Naibalik na si Valerie, ang miniature sausage dog, sa kanyang owners.
Iniulat ito ng news website na 7News noong May 7, 2025.
Nawala si Valerie—isang female dachshund—sa loob ng 529 araw habang kasama ng kanyang fur parents, nang magbakasyon ang mga ito sa Stokes Bay, Kangaroo Island, South Australia, noong November 2023.

Bagaman at ilang beses siyang nakita sa CCTV na nasa kagubatan, na-rescue lang siya noong huling linggo ng April 2025.
Inalagaan muna siya sa Kangala Wildlife Rescue para i-decompress at makawala sa tinatawag na “lost dog syndrome.”

Matapos ang 11 araw matapos ma-rescue, pinayagan na si Valerie na maibalik sa kanyang fur parents.
Read: Parrot witnesses murder crime; mimics victim’s last words
TEARFUL REUNION BETWEEN VALERIE AND her OWNERS
Last May 7 ay nagkaroon ng emotional reunion si Valerie at ang kanyang owners na sina Georgia Gardner at Josh Fishlock.
Ang couple ay residente ng Albury, New South Wales, Australia.
Pagbabahagi ni Georgia, nakaupo siya sa ground nang dalhin ng mga rescuers si Valerie sa kanya.
“She ran straight up to me—I just burst into tears.
“She was wagging her tail, making her little happy sounds, and wiggling around with joy.
“I held her and cried and cried.”

Ayon naman kay Josh, “It was incredible—euphoric.
“We never thought we’d hold her again and then, suddenly, there she was.
“It still doesn’t feel real.”
Read: Two-year-old boy lost in wilderness rescued by rancher's dog
TINY DOG STILL AFFECTIONATE TOward OWNERS
Ipinakita ni Valerie na affectionate pa rin siya sa kanyang fur parents.
Walang tigil ang kahahalik ng aso kina Georgia at Josh.
Inamin ni Josh sa panayam ng media outlet na The Advertiser na kinakabahan sila nang husto ni Geogia habang papunta sa isla para sunduin si Valerie.
“But her reaction was just priceless.
“It could not have been scripted.”
Dahil doon, nawala ang kanilang agam-agam na baka hindi na ito makabalik sa normal na pamumuhay matapos ang mahabang panahon sa wild.
Read: 100-year-old tortoise becomes a first-time mother
HOW IS VALERIE NOW
Nagdagdagan ng 1.8 kilos ang timbang ni Valerie.
Bunga ito ng pagkain niya ng kung anu-ano habang nawawala sa wild.
Labis ang pasasalamat nina Georgia at Josh sa mga rescuers ng kanilang alaga, at sa pangangalaga rito habang nasa Kangala Wildlife Rescue.

Inuwi na ng couple si Valerie sa kanilang tahanan.
Nakasama na muli ng aso ang kapwa niya pets na sina Lucy, isang rescue cat, at asong si Mason, isang red heeler.
May bago na ring alagang sausage dog ang couple—si Dorothy.
“We’ll be giving Valerie all the love and care we possibly can, and let her heal and enjoy the wonderful life,” ani Josh.
Patuloy ring makikipag-ugnayan ang couple sa isang dog behaviorist ng Kangala Wildlife Rescue para masuportahan ang transition ni Valerie mula sa buhay sa wild pabalik sa pagiging domesticated.
Ani Georgia: “Valerie’s separation anxiety played a big role in why she went missing, so we’ll be crate-training her to provide a safe place to decompress.
“We’re also keeping her on a raw food diet, considering her incredible condition when she was found.”
Umaasa umano si Georgia na ang kuwento ni Valerie ay maghahatid ng pag-asa, saya, at inspirasyon sa lahat ng nawalan ng pets o kaya ay may mabigat na pinagdaraanan.
“If the smallest sausage dog can survive 529 days in the bush, you, too, can survive whatever life throws at you.”
