PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman shares shocking physical transformations during pregnancy

“My pregnancy was so hard”
by KC Cordero
Published Jun 5, 2025
Li Wei's photos
Gumanda at kuminis ang babae nang magbuntis. Pero habang tumatagal, nag-iba ang kanyang hitsura. (Photos: Weibo)

Kakaiba ang pregnancy journey ni Li Wei, isang babae mula sa Kunming, Yunnan Province, China.

Siya kasi ay sumailalim sa transformation not just once but twice.

Sa ulat ng Albanian news website na Telegrafi last June 3, 2025, nag-glow up ang first-time mommy sa kanyang first trimester.

Bukod dito, naging mataas ang kanyang energy at hindi siya basta-basta napapagod kahit maraming ginagawa.

Read: “Most beautiful girl in the world” at age 6 is now 24

FIRST TRANSFORMATION

Dahil nanibago sa kanyang transformation, kumonsulta si Li sa doktor, kung saan nakakuha siya ng assurance na normal lang sa isang babaeng buntis ang maging radiant.

Ang nangyayari raw sa kanya ay tinatawag na “pregnancy glow," na ayon sa website na whattoexpect.com, ay dulot ng "increased blood flow and higher estrogen and progesterone levels," na nakakatulong sa skin hydration.

Nawala ang pangamba ni Li, at ikinatuwa na lamang niya ang biglaang pagganda.

SECOND TRANSFORMATION

Ngunit pagsapit ng kanyang ikalimang buwan na pagbubuntis, naobserbahan ni Li ang kakaibang pagbabago sa kanyang mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabaligtaran ito ng nangyari sa kanyang first trimester dahil hindi niya raw makilala ang sarili pag nananalamin.

Una, lumaki ang kanyang ilong.

Pangalawa, naglabasan daw ang acne at kulubot sa kanyang mukha.

Li Wei's big nose
Makalipas ang ilang buwang pagbubuntis, napansin ni Li Wei ang biglang pagbabago ulit ng kanyang mukha. Photo: Weibo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman catches cheating husband via toothbrush app

MORE PHYSICAL CHANGES

Nang papalapit na si Li sa panahon ng kanyang panganganak, mas lumala ang mga pagbabago sa kanyang mukha, pati na rin sa katawan.

Nagkaroon din ng mga pekas o “pregnancy spots" ang magkabila niyang pisngi.

Li Wei's freckles
Dumami ang mga pekas ni Li Wei sa magkabilang pisngi habang nalalapit ang araw ng kanyang panganganak. Photo: Weibo
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Namaga ang kanyang mga kamay at paa.

Sabi naman sa kanya ng doktor, ang mga pagbabagong ito ay natural lang.

Pero hindi pa rin nakampante si Li kaya may mga binago siya sa kanyang lifestyle.

Una, ang kanyang diet. Nagbawas siya ng konsumo ng sugar and fat.

Pangalawa, nagsimula rin siyang mag-ehersisyo kahit pa buntis.

Read: Man never gives up on comatose wife; sings to her every day

Samantala, in-assure siya ng ibang mommies na normal lang ang kanyang pinagdadaanan.

Ang isa pa kasing epekto ng fluctuations sa estrogen and progesterone levels ay acne, hyperpigmentation, at iba pang skin issues.

Nung nanganak na si Li, nagpatuloy ang mga pagbabago sa kanyang katawan.

Napansin daw niyang nalalagas ang kanyang buhok, na tinawag ng doktor as “postpartum hair loss.”

Unti-unti ring natutuyot ang makinis niyang balat.

Pero nababawasan ang kanyang pagkabahala sa tuwing sinasabihan siya ng mga kakilalang mommies na pinagdaanan din nila ang mga naranasan niya during pregnancy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yun nga lang, mas drastic at intense talaga ang kay Li.

Itinuloy niya ang pagda-diet at pag-eehersisyo para manatiling malusog siya habang inaalagaan ang anak.

Makalipas ang ilang buwan, unti-unting nagbalik sa dati ang kanyang hitsura.

Read: Bed Cliff: Experience taking a rest at 320-foot cliff

LI WEI's post about her PREGNANCY JOURNEY goes viral

Ibinahagi ni Li sa Weibo, ang counterpart ng X (dating Twitter) sa China, ang kanyang naging karanasan.

Aniya, “My pregnancy was so hard, but seeing the new life grow makes me feel that it was worth it.”

Ang kanyang journey ay nag-viral hanggang sa na-pick up ng international media.

Li Wei and her child
Si Li Wei at ang kanyang baby. Photo: Weibo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, makikita sa recent photo na in-upload ni Li ang kanyang mukha na nagbalik na sa dati—fresh and flawless.

Ang paalala niya sa mga buntis, huwag mag-panic kung may changes na mapansin sa katawan.

Sa halip, magkaroon ng positive mindset at healthy lifestyle.

Read: Woman runs marathon in wedding dress in search of future husband

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumanda at kuminis ang babae nang magbuntis. Pero habang tumatagal, nag-iba ang kanyang hitsura. (Photos: Weibo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results