PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

“Marites” na kapitbahay, naging susi sa pag-rescue sa 3 bata

Parents ng mga bata, napraning pala sa COVID-19.
by KC Cordero
Published May 7, 2025
The kids being led out by the police
May mga naobserbahan ang “Marites” na si Sylvia sa katapat na bahay at nagduda siyang may kakaibang nagaganap doon. Nagsumbong siya sa pulisya at lumantad ang lihim ng mag-anak na kanyang kapitbahay. (Photo: Spanish National Police)

Na-rescue ng mga pulis sa Oviedo, Spain, ang tatlong bata na naka-isolate sa isang malaking bahay.

Itinago ang mga bata ng kanilang parents sa property sa loob ng apat na taon.

Naging obsessed ang parents na hindi mahawahan ang tatlong bata ng coronavirus.

At kung madalas makainisan sa neighborhood ang isang kapitbahay na “Marites,” sa pangyayaring ito ay isang babaeng tsismosa ang naging daan para ma-rescue ang tatlong bata.

Ang babaeng Marites ay nakilala lang sa pangalang Sylvia, batay sa ulat ng Spanish news website na El Español noong May 2, 2025.

Siya ang nagbigay-alam sa pulisya tungkol sa kakaibang napapansin niya sa tahanan—na katapat lang ng kanyang property.

The house where the 3 kids were rescued
Nagkainteres ang Marites na si Sylvia sa bahay sa kabilang kalye. Sinubaybayan ni Sylvia ang mag-anak na nakatira rito. Photo: Spanish National Police
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil may pagka-Marites si Sylvia, mula nang lumipat sa kanilang neighborhood ang mag-anak noong kasagsagan ng pandemya ay naging curious siya sa mga ito.

Inililista niya ang mga aktibidad ng mag-anak.

Naobserbahan niyang tanging ang ama ng mga bata ang lumalabas ng bahay—at para lang kunin ang groceries na idini-deliver sa front door.

Napansin din niyang ang tatlong bata ay sandali kung sumilip lang sa bintana, at pagkatapos ay isasara nang muli ang blinds.

Naitala rin ni Sylvia kung anong oras lang nasilip ang mga bata sa bintana—tuwing alas singko y diez ng hapon.

Read: Tiny dog lost on Australian island survives 529 days in the wild

“MARITES” NOTICES DELIVERY OF LARGE VOLUME OF DIAPERS

May isa pang bagay na napansin si Sylvia na siyang nakapag-trigger sa kanyang mag-report na sa pulisya.

Laging nagpapa-deliver ang pamilya ng diapers, kahit pa sa tingin niya, ang mga bata ay edad walo hanggang 10 na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos namang pag-aralan ng pulisya ang mga ebidensyang inihain ni Sylvia, nagdesisyon ang mga awtoridad na may nangyayari ngang kakaiba sa pamilya.

Sinimulan nilang mag-imbestiga.

At lumantad sa mga pulis ang nakagugulat na katotohanan.

Ang nirerentahang bahay ng pamilya ay punung-puno hindi lamang ng maruruming diapers ng mga bata, kundi sanitary pads ng kanilang ina.

Nakasarado lahat ang mga bintana.

Nakabukas naman ang halos isang dosenang air purifier.

Ang mga bata—dalawang eight-year-old twins at isang ten-year-old—ay laging naka-diapers.

The kids being taken cared of by police
Ang mga bata matapos ma-rescue ng mga pulis. Photo: Spanish National Police
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matapos ma-rescue ang mga bata at masuri ng mga doktor, natuklasang dumaranas sila ng severe constipation dahil hindi sila pinapayagang gumamit ng bathroom.

Pinipilit kasi ng kanilang magulang na huwag silang maparumi hangga't kaya nilang tiisin, kaya panay sila naka-diapers.

Sa isinagawang imbestigasyon, natakot umano ang parents ng mga bata na mamatay ang mga ito kapag tinamaan ng coronavirus.

At para mailigtas ang mga bata sa virus, dinala nila sa Spain at nagrenta ng malawak na villa para ma-isolate ang mga ito. Galing sila sa ibang bansa.

Pinagsusuot din ang mga ito ng tatlong magkakasaping facemasks.

Pinapayagan lang ang mga ito na magsuot ng pajamas at hygienic socks.

Isinalarawan ng Spanish media ang bahay ng pamilya bilang “house of horrors.”

Read: Man accidentally buys back his previously stolen car

PARENTS OF 3 KIDS SUFFERING FROM COVID-19 SYNDROME

Nakilala ang mag-asawang kapitbahay ni Sylvia na sina Christian Steffen, 53; at Melissa Ann Steffen, 48.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang German si Christian, at American naman si Melissa.

Napag-alaman na mula sa Germany ay dinala ng mag-asawa ang kanilang tatlong anak sa Oviedo noong December 2021—na kasagsagan pa rin ng Covid-19 pandemic.

Pagdating pa lang nila sa neighborhood nina Sylvia ay mailap na ang mga Steffen sa mga tao.

Hindi sila lumalabas sa kanilang malawak na villa.

Ni minsan, hindi sila nakihalubilo sa ibang tao.

Dahil hindi naman sila maiingay at gumagawa ng gulo, hindi rin sila pinakikialaman ng kanilang mga kapitbahay.

Sa isinagawa pa ring imbestigasyon ng mga pulis, natuklasang sobrang taas ng kanilang electricity bills.

Ito ay dahil sa dami ng kanilang ginagamit na air purifiers na naka-on sa loob ng 24 oras.

Malaki rin ang kanilang water bill dahil sa maya’t mayang paliligo para makaiwas sa pathogens.

Pero ang nakapagtataka—hindi naglilinis ang mga Steffen ng bahay, at napakarumi maging ng kanilang lababo.

The dirty house
Sa kabila ng paranoia ng mag-asawang Steffen sa virus, napakarumi naman ng kanilang tahanan. Photo: Spanish National Police
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinailalim sa psychiatric tests sina Christian at Melissa.

Lumalabas na nagkaroon sila ng matinding takot na mahawahan ng virus at dumaranas ng “COVID-19 anxiety syndrome.”

Ang isang taong may ganitong syndrome ay compulsive sa pag-oobserba kung mayroon siyang COVID symptoms. Panay iwas din nito sa mga pampublikong lugar.

Read: Snake falls on woman’s head; lands in her wine



WHY THE GERMAN FAMILY IS IN SPAIN

Napag-alaman ng pulisya na noong nasa Germany pa ang mga Steffen, hiniling nina Christian at Melissa sa eskuwelahang pinapasukan ng mga anak na payagan ang mga itong maipagpatuloy ang pag-aaral kahit hindi pumapasok sa school.

Na-deny ang kanilang request.

Ipinaalala rin ng eskuwelahan sa mag-asawa na kung hindi na papasukin sa school ang kanilang mga anak—batay sa kanilang batas—ipagbibigay-alam iyon ng school sa proper authorities, partikular sa social services.

Dahil doon, napilitan ang mga Steffen na lumipat sa Spain.

Nakakita rin ang pulis sa bahay ng pamilya ng mga aklat na ginagamit ng mag-asawa para i-homeschool ang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon ding board games.

May mga drawings naman ang mga bata na sa tingin ng mga pulis ay ginagawa ng mga ito bilang pampalipas-oras.

Kabilang sa drawings ang imahe ng monsters sa kanilang wooden beds.

Read: Goodbye, noisy kapitbahay! Sound Screw could be the solution!

“MARITES” CONSIDERED HERO BY SPANISH MEDIA

Sa kasalukuyan, isinasailalim ang mga anak nina Christian at Melissa sa medical and psychological evaluation.

Ibinahagi ng mga pulis na nagulat sila na nagsisigaw sa takot ang mga bata nang ilabas nila ang mga ito sa bahay at dalhin sa garden.

Tinatayang na-panic ang mga bata dhil iyon ang unang pagkakataong nakalabas silang muli ng bahay mula taong 2021.

Sa crib din sila pinatutulog.

Bagaman at hindi masyadong malilinis ang katawan ng mga bata, hindi sila malnourished dahil napapakain nang maayos ng mag-asawa.

Yun nga lang, dahil sa mahabang panahon ng isolation, para silang hiwalay sa reyalidad.

Isang bayani ang turing sa kanya ngayon ng Spanish media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hindi sa kanyang pagka-Marites, hindi mailalantad ang nakatagong lihim nina Christian at Melissa.

Ang mag-asawa ay nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso, kabilang ang domestic violence with habitual psychological abuse.

Read: Two-year-old boy lost in wilderness rescued by rancher's dog

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga naobserbahan ang “Marites” na si Sylvia sa katapat na bahay at nagduda siyang may kakaibang nagaganap doon. Nagsumbong siya sa pulisya at lumantad ang lihim ng mag-anak na kanyang kapitbahay. (Photo: Spanish National Police)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results