Inakusahang manhid ang isang bangko sa Mexico.
Ang pangalan ng bangko ay Banco Bilbao Vizcaya Argentaria (BBVA).
Ito ay matapos ipagpilitan ng bank management na ang isang 96-year-old na lolang nakaratay sa kama ay dalhin sa physical branch para makumpirma ang kanyang identity at mai-release ang kanyang pension.

Ang insidente ay ibinahagi ng Radio 580 Nicaragua via Facebook noong May 14, 2025.
Sa video na naka-upload sa FB account, sinasabing ang lola ay dinala sa BBVA branch sa Oaxaca, Mexico, habang nasa isang ambulance stretcher.
Nakilala ang lola na si Fidelia Vásquez Nuño.
Read: Korean YouTuber faces backlash in South Korea over breastmilk videos with Pinay moms
BANK NEEDS TO CORRECT GLITCH IN OLD WOMAN’S BIOMETRICS
Ayon sa anak na lalaki ni Lola Fidelia na si Gilberto Ayala, hindi na nakakakilos ang kanyang ina dahil sa katandaan.
Marami na rin itong iniindang sakit.
Sa kabila naman ng pagsisikap ng anak na i-file sa bangko ang mga kinakailangang dokumento para ma-verify ang identity ni Lola Fidelia, hindi pumapayag ang pamunuan.
Kailangan umanong ang lola mismo ang magpunta sa bangko para itama ang glitch sa biometric registration nito.
Dahil sa naturang glitch sa biometric registration, napag-alamang anim na buwan nang hindi nakatatanggap ng pension ang elderly woman.
Read: VIRAL: Mother elephant tries to save calf hit by truck
FAMILY OF OLD WOMAN CLAIMS BANK “PARADED” HER
Nang makapanayam ng local media ang pamilya ni Lola Fidelia, inilabas ng mga ito ang hinaing sa kawalan ng malasakit ng bangko.
Ani Gilberto: “It’s an outrage. We’ve submitted everything—official documents, powers of attorney, and her legal representative.
“Yet, they’ve demanded that she come in person, even though she’s clearly not fit enough.”

Paliwanag umano ng BBVA branch manager, ang pension payment ni Lola Fidelia ay suspendido.
“And that we need to comply with more requirements to be able to reactivate the payment.”
Himutok ni Gilberto: “It’s an ordeal.”
Dagdag naman ng anak na babae ni Lola Fidelia na si Ernestia, nakalulunos ang ginawa ng bangko sa kanyang ina.
“They’ve paraded us from office to office.
“They tell us that her facial features don’t match those on the previous record, without considering that my mother is 96 years old.
“Of course she’s changed physically. Who doesn’t change in decades?”
Read: Man lives by eating 2 slices of toasted bread with butter daily
BANK OFFERS NO ALTERNATIVES, FAMILY FILES COMPLAINT
Sa panayam ay sinabi rin ng pamilya ni Lola Fidelia na hindi nag-offer ang bangko ng kahit anong alternative para hindi na dalhin sa branch ang elderly woman.
Ito ay kahit ipinaliwanag nila sa pamunuan ang delikadong kalagayan ng kanilang ina.
Nang mag-viral ang mga larawan at video ni Lola Fidelia sa social media, habang ito'y naghihintay makunan ng biometric details, umani ng katakut-takot na batikos ang bangko.
Maraming netizens ang nagsabing walang puso ang pamunuan ng bangko—at nilabag ang mga karapatan ng elderly woman.
Nagsampa na ang pamilya ni Lola Fidelia ng reklamo laban sa BBVA sa National Human Rights Commission, the Ombudsman’s Office of the people of Oaxaca, at sa National Commission and Defense of Users of Financial Services ng Mexico.
Read: Parrot witnesses crime; mimics murder victim’s last words
