
Kung minsan naman, nagha-hunting ito ng malilit na native animals sa gubat.
May pagkakataon ding kumakain ito ng mga halaman.
Napanatili ni Valerie na ligtas ang sarili sa pamamagitan ng instincts, talino, at determinasyong mabuhay kahit nag-iisa.
Read: Parrot pulls out boy's milk tooth
THE PLAN TO CAPTURE THE TINY DOG
Na-realize ng mga tauhan ng Kangala Wildlife Rescue na sina Jared at Lisa Karran na dahil matalino at maingat si Valerie, hindi ito basta-basta mahuhuli gamit ang traditional trapping methods.
Nagdisenyo sila ng “comfort trap,” kunsaan ang isang ordinary cage ay ginawa nilang welcoming space.
Kumpleto ito sa mga paboritong bagay ni Valerie gaya ng lumang damit ni Georgia para makaamoy ito ng familiar scent.
Nilagyan din iyon ng soft bedding, toys, and treats.
Hindi rin nila ito pinuwersang pumasok agad sa comfort trap.
Hinayaan muna nilang makapasok si Valerie at makalabas nang malaya mula rito.
May naka-install ding hidden webcam kung saan nakikita ng rescuers ang live footage.
Dahil doon, namo-monitor nila ang pagpunta at pag-alis ni Valerie sa comfort trap nang hindi ito nagagambala.
Isang remote-controlled trigger din ang naka-install para isara ang pintuan ng comfort trap kapag natiyak na nasa loob nito ang aso.
Sa ganitong paraan, maiiwasan ang posibilidad na tumakbo si Valerie at muling makatakas.
Read: Man dies after being scratched by pet cat
VALERIE FINALLY CAPTURED
Makalipas ang dalawang linggong matiyagang pagsubaybay kay Valerie at pagtiyak na tiwala na ito sa comfort trap, nitong huling linggo ng April 2025 ay isinagawa na ang planong mahuli ito.
Pumasok ito sa loob nang walang pagdududa.
Dahan-dahan naman ang naging pagsarado ng pintuan.
Ang nakakamangha, kahit naramdaman ni Valerie na nakakulong na ito sa loob ng trap, hindi ito nagpakita ng takot.

Nang makuha na siya ng rescuers, natuwa ang mga ito dahil nasa magandang kondisyon ang kalusugan ng aso.
Bahagyang pumayat at may mga ilang pilat dahil sa wild adventure, pero healthy pa rin ito at masigla.
Read: Reptile enthusiast tries to keep two-headed turtle alive
FUR MOM’S T-SHIRTS PLAYED CRUCIAL ROLE IN CAPTURING THE TINY DOG
Sa kabuuan, nawala si Valerie sa loob ng 529 days.
Ayon kina Jared at Lisa, ang pagkaka-rescue rito ay tila isang “rollercoaster.”
Pagbabahagi ni Lisa sa isang Facebook post, malaking factor ang T-shirt ni Georgia para tuluyang ma-trap si Valerie.
“We were able to rip little strips off of it, and we started the process of just adding more and more bits towards the trap site as we went along.
“The T-shirt especially seemed to help her regain her memory. You could see little ‘click, click, click’ moments as the dog remembered her home.”

Ikinuwento rin ni Lisa na naghintay sila ng tamang sandali na nasa right part na ito ng comfort trap para hindi na magtangkang tumakas muli.
“She went right into the back corner, which is where we wanted her.
"I pressed the button and thankfully it all worked perfectly.”
Nang ma-trap na si Valerie, nilapitan ito ni Lisa habang suot niya ang isa pang T-shirt ni Georgia.
Hindi muna niya ito hinawakan at naupo lang siya sa gilid ng cage na ginawang comfort trap.
Makalipas ang ilang minuto, lumapit sa kanya si Valerie at inamuy-amoy siya.
Hindi nagtagal, nang ma-recognize ang amoy ni Georgia, nagpakita na ito ng paglalambing.
Kusa na ring sumama si Valerie sa rescuers.
Sambit naman ni Jared, “I was blown away watching it.
“I never thought she’d be sitting in someone’s lap in three hours.”
Read: Crumbs, overweight cat, put on strict diet and exercise regimen
VALERIE NEEDS “DECOMPRESSING” BEFORE TURNING OVER TO HER FUR PARENTS
Sa ngayon, si Valerie ay nasa pangangalaga pa rin ng Kangala Wildlife Rescue.
Sumasailalim ang aso sa “decompressing” para makalaya sa tinatawag na “lost dog syndrome” bago siya tuluyang ibalik kina Georgia at Josh.

Umaasa si Lisa sa isang emotional reunion ng tatlo.
Sigurado rin siyang madaling makaka-adapt sa dating buhay si Valerie.
“The dog is still there, her personality, everything. It just takes time.”
Nagpakita rin siya ng paghanga sa maliit na asong nagawang maka-survive sa mapanganib na gubat.
“When you see her, you think, ‘How did you survive for that long?’”
