Isa si Tess Tregellas ng Brooklyn, New York City, sa mga lumahok sa ginanap na Brooklyn Half Marathon last May 17, 2025.
Kumpara sa ibang marathon runners na kumpleto sa running gears, nakasuot si Tess ng wedding gown.
Bakit? Naghahanap raw kasi siya ng magiging husband.

Sa isang Instagram video na nai-post niya noong May 19, bago nagsimula ang marathon, nagbiro pa ang 28 anyos na dalaga baka makikita na niya ang lalaking pagsasabihan niya ng “I do.”
Sambit ni Tess, “My husband might be at the finish line.”
Read: Man marries former classmate's mother, 21 years his senior
WEDDING DRESS SCARES MEN AWAY
Nang matapos ang marathon, sinabi ni Tess sa panayam ng New York Post na wala siyang nakitang possible groom sa finish line.
Tingin niya, natakot ang mga kalalakihan sa kanyang gimik.
“No proposals from any man. Honestly, I think I scare men away.”
Nagustuhan naman umano ng mga babaeng nanood ng marathon ang kanyang ginawang pagsusuot ng wedding gown.
Ani Tess, “And that’s really what it’s for.
“To encourage women that you can be a bride any day of your life.”
Read: 86-year-old man has 16 wives, 104 children
WEARING WEDDING DRESS IN MARATHON IS FOR GOOD VIBES
Isang stand-up comedian si Tess.
Sa likod ng kanyang wedding gown ay may nakasulat na “just hopeful.”
Paliwanag niya, “To play on the ‘Just married’ trope on the back of a car after a wedding.”

Maraming nagpapa-selfie sa kanya—na ikinatuwa niya.
“It also opens up a lot of conversation and you get to know the people who are running alongside you.”
Nakapagtala si Tess ng 2:33:44 para makumpleto ang marathon.
Pero hindi naman siya conscious sa kanyang naging oras o record.
Ginawa lang daw niya ang pagtakbo para mag-spread ng good vibes.
“I love race day energy and while I do enjoy running, I prefer running in a wedding dress.”
Read: Bride freezes mid-ceremony, suffers panic attack on wedding day
WEARING WEDDING DRESS IN MARATHON, PART OF HER COMEDY ACT
Hindi ito ang unang pagkakataong lumahok si Tess sa Brooklyn Half Marathon nang nakasuot ng wedding gown.
Last year, sumali rin siya at nag-post ng mga photos sa social media.
Mayroon siyang 203,000 followers sa Instagram.

Pagbabahagi pa niya, dalawang taon na ang nakararaan nang magsimula siyang tumakbo habang naka-wedding gown.
Nung sumali siya sa Manhattan’s West Side Highway marathon, literal na naghabol siya ng mga kalahok na guwapong lalaking walang suot na pang-itaas.
Pero bigo umano siyang makasilo ng prospect.
“No dates, but I got a lot of laughs.
“And as a comedian, that’s the goal. It was also just so much fun!”
Read: Meet Manoel and Maria Dino: Couple married for 84 years
WOMAN IS LOOKING FOR AN EPIC DATE
Sa June 2025 ay may gig si Tess—hindi sa marathon kundi bilang comedian.
Isa itong solo show na pinamagatang EPIC, na gaganapin sa Slipper Room ng Manhattan’s Lower East Side.
Ibabahagi niya rito ang kanyang misadventures sa pakikipag-date.
Paliwanag ni Tess, “It’s about a hopeless romantic looking for something epic in a world of casual dating.”
Aniya, mahirap makipag-date sa New York, lalo na sa isang tulad niyang comedian.
“I was trying to be whatever I thought my dates wanted me to be.
“A lot of people were just looking for something casual, but what I really wanted was something epic.”
At ani Tess, ano pa raw ba naman ang mas magiging epic kumpara sa pagsali sa half marathon habang nakasuot ng wedding gown—and, at the same time, naghahanap ng posibleng maka-date.
Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real
